Nakita ko sya sa Canteen. Nasa isang table sya. Walang kasama. Pero ang table nanaka palibot sa kanya ay puro babae na may gusto din sa kanya. Ako lang siguro ang may lakas ng loob kumausap sa kanya. Bukod sa kababata ko sya, kapitbahay, at kaklase. Crush ko sya. Super.
Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay Haku Lucas? Eh lahat na ng magandang katangian nasa kanya na. Gwapo, matalino, Gentleman, maganda ang buhok. Haha.
Pero para syang yelo. Sa sobrang lamig. Nangingining ang mga babae pag kausap sya. Literal. Hindi ko lang alam kung nanginginig dahil sa laming nya or kinikilig lang talaga?
Tumikhim ako...
Naglakad ako papunta sa table nya. Nangnasa tapat na ako ng lamesa nya...
"Ahm.. Hello." Sabi ko.
Nag angat lang sya ng tingin sakin. Hindi umimik. Wala. Wala din emosyon ang kanyang mukha.
"Pwede... Ahm.. Maki upo?" Tanong ko. Tumango naman sya.
Umupo ako sa tapat nya. Hindi ako tingin sa kanya. Nahihiya ako. Aish! Nagawa ko na yung first move. Isip naman Bella! Ngayon ka pa magbaback out?
"Ahmm... Haku? Pwede magtanong?"
Aish! Ang tanga mo Bella! Nagtatanong ka na nga eh.
Tumingin lang sya sakin. Hindi lang pala tingin. Titig.
Halaaa... Natutunaw na yata aaakoo. Help! Help! Im melting!
Nakita ko yung mata nya. Parang kuminang or something? Na sinagan ng araw? Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya. Natutunaw ako.
"Si-sinong... Uhh--" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang mag salita sya.
"Gusto ko?" Tanong nya.
Napalunok ako. At dahang dahang tumango. Tumingin ako sa kanya. Nakatitig parin sya sakin. May dumi ba ako sa mukha? Nakakahiya. Shet.
Dahan dahang nag angat ang kanyang labi.
OH.
MY.
GOSH.
Ngumisi sya sakin! Nagpa- palpitate na ako! Ni minsan hindi sya ngumiti, ngumisi sa kahit kanino! Cold sya sa lahat! Tapos ngayon, makikita ko syang nakangisi sa harapan ko!
Ang lakas ng tibok ng puso koo! Ang saya ko pero di ko pinapahalata. Kahit na nararamdaman kong umiinit ang pisngi ko. Nag iwas ulit ako ng tingin.
"Ang cute mo..."
O.o ano daw?
Tumingin ako sa kanya.
"H-ha?"
Nagbalik nanaman ang walang
ka emo-emosyong nyang mukha. Aww. Sayang!Tumayo na sya at tumalikod. Pero bago sya umalis. May Binigkas syang salita na nagpalito sakin.
"If.. And only if.."
