Chapter 3: Meet Up

70 9 3
                                    

Meet Up

Pagka-uwi namin ni Jean agad kaming dumiretso sa kanya kanya namin kwarto para makapag pahinga.

Pag pasok ko naman kinuha ko na agad ang towel ko para makapunta na sa banyo ng mapansin ko ang pag ilaw ng phone ko, tiningnan ko ito. Baka si Lola.

Symon:
  Hi. Good Evening. :)

Symon:
  Are you busy?

Symon:
  Tulog kana?

Madami pa syang mga text di ko na binuksan, napangiti naman ako sa mga text nyang yun. Lagi na kaming magkatext ni Symon pero hindi ko pa talaga sya kilala ng mabuti mas maganda kasi kung sa personal ko sya kilalanin di ba?

Nailapag ko ulit sa side table ang phone ko at pumasok na sa banyo.

Nagbihis lang ako at naghilamos ng mukha para ma-preskohan. Lumabas na ako ng banyo pagkatpos. Narinig kong tumutunog phone ko kaya dinampot ko agad.

"Hello?" sabi ko ng hindi tinitingnan kung sino man ang tumatawag.

"H-hello." sabi ng baritong boses sa kabilang linya. Kaya napatingin ako sa screen ng phone ko.

It's Symon.

"Napatawag ka? Anong oras na ah?” sabi ko sabay tingin sa wall clock dito sa kwarto.

1:30 na ng madaling araw. Di parin siya tulog?

"Wala lang. I just..." putol nito.

Is he drunk?

"Just what? Are you drunk?" tanong ko dito. Iba kasi ang boses nya.

"A-ah. Nope, naka inom lang. Nakauwi na naman ako sa bahay, so don't worry." ani sa kabilang linya.

Ang alam ko, isa siyang photographer, yun lang ang alam ko sa kanya wala akong alam sa family background nya. Baka nga matagal na kaming nagkakabanggaan sa daan di lang namin alam. Hindi kasi ako gaanong mahilig sa pagsusurf sa social media na yan kaya wala akong gaanong kilala.

"Hey. Nandyan ka pa?" sabi ulit ni Symon sa kabilang linya.

"Ah! Yeah, sorry may iniisip lang." sagot ko naman.

"Ah. April..." seryoso niyang sabi.

"Symon?"

Ano ba naman to, di na umalis alis ang kaba ko. Kailangan ko yatang magbakasyon para mag unwind kaso hindi pwede ngayon dahil madami pa kaming designs na kailangan gawin.

"Can we...see each other? Gusto kong makilala ka in person." sabi nito sa mababang tono.

Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko, parang may bumabara sa lalamunan ko at di ko makuhang magsalita. Ito na nga yung gusto ko di ba? Yung magkita kami at makilala ang isa't isa ng lubusan.

"Y-yes. Saan?" sabi ko ng nauutal.

"Ikaw? Kahit saan mo gusto."

Nag isip naman ako agad ako kung saan kami pwedeng magkita.

"Sa Resty's Restaurant nalang tayo magkita. Okay lang ba?" sabi ko.

Medyo malapit kasi yun dito sa apartment namin ni Jean.

"Yup, okay lang. So, tomorrow free ka?" anya.

May gig kami bukas. Dapat pala dun nalang sa Frooty Bar. Pero sa sunday wala kaming gig ni Jean.

"Ah. Free ako sa umaga. Okay lang?"

"Yeah, okay lang. So 9am sa Resty's Restaurant?" sabi niya.

That Creepy thing called "LOVE" SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon