FAIRYTALE III - The Parents

187 64 15
                                    

The Parents

Ganito pala talaga ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo? Yung tipong kayong dalawa na? Yung para bang wala ng makakapagpahiwalay pa sa inyo?

"Win! Tara na kasi, malalate na tayo nyan eh."

"Bat ka ba atat na atat? Tsk. Ikaw Lyn ha, napapaghalataan ka tuloy." Panunukso nito sa akin.

"Nakakahiya lang po kasi sa parents mo diba? Mamaya sabihin nila masyado akong pa-importante dahil nalate tayo. Tsaka mas ayos ng maaga tayong dumating sa inyo kesa naman late, first impression last daw ano ka ba."

"Sus, dami mong alam. Oo na tara na po mahal na prinsesa."

"I love you Win." Hinawakan ni Win bigla ang kamay ko at hinalikan ito.

"I love you to the moon and back Lyn."

Sometimes, I love you isn't enough to express what we feel towards a person. Madalas masyadong under statement ang salitang iyon para masabi kung gano tayo ka-thankful na dumating sila sa buhay natin.

Minsan matatawa ka sa mga nangyayari sa buhay mo, minsan naman mawiwindang ka.

Pag dating ng bahay nila Win ay binundol ako ng kaba. I mean, who wouldn't? It'll be a meet and greet with his parents. Malay ko ba kung magugustuhan nila ako diba?

"Come on Lyn, ngayon ka pa ba kakabahan? Samantalang kanina halos akala mo ikaw itong anak dahil hindi ka kinakabahan? Mahinang naihampas ko sa kanya ang hawak kong clutch bag ko. Tinatawanan nya kasi ako eh, alam na nga nyang kinakabahan yung tao eh.

Sabay kaming napalingon ng may biglang magsalita sa likuran namin.

"Hijo, anjan ka na pala. Is she your girl? Come, come. Welcome to our house." Dali daling paghila ang ginawa sakin ng mama ni Win, hindi naman ako tumutol dahil baka mamaya ay ma-bad shot pa ako. Mahirap na pag nagkataong mangyari iyon.

Agad nya kaming ginaya sa may dinning area. Jusko may fiesta ba at sandamukal na pagkain ang nasa hapag?

"Ganyan talaga yan si mama pag may bibisita dito. Akala mo may fiesta, kaya nga sabi ko sayo magpakagutom ka nalang muna eh." Mahinang bulong ni Win na nasa likuran ko na pala.

"Sit down hija, pag pasensyahan mo na at iyan lang ang naprepare ko, sana ay magustuhan mo kahit papaano." Napangiwi naman ako sa sinabi ng mama ni Win, pagpasensyahan? Jusko po. Eh pang ilang pamilya na ata ang pagkain na nasa harapan ko ngayon eh.

"Ah eh, ayos lang po. Masyado naman na pong madami tong pagkain, baka masayang lang po pag di natin naubos."

"Nako ano ka ba hija konti pa yan, I swear. Teka, daldal ako ng daldal eh I haven't introduced myself, im Sabrina, you can call me tita." Nakipagbeso ito sa akin at akala mo sobrang close na kami. Bigla namang may tumikhim at mataman na nakatingin sa akin, dahilan para makaramdam ako ng ilang. Jusko nakakatakot naman tong papa ni Win.

"Hija pagpasensyahan mo na ang asawa ko, sabik lang yan na magkaroon ng babae dito sa bahay. Im Sandro, I prefer if you'll call me papa rather than tito." Agad itong tumawa at nakipag-apir pa kay Win na ikinapula ng pisngi ko.

"Ah-eh, nakakahiya naman po kung papa ang itatawag ko sa inyo.."

"Why not? You'll be part of the family in no time din naman." Sabat na sabi ng mama nya.

"A-ako nga po pala si Jaelyn Emma Versoza. Nice meeting you po tito, tita."

Ang dami dami naming napagkwentuhan. Halos panay bukingan nga ang nangyari eh. Akala ko talaga napakasungit ni tito, yon pala ay napakakulit nito. Si tita naman ay ubod ng daldal, ni hindi ko nga alam kung saan nagmana tong si Win eh.

Ng maihatid nya ko sa bahay eh agad din syang nagpaalam. Kailangan daw nyang bumalik agad sa kanila dahil may aayusin sila ng papa nya.

Ang saya saya lang kasi na finally makita na at makausap ang magulang ng taong mahal na mahal mo. Like, it felt as if on a Cloud nine, dahil sa saya na nararamdaman ko.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit, alam kong pagod ang katawan ko pero ni hindi ko maramdaman iyon dahil siguro sa sayang nararamdaman ko.

*tweet tweet*
*tweet tweet*
From: WINnie the Pooh
Magpahinga ka na. Bukas ka na kiligin huy. Hahahaha!

To: WINnie the Pooh
Tsk. Assumero! Di ako kinikilig no.

From: WINnie the Pooh
Hindi nalang kahit oo. Haha, sige na baka maglupasay ka pa jan sa sobrang kilig.

To: WINnie the Pooh
Niloloko mo ko eh! Kainis to! Matulog ka na nga! Ng di ako ang inaasar mo!

From: WINnie the Pooh
Oo na po, matutulog na. Goodnight Lyn :*

To: WINnie the Pooh
Goodnight din Win! :*

Masyado akong kinikilig sa mga pangyayari ngayon. Haaaay. Hindi lang isanf simpleng bonding at date ang nangyari kanina kundi isang meet and greet with the parents na naging successful. Kyaaaaah! Itutulog ko nalang ito. Baka ano pang mangyari sa akin. O kundi naman eh baka magka-totoo ang sinabi ni Win na maglupasay na nga talaga ako dito sa sobrang kilig dahil sa kanya. Asar, Win alis muna sa utak ko, patulugin mo muna ako ha? Magpapahinga na ko talaga.

Twisted Fairytale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon