Clue 2

9 2 2
                                    

Kilabot. Yan yung naramdaman ko pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun.

Alam kong di lang ako ang nakakaramdam nun ngayon, at tama nga ang hinila ko. Nakita ko ang iba sa mga kaklase ko ay nangilabot at natakot. 

Si Erickka nga namumutla na eh. Napailing na lang ako. Matatakutin talaga tong babaeng to.

Unang-una. Sino ba naman kasi ang di matatakot! Kung totoo nga ang sinasabi ni Cloud na ang pumatay kay Vanessa ay nandito sa school, PAKSHET! MAY KASAMA KAMING MURDERER! Iniisip ko pa lang na may killer dito sa school namin, feeling ko ayaw ko ng pumasok.

Pangalawa! Marami ng napaparanoid kasi baka pati sila patayin ng murderer. 

"e- err P-pano mo naman n-nasabi na n-nandito y-yung Murderer ni Ms.V-vanessa?" lakas loob na tanong nung isang kong classmate na si Krystal. Gaya ng iba mukha din siyang natakot.

Hindi sumagot si Cloud. Bagkus ngumiti lang siya. 

"Mr. Riealle you can sit there, beside Ms. Lyle" sabay turo sa tabi ko. Hindi na ko nagulat kasi yun lang naman ang bakanteng upuan.

Kinuha ko ang bag kong nakalagay dun sa bakante--- hindi na pala siya bakante. 

Napabuntong hininga ako. Mula ngayon upuan na yan ni Cloud. 

"Mamimiss kita Vandize. Babye. Kailangan na kitang ipaubaya. Sana naman wag kang pabayaan na bago mong amo." sabay kaway ko sa upuan na parang namamaalam. 

Kung kala niyo para akong baliw sa ginagawa ko, PWES! Wala akong pakialam! Kahit upuan lang si Vandize na puno ng Vandals  napamahal na rin ako sa kanya noh! Bukod kasi kay Erickka, si Vandize ang minsang kasama ko sa panahon ng hinagpis, sakit at lungkot. Kukuha lang ako ng ballpen at isusulat ko ang mga nararamdaman ko sa kanya. Gagaan na ang pakiramdam ko. Kaya masakit sa part ko to! Ang iwanan siya.

"Wala na si Vandize... huhuhuhu" bulong ni Erickka na parang maiiyak na. Minsan din kasi doon din siya naglalabas ng sama ng loob. Ngayon parang nawalan kami ng kapatid.

"Kaya natin to Erickka! Kailangan na natin siyang ipaubaya kay Cloud. Kung mahal talaga natin siya, kailangan natin siyang pakawalan." 

Mula sa gilid ko, nakita kong umupo si Cloud.

"Hi! My name is Whit-"

"Master Cloud! Ingatan mo si Vandize!" sabi ko sa kanya.

"What are you talking about? Master? Vandize?" 

"Master Cloud! Wag mong sasaktan si Vandize ah. huhuhu" sabi ni Erickka na umiiyak na ngayon.

Niyakap ko si Erickka. Alam ko parehas kaming nasasaktan ngayon at parehas din kami ng nararamdaman.

"What the hell?!" sigaw ni Master Cloud.

Tinatawag namin siyang Master kasi nga siya ang next na may-ari. Yung dating may-ari niyan tinawag din naming Master. Nakilala namin yung dating may-ari kasi nakalagay yung cellphone number niya dun kay Vandize. Mabait yung dating Master kaya sana maging mabait na master din tong si Cloud.

At ngayon galit na si Master Cloud!

"Sorry po Master Cloud!" sabay naming sabi ni Erickka.

Nakita ko siyang napabuntong hininga na lang.

"Class, dahil nga may transferee tayo at hindi pa medyo nalilibot ni Mr. Riealle itong school natin, wala kayong pasok ngayon hapon. Pwede na kayong umuwi."

Yung mga kaklase ko na namumutla kanina ay ngayon nagtatalon-talon na.

"Class dismissed!"

Nag-unahan sa paglabas ang mga kaklase ko habang kaming tatlo naman ni 
Erickka at Master Cloud ay nandito pa rin sa room, naiwan. 

Doon sa malapit sa pinto, may napansin akong isang notebook na pula. Dahil yata sa unahan kanina kaya nahulog yun. Ano ba yan! Napaka-careless. Tumayo ako saka pinulot to. Malay mo, may sikreto akong malaman dahil dito! Pangblackmail kapag may quiz hehehehe. Simple lang naman siyang notebook. Plain red yung design sa unahan. Bubuksan ko na sana kaya lang napansin ko na may lock to. Naman! Kailangan pa pala ng susi.

Dissapointed akong naglakad pabalik sa upuan ko. 

"Master Cloud naman eh!" 

"Aishh!! Fine!"

"Yehey!"

"Anong nangyari?" tanong ko habang pinapasok ko yung notebook sa bag ko. 

"May unang utos na si Master satin!" masayang sigaw ni Erickka.

"Oh? Ano naman yun?"

"Kailangan niyong humanap ng impormasyon kung sino-sino ang mga kakilala ni Vanessa dito. Baka may alam sila sa nangyari sa kanya." sabi ni Cloud.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Erickka. Wala ng urungan to.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who's The Murderer? #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon