N-nasaan ako?
Unang tanong na naisip ko kaagad pagkadilat ng mga mata ko.
Dali-dali akong umupo mula sa pagkakahiga upang obserbahan ang paligid.
Para akong nasa isang ghost town dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Ako lang kaya ang nandito?
Tumayo ako upang maobserbahan pa lalo ang lugar.
Nasa gitna ako ng kalye na kung saan ay may nakaparadang kulay itim na sasakyan sa tabi ko. Sa gilid naman ay may mga two-storeys na bahay na magkakadikit. Mukha namang di pa abandonado ang itsura ng mga bahay dahil ganito din ang itsura ng mga modernong bahay sa panahon ngayon.
Ang kaso lang ay sobrang tahimik ng paligid kaya parang abandonado na talaga ang lugar dito.
Feeling ko ay nasa isa akong apocalyptic film o novel na kung saan ay napapaligiran ng mga zombies. Siguro sa kapapanuod ko ng mga ganoon ay yun ang naiisip ko ngayon.
Pero pano ba talaga ako napadpad dito? Nananaginip lang ba ako? Sana nga oo.
Hinanap ko yung phone ko sa bulsa ng pants ko.
"5:37 PM"
Alas-singko na ng hapon. Hindi ko talaga maalala kung papano ako napadpad dito. Nasaan ba talaga ako?
Inumpisahan kong lakarin ang kalye papuntang hilaga at huminto sa isang intersection. Kagaya ng kalye na kung saan ako nagkamalay, ganoon din ang itsura ng mga bahay dito. Mayroon ding mga sasakyang nakaparada sa tapat ng ibang bahay samantalang ang ilan naman ay may mga negosyo gaya ng bakery at bike shop. Ngunit wala ring makikitang ni isang tao dito.
"7th Street"
Nakalagay sa isang luma at kinakalawalang na streetsign sa gilid ng intersection.
Naglakad ako papunta sa kanan na kung saan ay nandoon nakatayo ang bakery. As expected, walang tao dito ngunit ang nakakapagtaka ay merong mga tinapay na naka-display sa loob. Mukha ring bagong luto ang mga ito.
Bigla nalang tumayo ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso.
Sa sobrang tahimik ay rinig na rinig ko ang bawat pagtibok nito.
Asan ba talaga ako? Bakit ako nandirito?
Kahit sobra ang kabang nararamdaman ko ay nilakasan ko parin ang loob ko na kumatok sa pintuan ng bakery at sumigaw.
"Tao po! Tao po! May tao po ba dito?"
Tanging boses ko lng na nag-e echo ang narinig ko dahil sa katahimikan ng paligid. Walang ni isang sagot mula sa pinto.
Sinubukan kong pindutin ang doorbell sa may pinto ngunit bigla akong nakaramdam ng kung ano sa may balikat ko. May naramdaman akong malamig na kung ano na dumikit o humawak sakin.
Lumingon ako ng dahan dahan sa likod ko ngunit isang kotse lng na kulay abo ang nandoon.
Tumindig ulit ang mga balahibo ko. Ang pagkakatanda ko kasi ay walang sasakyan dito banda sa may pwesto ko.
Bukas ang pinto ng kotse kaya nilapitan ko ito upang obserbahan.
Block 17 Lot 3, 7th Street, Mirage City
Unang nabasa ko sa loob ng sasakyan na nakapatong sa tabi ng driver's seat.
Mirage City? Hindi ko pa naririnig ang lugar na 'to.
Kinuha ko ung phone ko upang i-search kung saan banda ang Mirage City ngunit wala akong masagap na signal sa lugar na 'to.
Pssst...
Teka, may narinig akong sumisitsit. Pero saan galing yun? Wala namang tao dito maliban sakin diba? O baka meron. Pero baka guniguni ko lang yon.
Nagpatuloy ako sa pagobserba sa loob ng kotse dahil baka sakaling may makita akong makatutulong upang malaman ko kung nasaan ako ngayon.
Pssst...
Hindi na guniguni ang isang yun, sigurado ako. Meron pang tao dito maliban sakin. Pero saan kaya galing yung sitsit na yun.
Pssst...
Lumakad ako palayo sa kotse at hinanap kung saan nanggagaling ung ingay na naririnig ko.
Pinagmasdan ko ang bawat bahay na makita ko ngunit wala akong ideya kung saan talaga ang source ng ingay na yun. Binaling ko ang tingin ko sa kabilang side ng kalye at dun ay may nahagip ang mga mata ko.
May parang nasilip sa isang puting bahay sa tabi ng bike shop.
Nilapitan ko ang bahay upang pagmasdang mabuti kung sino ang nasilip ngunit biglang nawala.
Sigurado akong gumalaw yung asul na kurtina sa may bintana at may nakita akong nasilip kaso di ko maaninag kanina kung ano yung itsura nya.
"Tao po! May tao po ba dyan?"
Kinatok ko ang pinto ngunit wala parin akong sagot na nakuha.
Lalayo na sana ako sa bahay ng biglang may naramdaman akong dalawang kamay sa magkabilang braso ko at hinatak ako papasok sa loob.
