CHAPTER THIRTY FIVE

353 9 1
                                    

Bahay at eskwelahan na lang ako. Simula nang huling pumunta ako sa kanila ay hindi na nga ako bumalik.

Hindi na rin ako ginulo ni Jethro. Siguro ay naisip na rin niya na wala na talaga siyang aasahan sa akin. Pabor naman sa akin iyon dahil pakiramdam ko ay nagkaroon na rin ako katahimikan. Wala nang gumugulo sa amin ni Kenneth.

Akala ko nung una ay matatagalan bago ko matutuhang mahalin si Kenneth. Pero nagkamali ako. Bagamat hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya, nasisiguro ko naman na darating din ang panahon na maibibigay ko na ang buong pusong pagmamahal sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya minsang nakaangkas ako sa motor niya.

"Basta." matipid na sagot ni Kenneth.

"Anong basta? Saan nga kasi?"

"Malalaman mo rin mamaya."

"Ano ba yan, bakit kasi hindi pa sabihin. May pa-suspense pang nalalaman eh."

Hindi na siya sumagot at itinuon na lang ang pansin sa pagmamaneho. Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating kami sa sinasabing pupuntahan namin.

"Kaninong bahay ito?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang isang two-storey na bahay.

May kalakihan ito at masasabi kong maganda ito mukhang may kaya ang mga nakatira rito kahit sa labas mo lang ito makikita.

"Bahay namin." sagot ni Kenneth.

"Huh? Anong ginagawa natin dito?"

"Ipapakilala kita kay mama."

"Ano?!" gulat kong sabi.

"Bakit, ayaw mo bang ma-meet si mama?"

"Hindi naman sa ganun kaso nabigla ako. Wala ka man lang pasabi."

"Baka kasi tumanggi ka kapag sinabi ko. Kaya naisip kong i-surprise na lang kita."

"Nakakainis ka Kenneth! Kinakabahan tuloy ako."

"Relax ka lang, mabait si mama. Ang totoo ay alam na niya ang tungkol sa atin at tanggap niya ang relasyon natin."

Kahit na sabihin ni Kenneth na wala akong dapat alalahanin, nanatili pa rin ang kaba sa aking dibdib. Ito kasi ang unang beses na ipapakilala ako ng boyfriend ko sa magulang niya. Nung kami kasi ni Jethro ay wala namang ganun. Bata pa lang kasi ay kilala ko na sina Mang Ramon at Aling Tasing. At kahit nung kami na ay wala naming pormal na pagpapakilalang nangyari.

Namangha ako sa nakita ko nang makapasok sa loob. Alam ko naman na may kaya si Kenneth pero hindi ko inakala na mas mayaman ito sa akala ko. Simple lang kasi siya sa school. Walang yabang. Walang hangin.

Maya-maya pa ay nakaharap ko na ang mama ni Kenneth. Maganda ito at mestisahin. Dito siguro nakuha ni Kenneth ang kutis niya.

"Ma, si Jimmel po, boyfriend ko. Mel, mama ko." pakilala niya sa amin.

"Magandang hapon po ma'am." kabado kong sagot at nagmano pa sa kanya.

"Finally, nagkakilala rin tayo. Alam mo ba, lagi ka niyang nababanggit sa akin. By the way, tita na lang ang itawag mo sa akin. Nakakatanda kasi yung ma'am." nakangiting wika nito.

"Sige po..tita.."

"Feel at home Jimmel. I can see na kabado ka, relax ka lang. Tara, nagpahanda ako ng merienda." sabi ni tita at hinawakan pa niya ako sa kamay kaya naman nabawasan na rin ang tensyon ko.

Mabait ang mama ni Kenneth. Ramdam kong totoo ang ipinakikita niya sa akin kaya naman naisip ko kung gaano ako kaswerte ng mga sandaling iyon.

Marami pa akong nalaman tungkol sa boyfriend ko dahil na rin sa mga kwento ni tita.

Nuon ko lang nalaman na color blind pala si Kenneth. Hindi niya madistinguish ang blue sa violet, ang red sa orange at green sa brown. Bigla ko tuloy naalala nung minsang namimili kami ng damit. Sabi ko sa kanya ay kunin niya yung violet para isukat, pero yung kulay blue ang dinampot niya.

Hindi rin pala siya marunong lumangoy. Nung eight years old daw kasi si Kenneth ay muntik na itong malunod. Simula nun ay umiwas na raw ito sa beach o swimming pool.

Ayaw rin niya ang atay pero paborito nitong palaman sa pandesal ang liverspread. Ang weird lang hehehe.

"Dito ka na matulog, pwede ba?" tanong ni Kenneth.

"Ha? Eh nakakahiya naman..."

"Sus, ngayon ka pa mahihiya..eh boto naman si mama sayo." nakangiting sabi niya sabay kindat pa.

"Baliw, may binabalak ka ata eh..."

"Uhmm...hindi ba pwede?"

"Sabi na nga ba eh!"

"Kung ayaw mo, okay lang. Pero gusto lang naman kita makasamang matulog tsaka mayakap..."

Pinagbigyan ko na rin si Kenneth sa gusto niya.  Eto ako ngayon sa kuarto niya. Nakahiga sa malambot niyang kama at hinihintay na matapos maligo si Kenneth.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Kenneth na nakatapis lang ng tuwalya. Medyo basa pa buhok nito. Ngayon ko lang nakita ang katawan niya at masasabi kong napahanga ako. Hindi siya mamasel pero tama lang ang laki ng katawan, lean fit.

"Oh, pasado na ba?" sabi niya.

"Huh? Anong pasado?"

"Kunwari ka pa diyan eh. Alam ko namang nagagandahan ka sa katawan ko." kumpiyansa niyang sagot.

"Wow, sobrang bilib sa sarili lang oh..."

"Totoo naman ang sinasabi ko ah..."

At akmang tatanggalin niya ang suot niyang tuwalya kaya napapikit naman ako.

"Ay, ano ba yang ginagawa mo!" sabi ko sa kanya.

"Ano bang ginagawa ko?"

"Ibalik mo nga yang tuwalya mo..."

"Dumilat ka nga riyan."

At nang dumilat ako ay nakita ko siyang nakasuot ng brief.

"Anong akala mo, wala akong suot noh?"

"Magdamit ka na nga!" sabi ko.

Tumayo ako at kinuha ang shorts at sando niya na nakapatong sa katabing upuan at ibinato sa kanya.

Pero sa halip na kuhanin ang kanyang damit ay lumakad siyang palapit sa akin.

Uurong sana ako pero naramdaman kong dingding na ang nasa likod ko.

Halos magkadikit na ang mga mukha namin. Ang katawan niya ay nakalapat na sa katawan ko. Ramdam ko ang init niya.

At namalayan ko na lamang na naghahalikan na kami. Kapwa walang saplot. Pareho naming nilalasap ang bawat isa.

Nang hilingin niyang maging isa kami ay hindi na ako tumutol. Ipinaubaya ko na kay Kenneth ang aking katawan.

Nasa ibabaw ko siya ngayon.

"Aaahhh..." ungol ko.

Mas binilisan pa niya.

Darang na ako sa init.

"Jethro..." sambit ko.

END OF CHAPTER THIRTY FIVE

Minsan Lang Ang Walang Hanggan (Bromance/Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon