Mirage City
Virginia, USA
CHLOE'S P.O.V.
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Maganda naman ang naging tulog ko sa bagong kwarto ko. In-off ko ang alarm at bumaba ng kama. Binuksan ko agad ang kurtina sa may balkonahe. Pumasok sa transparent door glass ang liwanag mula sa araw.
Pumunta ako sa balkonahe at mula doon ay nasilayan ko ang tahimik na kalye. Pangalawang araw ko na sa Mirage.
Biglang pumasok sa isip ko ang enrollment sa Vanity Square University. Mamayang lunch daw ang start ng enrollment sabi ni papa. Kausap niya pala kahapon ay isa sa mga school officials ng Vanity Square. Dun daw balak ni papa ako ipasok dahil yun lang daw ang malapit na school sa Mirage. At isa pa, dun daw pumasok dati si auntie.
Inayos ko ang gagamitin kong bag para mamaya at inilagay doon lahat ng mga gagamitin at kakailanganin ko sa enrollment. Inayos ko na rin ang susuotin kong damit. Black V-neck shirt, jeans at gray beanie hat.
-
Pagkatapos ng agahan, hinatid na ako ni papa sakay ng kanyang Mercedez sa tapat ng gate ng Vanity Square University. Alam kong masyado pang maaga pero, ako ang nagrequest kay papa na agahan ko para narin makapaglibot ako at maging familiar sa campus.
"So, Chloe. Good luck sa enrollment mo. Be friendly. Be yourself." Paalala ni papa sakin pagkababa ko ng kotse.
"Thanks pa." Masaya kong sagot sabay halik sa pisngi nya.
"Tawagan mo lang ako kung uuwi ka na. Ingat ka Chloe." Huling paalala ni papa bago nya pinatakbo paalis ang kanyang kotse.
Maglalakad na sana ako ng biglang bumalik ang sasakyan ni papa sa tapat ng gate.
"Sya nga pala Chloe, natagpuang patay kagabi yung lalakeng kausap ko. Nabalitaan ko lang kanina. Doble ingat ka ha. Tawagan mo lang ako."
Tumango lang ako bilang tugon. Isa yun sa official ng Vanity Square diba? Ano kayang nangyari? Bigla kong narinig ulit ang pagandar ng sasakyan ni papa at umalis.
Humarap na ako sa malaking gate ng Vanity Square University at nagumpisang maglakad papasok. Mukhang ramdam ko na ngayon ang misteryo ng lugar na 'to.
Tulad ng inaasahan ko, wala masyadong tao dito. Siguro dahil narin sa sobrang aga ko. Isa't kalahating oras pa kasi bago ang enrollment. Pagpasok ay may makikitang malaking estatwa ng babaeng may nakadapo na ibon sa kanang kamay. Sa paligid ng babae ay may mga naglalabasang tubig. Siguro ito yung simbolo ng Vanity Square. Nakakatuwang tingnan ang fountain dahil sobrang ganda ng pagkakagawa lalo na sa pagkakaukit sa babae at ibon. Sa di kalayuan naman ay may arko na kung saan nakalagay ang "Vanity Square University". Tatlong three-storey building ang Vanity Square kaya naman paniguradong maraming estudyante ang nagaaral dito.
Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ng pictures ang bawat sulok ng university.
"New here?"
Biglang may nagsalitang lalake sa likuran ko. Paglingon ko ay una kong napansin ang kulay abo niyang mata at itim na buhok.
"Oh? Hi!" Bati ko sa kanya sabay ngiti. "Actually, oo. Bago palang ako dito. kakalipat lang namin kahapon."
Bigla niyang nilahad ang kamay nya upang makipagkilala.
"Ako si Nate. Nate Klein. And you are?"
Hinawakan ko ang kamay nya at nakipag-shake hands.
"Chloe. Chloe Gilberts."
PART 2
Mirage City
Virginia, USA
CHLOE'S P.O.V.
"So, saang lugar ka galing?"
Nilibot ako ni Nate sa campus at nag drawing ng school map sa notebook ko para daw kung in case na maligaw ako, may magagamit ako. Nagpahinga kami saglit sa may student lounge at dun ay nagpatuloy ng kwentuhan.
"New Orleans." Sagot ko sa tanong niya habang tinitingan syang patuloy parin sa pagdo-drawing ng mapa.
"Layo ah. Bakit kayo napadpad sa Virginia?" Tanong nya ulit habang busy sa pagdodrawing.
"Dahil kay auntie. Wala kasing matitira sa bahay nya sa 7th Street kaya napagdesisyunan ni papa na dito muna kami titira at dito ko rin ipagpapatuloy ang senior high ko."
Napapansin ko na may mga sinusulat syang mga salita sa mapa kaya naman na-curious ako at tinanong ko sya.
"Ano yang mga nilalagay mo sa mapa?"
"Mga weird na nangyayari sa bawat parte ng campus. Mas maganda kung pati yun alam mo diba? Para narin kapag --"
Pinutol ko ang sinabi nya upang sa panibagong tanong.
"Weird? Gaya ng?"
Tinuro nya ang daliri nya sa may rooftop sabay turo din sa mapa na ginagawa nya.
"Example sa may rooftop. Last 2 months, may babaeng natagpuang patay." Nakatitig lang ako kay Nate habang nakikinig sa kanyang kwento.
"Ang nakakapagtaka ay walang sugat na nakita mula sa babae. Ang mas nakakapagtaka pa dyan ay bigla nalang ulit nabuhay yung babae at pumasok sa klase kinabukasan."
Hindi ako makapaniwala sa ikinwento ni Nate sakin. Alam kong sa mga fiction novels lang nangyayari ang mga ganun. Muntikan na sana akong maniwala ng biglang tumawa ng malakas si Nate.
"Kakatawa reaksyon mo. Hahaha. Epic."
"Di ko alam na adik ka pala Nate. Di kaya ako naniniwala." Depensa kong sagot sa kanya habang nakangiti.
Halos kalahating oras kami nagusap ni Nate sa student lounge. Mas mataas ng isang year sakin si Nate pero mag kasing edad lang kami. Maaga raw kasi syang nag-aral. Lumipas ang ilang oras at nagumpisa na ang enrollment ng Vanity Square University.
-
"So, una na ako Chloe. Nice meeting you. See you around."
Umalis na si Nate pagkatapos akong ihatid sa Registrar's Office dahil may aasikasuhin pa raw sya. Natutuwa ako dahil maraming mga estudyante ang nandito ngayon. Akala ko kasi ay baka pati ang Vanity Square ay konti lang ang estudyante since wala masyadong tao malapit samin. Mali pala ako.
Ilang minuto lang ang kinailangan bago ko matapos ang enrollment process. Since isa ako sa mga maagang dumating, nauna ako sa pila ng enrollment.