CHAPTER TWENTY NINE

359 15 4
                                    

Sa dalas naming magkasama ni Kenneth ay mas lalo siyang napapalapit sa akin. Mas nakilala ko siya at masasabi kong napakabait at maalalahanin niya. Swerte ang taong mamahalin niya.

"Oh tara videoke tayo Mel." yaya niya sa akin isang araw. Katatapos lang ng klase namin nuon at nandito kami sa shopping center sa bayan.

"Hindi naman ako magaling kumanta noh, nakakahiya lang sa makakarinig ng boses ko." sagot ko sa kanya.

"Eh di samahan mo na lang ako, haharanahin na lang kita hehehe.." sabi niya na hawak pa ang kamay ko n hila-hila papuntang arcade section.

"Haharanahin talaga ha? At dito pa sa maraming tao.."

"Ayaw mo ba nun, maraming maiinggit sayo kasi guapo ang kasama mo?"

"Naku Kenneth, hindi ko alam na mahangin ka pala hehehe..."

"Hindi ako mahangin Mel, proud lang ako na kasama kita.."

Pumili si Kenneth ng kanta sa songbook at naghulog ng token sa videoke. Sa loob-loob ko, ang lakas ng loob nitong kumanta sa public place. Ang dami pa naman tao ngayon kasi hapon na. Uupo sana ako para panuorin siya pero pinigilan niya ako.

"Dito ka lang sa tabi ko Mel.." sabi niya

At nagsimula nang tumugtog.

Close your eyes
Give me your hand, Darling
Do you feel my heart beating?
Do you understand?
Do you feel the same?
Am I only dreaming?
Is this burning an eternal flame?

Wow, hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang boses ni Kenneth. Ang alam ko pa, pambabae yung kanta pero ginawang panlalake ni Kenneth at bagay talaga sa boses niya.

Kaya naman pala malakas ang loob na kumanta ay may ipagmamalaki naman talaga. Pati tuloy yung ibang tao ay napahinto at nanunuod na ngayon sa kanya. Yung iba ngang estudyanteng babae na nasa gilid ni Kenneth ay talagang napapahanga.

Sa totoo lang, ako rin naman ay sobrang proud kay Kenneth, guapo na tapos nakaka-inlove pa ang boses.

Gusto ko pa ngang sabihin na, 'Hoy, nanliligaw sa akin yan!', hehehe, pero siyempre hindi ko yun ginawa.

I believe it's meant to be, Darling
I watch you when you are sleeping
You belong with me
Do you feel the same?
Am I only dreaming?
Or is this burning an eternal flame?

Ang hindi ko inaasahan ay yung sumunod niyang ginawa. Hinawakan niya yung kamay ko at alam kong nakita iyon ng mga tao na nakapaligid sa amin.

Sanay naman ako na hinahawakan niya ako sa kamay pero hindi sa harap ng maraming tao.

Alam kong namumula na ko ng mga sandaling iyon. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya ito binitiwan.

Say my name
Sun shines through the rain
My whole life so lonely
You come and ease the pain
I don't wanna lose this feeling
Ooooh...

Bigla na lang may narinig akong nagtilian. Alam ko kinikilig sila sa amin pero mas kinikilig ako.

Tumingin ako sa kanya. Akala ko ay sa screen siya nakatingin pero sa akin pala.

Nagtama yung mga mata namin.

Parang bang matutunaw ako sa lagkit ng mga tingin niya.

Shit, ano ba itong nararamdaman ko. Ang bilis lang nang tibok ng puso ko. Napapdalas na yung ganito kapag magkasama kami.

Gusto ko nang bawiin yung tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko, na-hypnotize ako ng mga sandaling iyon.

Say my name
Sun shines through the rain
My whole life so lonely
You come and ease the pain
I don't wanna lose this feeling
Oooh...

Hindi ko na kaya yung mga tingin niya.

Nakakakilig nang masyado.

Nadadala na ako.

Pakiramdam ko kasi ay bigla na lang niya akong hahalikan kaya humarap na ako sa screen.

Close your eyes
Give me your hand
Do you feel my heart beating?
Do you understand?
Do you feel the same?
Am I only dreaming?
Or is this burning an eternal flame?

Bakit ang tagal matapos ng kanta niya?
Parang tumigil yata ang oras?

Naramdaman ko yung pagpisil niya sa kamay ko. May dala iyong kakaibang pakiramdam.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay gumanti ako, pinisil ko rin ang palad niya.

Close your eyes
Give me your hand, Darling
Do you feel my heart beating?
Do you understand?
Do you feel the same?
Am I only dreaming?
Is this burning an eternal flame?

Maraming beses na niyang pinipisil ang kamay ko pero ngayon lang ako gumanti. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam kong ngumiti ito.

Close your eyes
Give me your hand
(Give me your hand)
Do you feel my heart beating?
(Do you feel, Do you feel my heart)
Do you understand?
Do you feel the same?
Am I only dreaming?
Is this burning ..... ?

Palakpakan ang mga nanunuod.

"Ang galing naman ni kuya!"

"Wow, sweet naman nila."

"Sana kasing-guapo at kasing-galing din niyang kumanta ang boyfriend ko."

Ilan lamang iyon sa mga narinig kong sabi nila. Pagkatapos niyang kumain ay nagmerienda muna kami sandali bago niya ako ihatid pauwi.

"Mel, bakit ka tumugon dun sa pagpisil ko sa kamay mo kanina?" tanong niya habang nasa byahe kami.

"Wala lang. Masama ba?" sagot ko.

"Dati kasi kapag ginagawa ko sayo yun, wala lang, hindi ka tumutugon..."

"Dati yun..."

"Eh bakit nga ginantihan mo rin ako ng pisil sa kamay kanina?"

"Ano ba yan! Akala ko pa naman matalino ka Kenneth..." sabi ko sa kanya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan nitong tanong.

"Di mo talaga gets?"

"Kaya nga nagtatanong ako di ba?"

Nilapit ko yung mukha ko sa tenga niya tapos niyakap ko siya nang mahigpit.

"Sinasagot na po kita Mr. Kenneth Ventura." mahina pero nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla tuloy siyang napahinto sa pagmomotor na ikinagulat ko kaya muntik na akong malaglag. Buti na lang talaga at nakakapit ako sa kanya nang mabuti.

Humarap siya sa akin at tinanggal ang suot na helmet.

"Yung totoo Mel?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Sigurado ka?"

"Ayaw mo ba? Babawiin ko na lang."

"Hindi, gustong-gusto ko..nagulat lang talaga ako Mel..hindi ko kasi inaasahan ito..." masaya niyang sabi.

"Ano, natunganga ka na riyan.."

"Feeling ko nasa cloud nine ako. Sobrang saya ko talaga Mel...yahoooo!!!! Sabi ko na nga ba, mapapasagot kita agad eh!"

"Wow kanina lang, hindi makapaniwala tapos ngayon, ang hangin-hangin lang hehehe..."

"Basta Mel, pangako ko sayo, magiging masaya ka sa akin. Hindi ko gagawin sayo yung mga naranasan mo dati, hindi kita sasaktan, hindi kita iiwan..I love you Mel!"

"I love you too Kenneth ko!"

END OF CHAPTER TWENTY NINE

A/N Sa mga nagugustuhan ang kwentong ito, please vote and comment. Thanks!

Minsan Lang Ang Walang Hanggan (Bromance/Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon