Day # 23

5 0 2
                                    

Hey Jimin!

Alam kong nabanggit ko na before ang tungkol sa KDrama na My Love Donna. Nakakahanga ang pagmamahal nung bidang lalaki dun sa bidang babae, na kahit twice syang nawala sa buhay nya mahal na mahal pa rin nya. Kelan kaya ako makakatagpo ng ganung nagmamahal? Nageexist pa ba sya? Ikaw na ba sya? (banat)

I have a wish for you then. I wish na makatagpo ka ng isang babaeng mamahalin ka nang buong-buo. Yung walang pakialam kahit wala ka nang abs. Yung gugustuhin ka pa rin halikan kahit na chipped ang front teeth mo. Yung kahit di pantay ang laki ng mga mata mo ( blame your toilet accident when you were eight) e gugustuhin pa rin makipagtitigan sayo. Yung walang patumangga na makikipagpaligsahan na makipagtawanan sayo just because your laughter is music to her ears. Yung makakasama mong maglakad sa tabing-dagat ng hawak-kamay gaya ng sinabi mo minsan sa interview. Yung makakapartner mong sumayaw ng contemporary dance at hindi mahihiya kahit parehas na kaliwa ang mga paa nya. Yung palagi kang ichi-cheer at sasabihan ng "Saranghae Jimin-a!!!" during and after ng performance nyo. Yung makakasama mo sa mga pagseselca mo. Yung makakaappreciate sa eye smile mo. Yung  magsasabi sayo na ang cool mo on and off the camera. Yung laging magreremind sayo na you are one of the best things that ever happened into this world.

Yung parang ako..

Rhie

365 Days of JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon