Hey Jimin!
Tinapos ko na ang mga nalalabing episodes ng Saranghaneun Eun Dong (My Love Donna). Laking gulat ko na nung Monday wala na sya sa TV, yun pala minadali nang tapusin! Pano kaya ginawa nila, e andami pang kulang na eksena nun nung huling beses akong nanood?
Niyaya ko rin kapatid kong tumambay at magkape sa Kapé Ni Kwan sa may bayan. Iritang irita ako kasi tawag ng tawag yung boyfriend nya at pinapapasok na sya sa work! Eh heller! May higit 2 hours pa naman bago yung work nya noh, so may ample time pa sya para makapagbiyahe. Saka minsan lang ako magyaya sa kanya na lumabas, bukod sa 2 days na naman akong hindi uuwi kasi may lalakarin ako bukas.
Kaya sana pag naging tayo na wag kang masyadong clingy at demanding ha! Hindi kasi healthy yun.
Rhie
BINABASA MO ANG
365 Days of Jimin
RandomThere are things that you want to tell your loved ones one day at a time. And I have chosen to spill it all here. I am Rhie.