Si Lia ay papasok sa eskwelehan na may biglaang nangalabit sa kanya lumingon lingon ito pero wala naman. Pagpasok nya sa silid aralan may nangalabit nanaman sa kanya at isang lalakeng nakangiti ang kanyang nakita at ito'y nginitian nya na lamang din. Dumating na ang guro at sila ay inassign na sa kanilang mga upuan at nakatabi nito ang lalakeng kalabit ng kalabit sa kanya. Napakaingay at kulit ng lalaking ito si Lia ay naiinis na natatawa na lamang sa kanyang katabi at ito'y nagtanungan na ng pangalan. "Ako nga pala si Minimo." Napaisip si Lia kung bakit Minimo ang pangalan nito at ito'y nagtanong "Minimo talaga ang iyong pangalan." Natawa ang binata . "Hindi. Apelyido ko iyon. Ryan ang aking pangalan." Sabi nito. Sila ay naging malapit na mag kaibigan. At si Lia naman ay nag karoon ng malalapit at tunay na mga kaibigan.
Sa oras ng English nila ay nagkaroon ng group activity sila Lia. Dahil si Lia ay maypakakulit ding bata ay nakipag laro ito ng punong braso. May pagkasiga-siga at lalakeng kilos itong si Lia. Nagkaroon sila ng katuwaan ng kanyang kaibigan na si Emjay at Ralph na palakasan ng suntok at ito namang si Ryan ay sineryoso naman ang katuwaan ng tatlo akala nito ay inaaway nila si Lia kung kaya't ito'y pinagtanggol niya "Bakit niyo siya inaaway?" sabi nito at ito namang sila Lia at mga kaibigan nito ay natawa na lamang "Nagkakatuwaan lang kami dito tol. Ito naman masyado kang protective kay Lia." Sabi ng kaibigan nito. Natawa na lang sila sa inasta ni Ryan.
Lumipas ang ilang buwan ng maayos at walang kababalaghan ang nangyayari.
Ngunit isang araw nag karoon ng di inaasahang pangyayari. Pauwi na si Lia sa kanila. Sa pagbukas nito ng gate ng bahay nila nagtataka ito kung bakit ito'y bukas. Pumasok ito at tuloy tuloy pumasok sa bahay nila at nagtaka naman ito kung bakit bukas din ang kanilang pinto at pinagtataka nito sira ang doorknob sumilip siya sa loob at may nakitang tatlong lalake sa sobrang takot at kaba nito ay nalaglag ang doorknob na hawak nito. Napatingin si Lia sa loob ng bahay at nakita nyang nakatingin ang lalake sa kanya at ito'y tumakbo papalayo sa kinakatayuan nito. Dali-dali namang sinundan sya nung lalake dahil sa sobrang takot at panginginig nito ay naabutan pa din sya ng lalake sinubukan nito sumigaw para humingi ng tulong. Piliting tong pumipiglas sa malalakas na kamay ng lalake dadalhin na sana si Lia sa loob ng bahay ngunit sa kabutihang palad ay tumakbo ang kanyang aso para iligtas ito kinagat ang lalake at nabitawan si Lia. Tumakbo si Lia at nakalabas na ito ng gate at pilit na isama ang kanyang aso na kamuntik muntikanang saksakin nung lalake. Tumakbo si Lia papunta ng barangay, lumingon ito sa likod at walang nakitang humahabol sa kanya. Ngunit sa sobrang pagod at takot nito ay hindi na siya nakaabot sa barangay at hinimatay na lamang ito sa tabi ng daanan.
Nagising si Lia na nakahiga na ito sa Ospital na naroon ang kanya mga magulang at kapatid. Pinapaimbistegahan na kung sino ang mga lalakeng humalughog at kamuntik-mutikanang patayin si Lia. Sa ngayon ay pinabantay muna sa kamaganak ang bahay nila at pinagawa at ipinaayos na ang mga pinto ng bahay at binilihan na ito ng maraming kandado. At sa ngayon ay binabantayan si Lia sa ospital dahil kelangan nitong mag pahinga ng dalawa hanggang tatlong araw sa ospital.
May pumasok na nurse sa loob ng kwarto ni Lia "Maam? Sir? Gusto raw po kayo makausap ni Doc." Sabi ng nurse. Pumunta ang magulang nito sa doctor. Si Lia ay nasa loob lamang ng kwarto at may mga bisita na biglang dumating. "Tok. Tok" Pumaso ang dalawang babae " Lia. Kamusta ka na?" sabi nung isang babae na nangangalang Eliza "Prutas para sayo oh." Sabi naman nung isa nyang kaibigan na si Arlen. At may pumasok pang isang lalake "Hoy Hernandez! Ok ka na ba? Nag aalala kami sayo lalong lalo na sila ma'am. Bubugbugin ko para sayo ung mga panget na yon." Sabi ni Ryan. Natawa si Lia at sinabing "Ok lang ako. Ano ba kayo." Sumingit si Eliza "Sus. Pakipot pa tong si Ryan sya kamo ung O.A. alalang-alala nga yan sayo eh." Natawa na lang sila sa comment nitong si Eliza at di din sila nag tagal at umalis na ang Dalawa. At naiwan na lamang si Ryan sa tabi nito "Di ka pa ba uuwi?" sabi ni Lia. "Babantayan muna kita, baka biglang dumating ung mga panget na yun." Sabi ni Ryan. "HAHA. Bahala ka nga dyan." Sabi ni Lia.

BINABASA MO ANG
Lobo ni R&L (One Shot)
Fiksi RemajaPaano kung nahulog ka sa kaibigan mo? Paano kung hindi ka pinapansin ng taong mahal mo? Paano mo ba itatago na nasasaktan ka? At paano mo ba sasabihin sa kanya na mahal mo sya? ito ay tungkol sa dalawang malapit na magkaibigan "NOON" na si Lia B. He...