Chapter 14

7K 124 0
                                    


~Carlee's POV~

Its been 2 days nang nangyari ung wedding nina Fiona.

Hindi pa ulit kami nagkikita ni Johan simula noong kasal hindi rin siya napunta dito. Hindi ko alam kung saan siya natutulog kung sino ang katabi niya. 

Ngayong gabi hindi ko naiwasang hindi mapaiyak ng nabasa ko ang text niya. Dahil hindi raw ulit siya makakapunta para sunduin ako kasi sasamahan niya daw siya Jen. Diba parang tunay na mistress ako ni Johan kasi nag aantay lamang ako ng oras niya. Dun nalamang daw kami magkita sa bar. At kapal ng mukha niyang magpaalam pa sakin as if naman mapipigilan ko siya. Kakainis siya. Wait nagagalit ba ako erease erease erease wala kang karapatan Carlee na magalit.

Papunta kami ngayon sa bar kasi may continuation party ang handaan nina Steven at Fiona para dun sa mga hindi nakapunta sa Tagaytay.

"Cars tama na sobra nangdami mong naiinom." pigil sa akin nina Loisa at John.
Kanina pa ako dito sa bar at wlang ginawa kundi uminom.

"wala pa sina Johan siguro enjoy na enjoy yung dalawang balingag na un ano." ang sabi ko sa dalawa.

"Cars naman tama nayan oh hayan na sina Johan wag mong ipakitang lasing na lasing ka na baka makahalata sayo." sagot ni Loisa.

tumingin ako sa main entrance at nakita ko si Johan nakahawag siya sa bewang ni Jen. masaya silang dalawa.

"pwede bang iwan muna ninyo ako?" sabi ko kina loisa at John.

umalis sila at naiwan ako nagpatuloy lang sa pag iinom.

"talagang kelangang alalayan ba sa pagpasok? kelangang hawak pa sa bewang ano un madadapa huh? Ganoon ba kalampa ung babaeng un."  Sabi ko sa waiter na kaharap ko. Napangiti lamang ito at ibinigay ang isa pang baso ng alak na hiningi ko

Teka ano nanaman ba itong naiisip ko sa sobrang kalasingan siguro. Napatinin ako sa stage ng magsalita ang emcee.

Yes kahit continuation lamang ito ng handaan nina Fiona may program pa din.

"as requested by the couple lets call Johan to sing a song for them." - emcee.

nagpalakpakan silang lahat sabay tumugtog ang kanta. ang theme song namin ni Johan with a smile.

~Loisa's POV~

iniwan namin si Cars dahil alam naming gusto niyang mapag isa.

tinawag na ng emcee si Johan para kumanta. kung alam lang sana ni Cars ang tunay hay nako.

theme song nila ang kinanta ni Johan.

sa umpisa ng kanta nakatitig si Cars ka Johan si Johan naman pikit habang kumakanta.

at dahan dahang minulat ni Johan ang mga mata niya sa gawi ni Jen at kita ko sa mukha ni Cars ang sakit at lungkot at luha niya lalo na ng naghiyawan at tinukso si Jen ng mga kaibigan niyang kasama sa party at kasabay nito ay ang pagtalikod ni Cars.

lumingon si Johan sa lugar kung asaan si Cars kita kong nag iba ang expersyon ng mukha niya tama may galit ito kaya napatingin ulit ako sa gawi ni Carlee. At pag lingon ko kay Cars may tumabi sa kanya at halos yakapin na siya nuong lalaki. Kita ko ang pag pigla ni Cars kaya tatayo na sana kami ni John para tulungan siya kaya lang biglang bumaba si Johan sa stage at dali daling pumunta sa gawi ni Cars.

Nang makarating siya ay agad niyang sinuntok ang lalaki at hinila niya si Cars palabas ng bar.

nabalot ng katahimikan ang buong lugar lalo na sa lugar kung asan sina Jen. kita mo sa mukha ng mga kaibigan nila ang gulat at pagtataka samantalang lungkot at galit ang nabakas sa mukha ni Jen.

"yan ang tunay na si Johan. hahaha." pagsasalita ni Mark.

makalipas ang ilang minuto tumunog ang cellphone ni John.

At siya naman ding pag alis ni Jen at mga kaibigan niya. Hinuli ang naggulo sa bar at tinuloy din ang party.

"Loisa tumawag na si Johan ituloy naraw natin ang plano halika na. tawagan mo na dapat tawagan." sabi ni John.

Nights with my ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon