Chapter 1: The Call

86 12 2
                                    

The Call

I don't believe in love, why should I? Kung masayang umibig di sana wala akong taong nakikitang umiiyak at nagdurusa ng dahil dyan sa love na yan di ba?! Hindi ako bitter, I'm just stating the fact.

Love is not a feeling.
Feelings easily pass and change or fade away. But True Love is an act of wanting to continue. Despite and Inspite of everything. So may mga sumusugal kahit natatalo? Haay.

Ang lakas ng loob kong magmuni-muni dito sa office eh samantalang busy kaming lahat at may kanya kanyang ginagawa tapos ako ito lang? Nag iisip sa Love na yan? Nakakatawa lang 'nu?

Magta-type na sana ako sa computer na kaharap ko ngayon ng biglang nagvibrate ang phone ko. Nang tingnan ko, may tumatawag? Unknown number, di ako pala sagot ng tawag ng ganito pero may nagtutulak na sagutin ko.

Ia-accept ko na sana yung tawag ng namatay na ito, kaya tinuloy ko nalang ginagawa ko. Pero naramdaman ko ulit na nag vibrate ito. Sinagot ko na.

"He--" di ko pa tapos sabihin ay pinatayan ko na agad. Ang rude ko? E, kayo kaya makasagot ng tawag na iyak agad ang ibubungad? Kinabahan tuloy ako dahil iba yung iyak nya. Geez!

Itinuon ko nalang ang sarili ko sa ginagawa ko kesa isipin ko yung tumawag sakin.

"Bruha, lunch na tara na?" anyaya sakin ni Jean. Bestfiend ko simula grades school.

"Wait, tapusin ko lang to. Isa nalang!" sabi ko.

Tiningnan lang naman nya ako.

"What?!" tanong ko ng kanina pa ito nakatitig sa akin.

Ngumisi ito at umiling. Baliw talaga!

"Done! Let's go na!" sabi ko at tumayo na.

"Bilis at ginugutom na mga alaga ko." reklamo nya.

"Aba! Bakit? Kailan ba hindi aber?" tanong ko naman sa kanya. Paano lagi syang gutom pero kahit kain ng kain hindi naman nataba.

Pagdating namin sa cafeteria umorder na agad kami.

"Ate Mel, pababili nga po adobo at dalawang kanin..pati po pala softdrinks isa." sabi ni Jean.

"Hala. Gutom na sya, hahaha!" pang-aasar ko.

"Aba sa gutom nga talaga e! Umorder ka na aantayin nalang kita dun sa table." naka ingus nitong sabi.

"Okay, Madame! Hahaha"

"Sa akin ate, yung chopsuey at isang kanin." sabi ko sabay abot ko ng bayad ko.

"Softdrinks, April?" anya.

Umiling ako tsaka sumagot. "Tubig nalang ho."

Pagkakuha ko sa order ko ay pumunta na agad sa table namin ni Jean na nagsisimula ng kumain.

"Hinay-hinay naman. Wala kang kaagaw!" saad ko ng makitang sunod sunod ang subo nito sa kanyang pagkain.

Tiningnan nya ako ng masama tsaka nagpatuloy sa pagkain. Okay, sabi ko nga pag kumakain sya 'di dapat iniistorbo kung ayaw mong ikaw ang makain. Hahaha.

Nagsimula na din ako sa pagkain. Hindi pa ako nakakarami ng subo ng magvibrate ang phone ko dahil sa tumatawag na naman.

"Baka gusto mong sagutin yung tawag? Kung hindi naman pwede mong patayan." sabi ni Jean.

Tss. Sungit ah! No choice, sinagot ko na din.

"Hello? Sino 'to?" tanong ko sa kabilang linya.

Nakatingin lang sakin si Jean.

"Alex...patawarin mo na ako.." sabi nito ng umiiyak.

Kumunot naman ang noo ko.
"Wait. Teka lang kuya ah? Hindi ako si Alex. Wrong number ka!" sagot ko naman.

"Ano bang sabi?" tanong ni Jean.

"Aba! Umiiyak at tinatawag akong Alex... Kanina pa ito tawag ng tawag." sagot ko kay Jean.

"Hindi..hindi. Ikaw si Alex, sinasabi mo lang na hindi! Please Alex bumalik ka na sakin.. Nagmamakaawa ako sayo.." umiiyak pa rin nitong sabi.

"Ano ba! Hindi nga ako yung Alex na sinasabi mo.. Kaya pwede ba, wag ka ng tumawag dito!" galit ko ng sabi. Nakakainis na kasi.

"Hindi... Sinasabi mo lang yan para tigilan na kita." sabi pa nito.

"Hindi nga ako yung Alex na sinasabi mo. Alam mo Kuya kung gusto ka pa balikan ng girlfriend mo di sana kinakausap ka nya ngayon at hindi ako kausap mo." sabi ko ulit dito.

May mga ganito pa palang klase ng lalaki. Na iiyakan ka dahil sa mahal ka at ayaw mawala ka.

"Hindi ka ba talaga si Alex?"

"Hindi nga ako yun." ang kulit ng isang 'to.

Sinenyasan na ako ni Jean na ibaba ko na ang tawag dahil malapit ng mag time.

"G-ganun ba? Pasensya ka na." paumanhin nito.

"Wala yun. Sige na, bye!" I hang up.

Di ko na tuloy natapos ang kinakain ko dahil ang tagal namin magkausap ng lalaking yun.

What if, ayaw na talaga sa kanya nung girl? Baka mag suicide si kuya mong boy. Baka hindi naman talaga kasi sila ang end game.

Bumalik na kami ni Jean sa department namin. Agad naman sumalampak ng upo si Jean at umusod palapit sa may akin.

"Sino ba yun ha?" tanong ni Jean.

I shrug. "Hindi ko din kilala eh. Unknown number." I said.

"Ay sus. Baka si Leo." bulong nito sakin at tumawa.

Lumayo ako sa kanya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang palad ko. Tumawa pa lalo si Jean kaya umiwas na ako, haharap na sana ako sa table ng biglang may tumikhim sa may likuran namin.

"Ehem!"

Sabay kaming napatingin at bumalik sa kanya kanya naming table.

"What are doing? Are you done with your works?" Engr. Marco asked.

Di makaimik si Jean kaya ako na ang sumagod.

"Sorry, Sir. Ah, we're not  done yet, pero konting linis nalang po. I answered.

Tumango ito at sabay sabing "Okay, continue your works." He said then walked away.

Laking luwag naman ng hininga ni Jean ng umalis na si Engr. Marco.

"Tss. Sungit! Nakakainis!" saad nito habang bumabalik sa pwesto niya.

Naiiling na napangiti nalang ako dahil ganun lagi ang reaction niya pag nakaalis na si Marco.

That Creepy thing called "LOVE" SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon