Nostalgia

34 2 1
                                    

Disclaimer: This is not a joke and fantasy! Realtalk.

Ikukuwento ko ang pinakakakilig na gabi ng buhay ko. Sigurado ako na kakainggitan niyo ako. Hinatid ako ng crush ko hanggang sa bahay namin.

2013, pumunta kami sa bahay niya kasi gagawa kami ng kanta para sa P.E. namin. We tried many songs para lapatan ng lyrics about arnis. After an hour or few, bumagsak kami sa kanta ng BSB na Everybody. Mahilig kasi siya sa BSB which is unusual sa mga kaedad namin. Dahil dun, tinatawag ko siyang "gurang".

Dumating na yung oras na uuwi kami kasi gabi na yun. Mga 8 pm, I think. Babae pa naman yung kasama ko nun. Galit na nga yung magulang niya eh.

Yung parents nung kasama kong babae ay dumating sa bahay nung crush ko para sunduin. Her parents were really furious. Iniwan nga nila ako eh. Palabas na ako ng gate tapos biglang humarurot paalis yung car nila.

Nag-alala naman ako nun dahil madilim yung palabas ng Phase nila. Bigla siya nag-offer na ihatid ako sa bahay namin na malayo sa bahay nila. So ako naman ay umagree kasi gusto ko ng kasama pauwi kasi yung panahon na yun na kakaunti pa ang nakatira sa village kaya yung mga ilaw ay kakaunti lang.

Habang naglalakad kami, nagkukuwentuhan kami. Doon ako naging close sa kanya. Puro nga fractions yung pinag-uusapan namin like 1/2 na yung layo natin sa bahay ko.

Nung nandun kami sa street namin, sinabi ko na may shortcut palabas pero ayaw niya kasi baka maligaw lang daw siya. Hinatid niya na ako mismo sa bahay. Ako naman ay nag-express ng gratitude at nag-paalam na. Nag-alala nga ako nun sa kanya kasi dadaanan niya yung madilim na street pabalik sa kanya. Kinilig talaga ako sa gabing yun.

Ang wish ko pa nun na sana maulit kasi kapag na sa school kami, hindi naman kami nag-uusap.

This update is very special kasi kaunti lang nakakaalam ng nangyari nun. Pambawi ko lang to sa mga araw, linggo at buwan na pananahimik ko. Inaantay ko kasi yung phone ko pero hindi parin ako nabibilhan. Huhu.

Anes layf: Collection of Essays about LayfWhere stories live. Discover now