CHAPTER 20

6.6K 112 1
                                    


~Carlee's POV~

Tumayo ako para pumunta sa may pinto ng hindi sinasadyang masagi ko ang wedding picture naming kaya nalaglag at nabasag ito.

"Hi Hubby bakit ang tagal mo?" Masayang bati ko kay Johan ngunit unti-unti itong nawala ng makita ko kung sino ang nasa pinto.

"John at Loisa?? Anong ginagawa ninyo dito?" Takang tanong ko sakanila. Kita kong namumugto ang mata nilang dalawa.

"Kelangan mong sumama saamin Carlee." Sagot ni John.

"Bakit? Eh hindi ako pwedeng umalis iintayin ko pa si Johan." Sagot ko sa kanila.

"Hindi kaba nanunuod ng tv Carlee?" tanong naman ni Loisa.

"Hindi busy ako sa pagbabasa ng mga libro eh. Bakit anong meron?" Nagtatakang tanong ko ulit sa kanila.

"Mabuti pa sumama ka nalamang saamin Carlee." Hindi nila sinagot ang tanong ko at tyaka hinawakan ang kamay ko.

"HINDI NGA AKO PWEDENG SUMAMA IINTAYIN KO PA SI JOHAN!" Pasigaw ko itong sinabi sa kanila hindi man nila sabihin alam kong may problema kaya kusang tumulo ang luha ko.

"Carlee wala na si Johan. Naaksidente siya pabalik dito.Nabalita pa nga sa tv ang nangyari eh. Sobrang bilis niyang magpatakbo kay nawalan ng preno ang kotse niya at nahulog sa bangin. Sumabog ang sasakyan niya." Pagkkwento ni John.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay matutumba ako kaya agad akong inalalayan nina John.

.

.

.

.

Dahandahan akong naglalakad alalay ako nina John at Loisa. Nasa gitna ng lugar na ito ang isang kabaon.Muling tumulo ang mga luha sa aking mga mata at ng makalapit ako ay sumilip ako dito. Sunog ang mukha nito pero hindi ako pwedeng magkamali sa hubog ng kanyang mukha at katawan alam ko si Johan ito.

Hindi ko napigilang humagulhol sa harap ng kanyang kabaong. "Johan tawag ko sakanya." Nagbabakasakaling sumagot siya sa akin ngunit wala na dahil isa na siyang malamig na bangkay.

"Anong ginagawa mo ditong babae ka dahil sayo kaya namatay ang anak ko." Nagulat ako sa sinabi ng ama ni Johan hindi lamang ako kung hindi ang lahat ng adito.

"Anong ibig po ninyong sabihin?" taking tanong ko sa gitna ng mga hikbi ko.

"Hindi mo alam huh gusto ng iwan ni Johan ang kumpanya gusto na niyang manirahan sa isang bukid kasama ka at duong mabuhay ng tahimik. Kaya nagkasagutan kami at itinakwil niya kami bilang magulang. Dali dali siyang nagmaneho papunta sayo. Pero ano naaksidente siya dahil mo." Mahabang litany ng ama ni Johan.

Agad akong napaluhod at umiiyak ito baa ng surpresa ni Johan ang manirahan kami sa Batangas ng tahimik. Pero Johan bakit? Bakit mo ito ginawa? Bakit mo ako iniwan? Puno ng tanong sa aking utak.

"Umalis na kayo dito. Ayoko ng makita ang pagmumukha ninyo." Galit na sigaw ng ama ni Johan.

Ayaw ko mang umalis ngunit hindi ko na kaya ramdam kong naghihina na ako at unti unting nawalan ng malay.


Nights with my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon