Ang panliligaw ko sayo ay nagtagal ng tatlong buwan sa tatlong buwan na iyon , hinding hindi kita iniwanan , hindi ko man maibigay ang mamahaling mga gamit na gusto mo , natutustusan ko naman iyon ng chocolates at 3 roses na isa sa mga gusto mo, Pero mawawala pa ba dun ang Pagmamahal ko sayo na
Pinaka special sa lahat? HAHAHAHAHAHAHAH lagi kang namumula kapag hinahatid kita, kase sa sobrang sweet ko halos ma hyperventilate ka na , holding hands while walking pa nga tayo ehh,.. lagi rin kitang dini- date sa paborito mong lugawan at bentelogan sa harap ng Savemore sa Bayan, lagi rin tayong nagpapalitan ng sulat kung anu ang na darama mo sakin, hindi uso satin ang relationship status sa Facebook at minsanan lang tayong mag text sa cellphone natin, kaya sa sulat ko napapadama ang nararamdaman ko sayo , natuwa ako ng nagpagawa ka ng couple t shirt natin, araw araw kong sinusuot yun , kaya minsan nagreklamo ka na , bakit masangsang na ang amoy.naalala ko rinsa tatlong buwan na yun, lgi tayong nag papa picture sa Photoline sa Sm Novaliches at sabay tayong kumakain ng paborito nating binatog na tig 25 pesos , pagkatapos ng tatlong buwan nayun , nagulat nalang ako ng bigla mo akong sinurprise September 10 yun at birthday ko pa . nang sinabi mong sinasagot mo na ako .. At last! nakamit ko na ang matamis mong 'OO" NA matagal ko nang hinhintay, naging tayo simula noon , madalas ang pagsasama natin, at minsan na tempt na akong halikan kan, at di ka nag atubiling halikan rin ako . hanggang sa lumalim ang halik at tinulak mo ako , dahil baka san pa mapunta yun , nahiya tuloy ako sa nagawa ko . ang pangako ko pa naman sayo ay iingatan kita at di bibigyan ng anak , tapusin muna ang pag aaral at hihintaying ang kasal at bahay na plinag planuhan natin, Napakasaya ng pamumuhay nating dalawa , hanggang sa minsan nag away tayo, mga maliliit na bagay napag aawayan na. Natin hanggang sa minsan ay nauuwi sa sigawan at iyakan , pilit kong nililigtas ang relasyon nating dalawa, pero minsan nauuwi talaga sa away. Alam kong normal yun sa mga may relasyon pero na sobrahan na ata ang pag aaway nating dalawa hanggang sa di na natin kinaya..........

BINABASA MO ANG
The Popoy and Basya Story
Short StoryPen pen de sara pen Forever mo wala paren Ay! Wait nahanap ko na siya Is he for real? Siya na ba talaga? Ang bubuo ng love story ko Na pinangarap ko pa simula ng niregla ako? Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba ang kukumpleto ng page ng buhay ko? ...