Si Crush na na-Crash at na-Crush.

50 4 3
                                    

Sana maintindihan niyo yan title kung hindi, problema niyo na yun. 

Hindi natin maiiwasan mag-kacrush. Dun sa mga "HINDI DAW NAGKA-CRUSH" eh ewan ko na lang sa inyo. Pano niyo kaya napipigilan yan mga beh? Pa-share naman ng tips.

May ikukwento ako sa inyo. Ikukwento ko pa ba? Baka mabasa niya eh. *taena nahiya pa am***** Lagi ako nagkakaroon ng crush kasi may pagkamalandi kasi ako dati pero hindi naman nalalaman kasi secretive talaga ang Reyna niyo. Secretive mala-CIA ang peg. Nagkaroon ako ng crush noong 2014. Ewan ko nga kung bakit ko siya naging crush kasi inconsistent ang mukha. Panget dito, okay naman doon. Nakakainis. Medyo remarkable siya kasi sa lahat ng mga naging crush ko yun lang ang kumalat. Ang daldal kasi ng kaibigan ko. Sa bestfriend ko nga hindi ko masabi eh pero nasabi ko naman after kumalat. P***bells talaga siya beh. Okay, move on. Alam mo yung feeling na yung mga plano na anonymous magparamdam napurnada lahat. 

FAST FORWARD. Nagbigay ako ng sorry letter sa kanya. TAENA. PINAGSISIHAN KO PARIN YANG KATANGAHAN KO NGAYON. After nun, we never talked. 

FAST FORWARD 8X: Binalaan ako ng mga mahal kong kaibigan na baka maging classmate ko siya. Nireveal ng isang classmate namin yung magiging classmate namin sa school year 2015-2016. Ayun! Naging classmate ko siya. Ang gagaling talaga ng iba naming teachers! Huwaran! 

Minsan lang kami nag-uusap. Kapag may group works. Sasabihin ko ang totoo, wag niyo akong i-judge. May pagkapaepal siya. Tanong niyo pa si *secret na yun*. Alam mo yung feeling na gusto mo na mag-concentrate sa group work niyo pero iniinis ka niya. Mapapa-fruta ka talaga sa inis. Aaminin ko, masaya siyang kasama kasi nung nagbake kami sa kanila nagtatawanan naman kami. Hindi naman siya na-awkward pati din ako.

Isang araw, pinagpair kami ng teacher namin sa isang nude painting. P**A! NUDE PAINTING? Pero naging self-portrait na lang yun dahil awkward talaga yun sa lahat. Nagpainting na kami. Salitan kami, ako dito sa part na to, siya dito sa isa. Ang panget nga nun eh. Pina-dispatsa ko na nga yun eh. Hindi ko makakalimutan ang painting dahil dito ako natututo magdrawing. Hindi nga ako makadrawing ng hayop eh. Dahil sa painting na yan, natuto ako magdrawing ng tao pati hayop. (kasi mukha siyang hayop. HAHAHAHAHAHA!)

Masaya talaga mag-crush. Totoo yan. Kasi sila daw yung inspirasyon or motivation sa paaralan. *Pero hindi ko siya naging inspirasyon* 

Ang panget ng ending. Wala na akong maisip na words na magpapaganda ng ending. Ieedit ko dito mga beh. Kalma lang.

Anes layf: Collection of Essays about LayfWhere stories live. Discover now