FAIRYTALE IV - Brielle

182 63 18
                                    

Brielle

Ilang araw na ang lumipas after the meet and greet with the parents ni Win at hanggang ngayon ay para pa rin akong nakalutang sa cloud nine. Pero mejo nalungkot din ako dahil after that meet and greet ay mejo naging busy na si Win.

Though, naiintindihan ko naman kung bakit. Mejo nalulungkot pa din ako. Hindi naman sa nagiging possessive ako o kung ano pa man. Ang akin lang naman ay sana naglalaan pa din sya ng oras para makapag-usap pa rin kami ng ayos. Ang siste kasi ay, minsan dalawa o tatlong oras sa isang araw nalang kung makapag-usap kami. Nakakaloka lang diba? Samantalang noong nanliligaw pa ito at bago ang pagpapakilala nya sakin sa mga magulang nya eh halos buong magdamag kaming magkausap mapa-personal man yan o sa telepono.

From: WINnie the Pooh
Smile na. Sorry na kung masyado akong busy. Alam mo namang madaming kailangang asikasuhin para sa school eh.

To: WINnie the Pooh
Oo na. Lagi naman eh. Basta dapat pagtapos nyang inaasikaso mo sa mga subjects mo magkaka-oras ka na ulit sa akin ha?

Andito ako ngayon sa tambayan namin ni Win at kung san kami nagkakilala. Ang rooftop. Nakakatuwang balikan ang mga alaala namin dito. Namimiss ko tuloy lalo ang mokong. Tsk.

Buti nalamang ay may dala dala akong libro na pwede kong basahin. Isang supernatural fiction na naman ang bitbit ko. Halos maubos na ata ang vacant ko ngayong araw sa kakabasa ng librong ito. Sa halos matapos na din ang araw ay hindi ko pa nakikita si Win. San kaya nagsuot ang mokong na yon? Nakakainis na kasi. Halos magkalapit lang ang building namin pero ni hindi nya ako mapuntahan manlang. O miske magpunta manlang sya saglit dito sa tambayan namin.

Bigla akong may narinig na mga yabag ng paa na parang papasok dito sa rooftop pero hindi ko ito pinansin at mas tinuon ang atensyon ko sa librong nasa kamay ko. Pero agad ding natigil iyon ng mapukaw ng isang pangalan ang atensyon ko.

Oo nga eh, ang gwapo ni Win no? Nako, kung ako sa kanya ay papayag na akong maging nobya nya si Brianna Chauntaelle. Jusko, ang ganda ganda kaya ni Brielle at isa pa mayaman din ito at kilalang modelo sa murang edad palang.

Bagay na bagay kaya sila. Parang match made in heaven nga eh. Alam mo na, matangkad kasi si Win at maputi samantalang si Brielle naman ay may katangkaran din at mejo may pagkachinita. Nako! Mamaya nyan malaman natin may ibang nakapagtayo na ng fansclub nila, dapat maunahan natin ang mga yon no!

Tama ka jan besh! Nako! Tara na nga sa surfing lab at doon tayo, ng makagawa na tayo ng internet fanbase nila!

Agad kong hinawakan ang dibdib ko ng makaramdam ng kirot dito. Brielle? Brianna Chauntaelle? Sino ka naman sa buhay ni Win? At parang naging talk of the town ang peg nila? Kaya ba hindi gaanong nagpapakita si Win? Kasi lagi nyang kasama ang babaeng iyon?

Inhale. Exhale.
Inhale. Exhale.

Kalma lang Jaelyn Emma Versoza. Hindi ka pa sigurado sa iniisip mo kaya huwag na huwag mong paparatangan si Win. Magtiwala ka lang. Alam kong hindi magagawa ng Win ko sakin ang bagay na yon. Tama. Magtitiwala lang ako kay Win.

Pagak na pumasok ako sa mga klase ko at ang ilang oras na pagtuturo ng mga guro ko ay parang ilang minutong lumipas lang dahil hanggang ngayon ay lumilipad pa din ang utak ko.

Palabas na sana ako ng pintuan ng may mabangga akong babae. Mukha syang modelo sa ayos nya, kahit naka uniporme ng paaralan namin at simpleng ayos lang ang gayak nito ay ang lakas pa din ng dating.

"Miss are you alright? Im so sorry, I wasn't looking on where im going." Agad ako nitong hinawakan at inikot ikot na para bang isang kakilalang nasaktan niya ng sobra.

OMG, si Brielle pa talaga ang nagsorry?

Shit. Ang lakas ng loob nya ha. Dapat nga sya ang magsorry at hindi si Brielle eh!

"Im Brielle by the way, and you are?" Agad nitong nilahad ang magandang kamay nya na ikinahiya ko. Inabot nito ang kamay ko at sinabing sumama ako sa kanya sa canteen ng school para naman daw makabawi sya sa pagkakabangga nya sa akin.

"Ah eh nako, nakakahiya naman. Ano wag nalang, tsaka pauwi na din kasi ako eh." Agad naman syang tumingin sakin na parang nadismaya sa sinabi ko.

"Why do I feel like you're so distant to me? You know, I don't bite. Im not a vampire kaya." Napatawa ito ng mahina sa nasabi nya sakin. Pati ang pagtawa nito ay sumisigaw ng yaman at sopistikasyon. Ano namang laban ko dito diba?

"Come on, a treat wont cause you death naman eh. Tsaka it wont take long, I'll just buy you a food or a drink." Hinila nga ako nito sa isang counter at tinanong ako kung anong gusto ko. Tsk. Ang kulit naman ng lahi ng babaeng ito eh.

"Ah kape nalang." Sabi ko dito para tigilan na ako at ng makauwi na din ako. Nako, patay ako nito kila mama eh. Eto kasing babaeng to eh.

Pagka-abot sa akin ng ice coffee na binili nya ay binayaran nya din agad iyon. Nagpasalamat naman ako sa kanya at agad na nagsabing kailangan ko na talagang umuwi. Sabi naman nito ay magkita nalang kami bukas. Jusko naman, bukas? Makikita ko nanaman sya? Parusa ba to Lord? Good girl naman po ako ah.

"Uhm ano kasi, busy ako bukas eh. Baka di din tayo magkita. See you when I see you nalang siguro no? Sige kailangan ko na talagang umalis matetegi na ko sa mudra ko eh." Pagkasabi ay agad akong nagmadali palabas ng paaralan namin. Baka masundan kasi ako ng bruhang yon.

Oo alam kong di dapat ako agad nagtatanim ng galit sa isang tao, pero hello? Sa narinig kong usapan ng mga chismosa kanina mapipigilan ko ba to? Hindi diba? Nagseselos ako, oo aminado naman ako doon eh. At nakakainsecure kasi ang babaeng yon! I mean, the hell of a girl who wouldn't say she wasn't intimidated and insecure because of Brielle. Napaka-ipokritang tao nya pagnasabi nya iyan. Dahil kung tutuusin ay isang epitome of a man si Brielle. Kumbaga, eye candy, apple of the eye. At ako? Isang di hamak na kasing ganda lang ata ng siko nya. O diba? Ang bongga teh.

Twisted Fairytale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon