TWISTED V - Full of Crap

117 33 9
                                    

Full of Crap

Ngayon na ang araw ng reunion ng batch namin. And I kinda feel like I want to back out from this hellish situation.

"Ano ba kasing problema Jaemma?" Kakamot kamot sa batok na sabi ni Lei. "Wala. Bilisan mo na at ng makarating na agad tayo sa university." Sabi ko dito at saka lumakad palabas ng bahay.

Wala kasi sila papa, nagmall silang tatlo nila Clark. My kuya, on the other hand, has a date to a girl. Yeah date na naman. Dahil basted ata sya sa unang kadate nya. Wala daw kasing forever eh.

Pagpasok ng sasakyan ni Lei ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Alam ko naman talaga ang dahilan kung bat nagkakaganyan ka eh. Alam ko din kung sino ang dahilan. Pero sana, kahit ngayon lang Jaemma, ako naman ang pagbigyan mo. Pwede ba yon?"

"Pagbigyan saan Lei?"

"Pagbigyan mo ko na umakto tayong parang totoong couple sa harap ng lahat ng batchmate mo. Alam kong nasaktan ka nong nakita mo ang gagong yon, much worst is that you knew that he was Brielle's boyfriend." Mahabang sabi nito na ikinagulat ko at sya namang ikinailing iling nito. "Im not a fool or blind to know and see that Jaemma. It's pretty obvious with the way you act. Alam kong hindi ka pa nakakamove on. Ayon lang ang inisip mo dahil wala sya sa paligid at lagi akong nasa tabi mo."

"Nakamove on na ko Lei. Tanga lang ang maniniwala sa sinasabi mong hindi pa ko nakamove on."

"Yon lang ang akala mo Jaemma. You thought that you finally moved on and that your feelings for him already vanished through the year that you hadn't seen him. Akala mo lang yon Jaemma dahil lagi akong nasa tabi mo para maging crying shoulder mo." Umiling iling ako sa sinabi nya at sinabing magmaneho na sya ng hindi kami malate sa reunion.

Ng makarating kami sa university ay agad na nagkagulo. Ang dami daming flash ng camera ang nakatutok sa kung sino sino. "Maam, sir, may I have your car key? Tsaka ano pong pangalan nila?" Sabi ng isang lalaking naka tuxedo na itim. Agad namang binigay ni Lei ang susi ng kotse nya. "Take care of my baby." Sabi nito, masyado kasi itong maalaga sa sasakyan niya. I mean, who wouldn't if your car is a Mitsubishi GTO diba?

"Jaelyn Emma Versoza, im with my boyfriend, Leindon Smith." Agad kinuha ng babaeng, palagay ko ay umaaktong receptionist ng event, ang invitation letter ko at pinadiretso na kami sa Red Carpet kuno. Sunod sunod ang pagflash ng mga camera sa amin, ni hindi ko nga alam kung ngingiti ba ako o ano? Pero nagulat ako ng may biglang humaklit ng braso ko at pinulupot ito sa braso ng kung sino. Ng lingunin ko ay si Brielle pala.

Right, what a freakin way to start the reunion. Harhar so effin excited. Yeah, note the sarcasm there. "Buti magkasabay lang tayo! Shocks, I don't know kasi kung kanino kami sasabay ni Win." Sabi nito at ngiting ngiting humarap sa mga camerang kanina pa flash ng flash. Kumaway kaway pa ito, tsk. Palibhasa sikat na model.

Dahil sa inis ay umalis na kami sa Red Carpet na yon at iniwan doon si Brielle at Win na kuntodo pagpose pa sa mga camera. "Don't let them affect you. Gusto mong patunayan saking nakamove on ka na diba? Then show me Versoza, hindi lang sa salita kundi pati sa ikikilos mo." For the first time in the entire year that I've known Lei, ngayon lang nya ko tinawag ng hindi 'Jaemma' o ang pangalan ko manlang, at ngayon ko lang din sya nakita na ganito kaseryoso na para bang anytime ay may magagawa syang masama.

Nauna itong umupo sa designated table namin, kung saan may ibang mga batchmate kaming kasama na mga hindi ko naman kakilala. "Hi, ikaw si Jaelyn diba? Ako nga pala si Quirie Sanchez, alumnus ng College of Engineering." Inabot nito ang kamay nya na sya namang tinanggap ko at nakipagkamay. "Diba ikaw yong ex ni Dela Rosa? Minsan kasi nakikita namin kayo sa rooftop noon eh." So kaklase sya ng damuhong gagong yon? Ngumiti nalang ako sa sinabi nito at lumingon lingon sa paligid.

Twisted Fairytale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon