CHAPTER NINE

433 10 2
                                    

Mahigit tatlong buwan na ang lumipas ay patuloy pa din sa chemotherapy si tatay. Malaki na rin ang ipinayat nito pero sabi niya ay ayos lang naman siya. Paubos na din ang perang napagsanlaan namin ng lupa kaya malaking problema kung paano mautuloy ang pagpapagamot ni tatay.

"Ang hirap mahal ng sitwasyon namin. Sabi ng doktor eh ten sessions daw yung chemotherapy ni tatay pero nakakatatlo pa lang kami. Baka hindi namin makumpleto yun. Yung sa PCSO naman ang tagal maaprubahan, sa paglalakad lang ng papeles malaki na din ang nagagastos." wika ko ng minsang dalawin ko si Jimmel sa kanila.

"Mahal, sabi ko sayo eh magtatrabaho na din ako dun sa fastfood. Kahit paano makakatulong yun pandagdag sa pagpapagamot ng tatay mo." suhestiyon ni Jimmel.

"Pero hindi mo naman responsibilidad ang pamilya ko."

"Pero boyfriend kita. Mahal kita at ang pamilya mo kaya sana naman huwag mo akong pigilan sa gusto kong pagtulong. At ayaw mo ba nun, mas madalas tayong magkakasama sa trabaho.."

"Hmmmm...gusto mo lang ata ako laging makasama eh..siguro lagi mo akong namimiss hehehe.."

"Hahaha..ang kapal mo din noh..para mabantayan na din kita kaya ako magtatrabaho dun. Malay ko ba, may makilala ka dun at ipagpalit mo ako.."

"Sira ka talaga..hindi po mangyayari yun. Eh baliw na baliw nga ako sa mahal ko eh hehehe.."

"Bolero ka talaga. Hmpp."

"Oh sige, ikaw na ang baliw na baliw sa kaguapuhan ko hehehe.."

"Asa ka! Yabang lang ha.."

"Kunwari ka pa diyan..kaya pala todo ang selos mo nun kay Melody hehehehe..."

"Tse! Wag mo na ngang mabanggit yung babae na yun. Nakakaasar lang ang pagmumukha nung ex mo na yun."

"Okay sabi mo eh.."

"Oh ano mahal, payag ka nang magtrabaho ako?"

"Hay..sige na nga. Tiyak kukulitin mo din naman ako pag hindi ako pumayag eh."

"Yehey! Ayan, lagi na tayong magkakasama mahal.."

Sa totoo lang ang suwerte ko kay Jimmel. Talagang mahal na mahal niya ako pati ang pamilya ko.

Kahit nahihirapan ako sa problema namin eh nawawala naman iyon pag kasama ko si Jimmel.

Siya ang nagpapalakas ng loob. Sa kanya ako humuhugot ng lakas.

Kaya kahit labag sa kalooban ko na magtrabaho si Jimmel ay pumayag na din ako. Kahit paano ay makakatulong iyon sa amin at basta para kay tatay at sa pamilya ko, tatanggapin ko ang lahat ng klase ng tulong.

"Mahal na mahal kita Jimmel. Salamat at nandiyan ka at hindi mo ako iniiwan. Payakap nga sa mahal ko.."

"Uuy, naglalambing ang mama hehehe..."

"Kainis ka naman, nag-e-emo ako tapos panira ka.."

"Hehehe..halika na nga dito at yakapin mo ako nang mahigpit.."

Lumapit ako kay Jimmel at mahigpit na niyakap ang taong pinakamamahal ko.

Sana ay ganito na lang lagi.

Laging masaya.

Walang problema.

Kung pwede lang takasan ang problema ko ay ginawa ko na. Pero kahit pwede naman ay hindi ko iyon gagawin kaya kung kailangang lunukin ko ang pride ko, para sa pamilya ko ay gagawin ko.

Minsan Lang Ang Walang Hanggan (Bromance/Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon