1 🌟

348 13 14
                                    

"Shan, sweety." Nagising ako sa katok at tawag ni Mama sakin mula sa labas ng room ko.

"Po? Bukas yan, Ma." sagot ko naman ng hindi pa rin natitinag sa pagkakahiga.

"Anong 'po'? Don't you know what time it is?" Mom asked as she went inside my room. Dumiretcho siya sa aircon ko at pinatay 'yon. I groaned. Still want to sleep.

Napatingin naman ako sa wall clock ko. Hmm. 6:30..

Wait.

Medyo nawala yata antok ko.

"Now what? You said you have a morning class today, didn't you?" At tuluyan na nga'ng nawala ang antok ko sa sinabi ni Mama. Napabalikwas ako ng tayo sa kama ko.

"Shems! Ma may Surveying ako ngayon! Ugh. Bat di mo ako agad ginising?!" I hissed. 8:45 ang first class ko. Uuwi pa ko ng dorm sa Manila. Taga-Bulacan kasi ako at sa Manila naman ako nagaaral. 2-3 hrs ang byahe including na ang traffic.

Wait, mamaya nako magiintroduce ng bongga ha? Maliligo muna ko at malelate na ko. Hindi ako pwedeng umabsent sa first class ko. Major subject pa naman 'yun.

"Ma exit na, maliligo na ko." Sabi ko kay Mama. Hindi ko na siya hinintay pa at tuluyan na akong pumasok ng cr ko.

Teka may nakalimutan pala ako..

"MA PAINIT PO NG TUBIG! ANG LAMIG!"

💩💩💩💩💩💩

After a few minutes, nakaligo at nakaayos pang-studyante na ako. Tumingin ako sa wrist watch ko.

7:15

Good thing is naayos ko na kagabi pa ang mga gamit na dadalhin ko sa dorm. Less hassle.

Lumabas na ako ng kwarto nang maayos na ang lahat at bumaba na papuntang kitchen. Nadatnan ko si Mama.

"Ma bye, late na late na ko. " paalam ko as I kissed her on her cheeks.

"Oh, kumain kana muna ng breakfast aba." sabi ni Mama habang kumukuha ng hotdog sa table. Takam naman ako.

"I can't Ma. Anong oras na. After 1st class nalang po ako kakain." Sagot ko habang palabas na ng kitchen.

"Wait, sweety.." habol sakin ni Mama kaya napatingin ako sa kaniya. Magsasalita na sana ako ng bigla niyang sinubo sakin yung hotdog na nakatusok sa tinidor niya. Ugh my Mom is so crazy though.

"Mwa nwamwan." (Ma naman..) I said. Namumuwalan ako. Isang buo ba naman sinubo sakin.

"Haha. Now go, para kahit papano may nakain ka. Magingat ka sa byahe, okay?" She said while fixing my tie. I smiled sweetly. I so love this woman.

"I will. Bye na." I hugged her and then went out of our house.

Lucky me as always, at pagkarating ko sa terminal ay may UV Express ng pa-Maynila na nagaabang doon. Sumakay na ako and after a few moments ng singilan ng bayad, bumyahe na ang van.

Anyways, since nasa byahe pa naman ako, I'll take this chance na para magpakilala.

I'm Shan Dee Rodriguez. Corny isn't it? Lalo na yung second name ko. Ewan ko ba sa parents ko ano naisipan ba't yan ang binigay sa'kin.
Anyways. I'm 21, currently taking BSCE. (Bachelor of Science in Civil Engineering). 3rd year. Simple lang naman ang buhay ko. Though hindi ganun kaperfect, I can tell na masaya ako with my family--no. A broken one. Sigh.

So yeah, just like what I've said, simple lang ang buhay ko. Nagaaral, may nanay, tatay, kapatid, kaibigan, bahay, pagkain, damit, at kung anu-ano pang bagay at gawain na kailangan ko para mabuhay ako sa mundong 'to.

Simple lang naman talaga ako eh. Simple lang.

Until he came.

Because of him, nagkaloko-loko ang lahat sakin.

Because of him, natuto akong maghangad ng pagmamahal na hindi lang galing from my friends and family, but from him.

At binigay naman niya.

3 years ago, He made me feel happy, loved, and special. He treated me like his queen; like his world.

But I never thought na after ng mga yon, may sakit din pala siyang dala para sakin.

He loved me, but just like what the other guys do with their girls out there, he cheated on me. He broke me.

Ansaya diba? Tsk.

A Love Gone WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon