CHAPTER THREE - CRISS

2 0 0
                                        

Mirage City

Virginia, USA

NATE'S P.O.V.

Di parin makapaniwala ang iba sa nangyari kahapon. Ilang dekada din ang lumipas at muli silang nagbalik. Pati ako ay halos hindi makapaniwala sa nangyari.

FLASHBACK

Habang nagpapahinga ako sa sala ay bigla akong nilapitan ni Grand Laura. Mahigit isang daang taon na si lola pero hanggang ngayon ay patuloy parin sya sa paghihintay para sa pagdating ng susunod na henerasyon ng mga bampira. Sa totoo nan ay bata palang ako ay mulat na ako sa mga ganitong kaganapan pero di ko 'to pinahahalata sa mga kakilala ko lalong lalo na sa mga kaibigan ko. Hangga't maaari ay gusto ko mamuhay ng normal at walang iniisip na problema, gaya ng isang normal na teenager. Si papa ang mismong nagturo sakin kung pano maging isang vampire hunter. Sa katunayan ay wala pa talaga akong nakikitang totoong bampira pero sabi ni lola ay nakakita na daw ako pero di ko lang alam.

Kinausap ako bigla ni lola at sinabi na parang may nararamdaman syang mangyayari. Bigla raw kasing nanginig ang kanyang suot na pendant na sinasabing kapag gumalaw ay senyales na may dumadating o kaya'y may nade-detect na bampira.

Pagkatapos nyang sabihin yun ay naalarma agad ako kaya nagmasid ako sa paligid. Sumilip ako sa may bintana upang tingnan kung may mahahagip ang mga mata ko na isang bampira ngunit isang kotse na kulay abo ang nakita ko na nakaparada. Sa di kalayuan ay nay naaaninag akong nakaitim na lalake sa itaas ng puno. Teka. Itaas ng puno? Yun na nga yun. Baka siya yung bampirang nadedetect ni lola.

Pinagmasdan kong masyado ang lalake at nakita kong nakatitig sya sa kotse na kulay abo na kung saan ay may lalake sa loob. Mukhang pakay ng bampirang atakihin ang lalake.

Sumitsit ako upang makuha ang atensyon ng lalake. Medyo mahina ang pagsitsit ko para di ako mapansin ng bampira. Buti na lang ay narinig ako nung lalake at nagumpisang maglakad kung saan ako sumisitsit. Patuloy ko lang na ginawa yun hanggang sa nasa tapat na sya ng bahay namin.

"Tao po! May tao po ba dyan?"

Sigaw ng lalake na naging dahilan upang maalarma ang bampira at lalong lumapit sa may gilid. Nakita kong tumitig ang bampira mula sa bintana kung saan ako sumisilip. Nakita nya kaya ako? May narinig akong katok sa pinto. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba para papasukin yung lalake o hindi. Maari kasing mapansin ako ng bampira. Pero kapag di ko binuksan, maaaring atakihin sya ng tuluyan. Nakita kong palayo na sana ang lalake at papunta na sa direksyon nya ang bampira ng bigla kong binuksan ang pinto at hinigit sya papasok sa loob. Muli akong sumilip sa bintana at nakita na nawalan ng tuluyan ang bampira.

"S-sino kayo? N-nasaan ako?"

Natatakot na tanong ng lalake sakin. Mukha ngang bago lang ang lalakeng ito dito. Nakikita ko sa mukha nya na parang di sya pamilyar sa lugar at ramdam ko rin ang takot sa mga asul nyang mata nya.

"Andito ka sa Mirage City."

Biglang sambit ni lola habang naglalakad papunta sa may sala kung saan kami naroroon.

"Wala ka bang naaalala kung pano ka napunta dito?"

Tanong ni lola sa lalake.

"Wala po akong natatandaan kung pano ako napadpad dito."

Biglang nagbago ang expression sa mukha ni lola at umupo sa tapat ng lalake.

"Masama ito. May posibilidad na maging isa ka sa kanila."

"Maging isa sa ano po?" Nagtatakang tanong ng lalake kay lola.

Maging ako ay nalilito sa sinasabi ni lola. Kahit papano ay limitado parin ang alam ko sa mga ganitong pangyayari. Huminga ng malalim si lola at sinagot ang tanong ng lalake.

"Maaaring maging isa kang bampira"

END OF FLASHBACK

PART 2

Mirage City

Virginia, USA

CHLOE'S P.O.V.

Bukas na ang unang araw ng pasukan, at ayon sa isang staff ng university, bukas din daw ng gabi gaganapin ang Introductory Gala. Unang araw palang kailangan ko na agad maghanda ng pwede kong susuotin sa event.

Alas-sais na ng gabi at nasa tapat parin ako ng laptop ko ina-update ang blog ko. Habang ina-upload ko ang mga pictures na nakuha ko kanina ay tinitingnan ko ang mapa na ginawa ni Nate kanina.

So, ang classroom ko para sa first subject bukas ay Room 028 na makikita sa gitnang building. Dadaan ako sa may cafeteria then, liko sa kanan. Second subject, Room 004. Sa pangapat na room sa unang building.

Naistorbo ang pagtitingin ko sa mapa ng biglang tumunog ang phone ko.

Kate Calling. . .

Natawag si Kate. Agad kong sinagot ang tawag at bumungad sakin ang nakakabinging bati ni Kate.

"CHLOE!!! KUMUSTA KA NA DYAN?! NAMIMISS KA NA NAMIN NI SAAB DITO! KELAN KA BA BABALIK KASI DITO? SOBRANG NA---" Medyo nilayo ko ang phone mula sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Kate.

"Kate, minimize your voice. At tsaka isa-isa lang ang tanong , okay? Baka pag balik ko dyan bingi na ako." Pabiro kong sagot sa kanya.

"Okay, okay"

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Kate mula sa kabilang linya.

"First question. Kumusta ka na dyan friend?"

"Okay lang naman ako dito Kate. Enrollment namin kanina at may nakilala agad akong kaibigan." Sagot ko sa una nyang tanong.

"May bago ka ng kaibigan? Baka makalimutan mo na kami nan."

Navi-visualize ko na habang sinasabi nya yan ay nakalukot ang labi nya kaya naman napangiti ako.

"Ano bang pinagsasabi mo Kate? Haha. Syempre kayo parin ni Saab ang bestfriends ko. Kumusta na pala kayo dyan?"

"Di kami okay dito. Namimiss ka na namin. Haha. Choss. Ui dapat ako ang nagtatanong sayo. Second question. Kelan balik mo dito sa New Orleans?"

"As far as what I know, tatapusin ko lang ang 1 year dito sa Virginia hanggang sa dumating si auntie."

"Third question. Kumusta ang Virginia? Maganda ba dyan?"

"Basahin mo nalang ang blog entry ko na ipo-post mamaya. Haha. Andun lahat nakalagay ang mga napansin ko sa unang araw ko dito sa Virginia."

"Oh, speaking of blog. Naalala mo si Criss? Yung isa sa follower ng blog mo? Nawawala sya since yesterday morning."

Bigla kong naalala yung lalakeng nakita ko kahapon nung pagbaba ko ng kotse. Yung lalakeng pamilyar kahapon. Sya nga pala yung isa sa mga followers ng blog ko. Si Criss Rade. Nakatira yun sa New Orleans pero bakit nga kaya sya andito kahapon. Yun ba ang sagot kung bakit nawawala sya doon kasi nandito sya ngayon sa Virginia?

"Si Criss? Nakita ko sya kahapon dito." Sagot ko sa sinabi ni Kate.

"Huh? Seriously? Pero paano? Sure kang sya yun? Pati kasi parents nya hindi alam kung nasan sya."

Sigurado nga ba talaga ako na si Criss yun? Baka akala ko lang yun since nakatalikod sya at hindi ko sya nakita harap harapan.

Mahigit isang oras din nagtagal ang usapan namin ni Kate hanggang napagdesisyunan nyang matulog na. Tapos narin ang blog entry ko at meron na agad 20 views. Naka-ready na rin ang susuotin ko. Excited na ako bukas.

Bumaba na ako upang sumabay kay papa kumain ng hapunan.

MirageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon