CHAPTER TWO: MY NEW SEATMATE

477 8 0
                                    

GENESIS'

June 10, today is the opening of classes and like any other start of the school year ay may seating arrangement. Kabisado ko na ang mga gawain dito sa school since may Loyalty Award na ako dito sa school na 'to. Since Pre-Elementary at ngayong High School dito ako nag-aaral. Mayabang na ba ako nun?

Hindi naman ako yung typical na nerd dito sa school. Hindi rin ako yung stereotype na nerd. May pinagkaiba ako sa mga nerd na yun, at ano ba ang pinagka-iba ko sa iba pang mga nerd?

AKO : may crush, focus on studies, researching all about projects, assignments and informations all about Jeremy.

NORMAL NERDS : may crush din fictional naman, subsob sa pag-aaral, then always researching all about projects, assignments and informations about certain things.

Diba! May difference sa aming mga nerds. Wag kasing judgemental. By the way masyado na akong na-carried away sa daydreams ko. Now here sa classroom galit parin si Lady knowing na classmate niya ang naba-balitaan niyang most popular yet mayabang na good-looking na si Jeremy Santos, *cough* yung crush ko *cough*.

Then dumating yung adviser-slash-Math subject teacher namin. Masyadong mataray akala mo kasing ganda ni Sandara Park. Hmph, ayaw niya din sa mga nerds tulad ng iba dyan sa tabi-tabi, kaya lagi niyang pinagpa-partners ang matatalino na estudyante at ang mga tamad na varsity kasi medyo maharot din yang teacher na yan! Ganon na ba ang nagagawa ng itsura?

Pero ibahin niya ako! Basta ako kung partners, edi partners at kung individuals, edi individuals. Hindi porque ganito ako ay gagawin lang akong sunud-sunuran ng mga walang modong varsity dyan! No way over my corpse on the morgue. No way with a big NO!

Nag-salita na ang mataray naming adviser na si Ms. Felli, "I know naman na you know me na diba?" tumayo si Kimberly parang inaasar si Ma'am Felli "Ma'am kung ako ang tatanungin, Ma'am. Yes, I know you na po but how about the transferees Ma'am they don't know you pa po, so introduce yourself Ma'am don't be unfair. Mamaya naman po kami naman ang magpapakilala." tapos she winked at Ms. Felli. While Ma'am Felli wrinkled her nose in irritation.

"Okay fine! My name is Felli Oliva, 25 years of age, I'm living in Commonwealth, Quezon City. This is my 4th year in teaching here in Suarez University of Taguig. Now I'll be starting with Ms. Garcia, please introduce yourself here in front." Pinagdiinan pa ang front. Ano ba yan, pumwesto nga ako sa likod para huli akong tawagin eh, in the end inuna parin ako! May galit ba sa akin tong teacher na to?

Since wala naman akong choice kundi ang magpakilala sa harap. I stood up, fix my glasses and went up in front. "Hello classmates! My name is Genesis S. Garcia, 16 years old and becoming 17 this December 12. I'm living with my cousin in Taguig." nag-smile ako tapos nung pa-alis na ako tsaka nag-salita ang haliparot naming adviser "Why are you living with your cousin's? Your family doesn't own a house?" may pagka-sarkastikong tanong niya sa akin.

"Kasi ma'am yun po sinabi ng parents ko dun daw po ako sa kanila hanggang sa makatapos po ako ng highschool para may kasama daw po ako, wala po kasing mag-aasikaso sa akin since both my parents are busy with the family business, Ma'am." the she nod and didn't say anything.

"So, Ma'am can I go back to my sit already?" I ask her since baka tanungin niya pa ako, as a sign of agreement she nod.

Sunud-sunod na ang pag-iintroduce ng mga kaklase ko simula sa akin. Sa girls walang pakialam si Ma'am Felli samantalang sa boys ay detalyado at pagdating kina Jeremy, Daniel at Jared ay detalyadong-detalyado. Complete name, age, birthday, complete address at madami pa. Tignan niyo special talaga trato nila sa mga Mr. Varsities!

The Nerd's Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon