Entry #22
Dear Diary,
Ang hirap palang ma-inlove sa taong hindi mo maabot? Hindi mo alam kung anong klaseng magic, science explanation or formula ang gagamitin mo para maparamdam sa kanya na "Hello, I'm here!"
Hindi ko alam kung totoo bang may kinalaman ang katangusan ng ilong ng tao sa lawak ng nakikita nya, pero parang totoo yon sa kanya. Siguro pati sa height. Kasi sa tangos ng ilong nya at sa tangkad nya, ramdam kong hindi nya ako nakikita. Ang hirap talagang maging pandak.
Ang hirap ma-inlove sa taong kahit ikaw, hindi mo makita na bagay kayo. Na may possibility na maging kayo.
Kahit pa na sabi ng teacher namin sa statistics, kahit na 0.00000001% lang ang possibility, pwede pa ring mangyari pero...
Ang hirap paring maniwala.
***
"Oy, uso makipag-kwentuhan sa tao. Hindi puro yang diary mo ang kausap mo. Napapanis na laway ko bakla ka!" Reklamo ni Alexis saakin.
Napakaingay ng baklang ito. Kung kailan nailalabas ko na talaga ang nararamdaman at saloobin ko sa pagkakagusto ko sa kanya, di yung purong kalandian lang, tsaka sya magsasalita. "Wag ka nga Alexis, nadedepress ako."
"Oh, bakit na naman?" Halata namang wala talagang syang pakialam kahit na nagtanong sya dahil naglalagay lang sya ng mascara. "Alam ko, pag inlove masaya! Hindi yung ganyang depressed. Diba sabi nga nila, kapag inlove ka nakikita yung mundo na parang puro bulaklak? Though, hindi ko yun maapreciate. Allergic ako."
"Siguro kung requited at mutual, te. Kung unrequited at one-sided, iiyak at iiyak ka lang talaga. Sawi. Ni hindi ko nga sya malapitan at makausap. Wala naman kasing dahilan." Parang lalo akong nalungkot sa sinabi ko. Pero, tanggap ko na talaga ang kahihinatnan nitong crush na 'to.
Sana nga, crush lang.
"Edi naiingit ka na naman saakin, ha?" Nabalik na naman ang asar ko sa sinabi nya. "Sorry talaga, pero hindi ko naman sinasadya na magiging kapartido ko sya. Hindi ko rin kasalanan na naging close kami, yung tipong pati I.D nya nahiram ko. Hindi ko talaga kasalanan yan."
Tinignan ko sya ng napakasama. Pinamukha nya pa talaga ang mga kaswertehan nya sa buhay. "Sige na, kayo na! Kayo nang close!" Hinampas ko sa ulo nya ang diary ko. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng partido, sila pa ang nagkasama? Ano bang klaseng alchemy yun?
"Alice! Sinasabi ko na sayo, guluhin mo na lahat, wag lang ang buhok ko!" Inirapan nya ako at inayos ang buhok nya.
Baklang 'to, ang arte! Ang arte arte! Mas maarte pa sa babae! Ako nga pag sinasabunutan nya, kamay lang ang panuklay ko.
Bakit kaya ang arte arte ng mga lalaki pagdating sa buhok?
Inismidan ko lang sya at tinapos nalang ang pagsusulat ko sa diary. Mas nakakawala ng stress 'to, kaysa si Alexis ang kausapin ko. Aasarin ka lang.
Isusulat ko na sana yung date ngayon nang biglang nagsisigaw si Alexis sa tabi ko. "Juno! Juno! 'Lika rito!"
Naisara ko agad ang diary ko at sinipa sya sa ilalim ng mesa. Asar! Gaganti lang tong baklang 'to sa ginawa ko sa buhok nya. Alam nya kasing hindi talaga ako makatagal pag andyan si Juno, maging restless talaga ako.
At ang walanghiya, binelatan lang ako. Ay nako, kung alam lang ng mga nagkakacrush sa kanya sa room ang totoong ugali ni Alexis, mawawala na talaga ang crush nila sa bading na ito.
Kahit kasi babakla-bakla itong kaibigan ko, hindi sya gaanong halata sa itsura nya, well maybe except pag nakita mo yung pilikmata nyang may mascara. Pero, in all fainess, no bias, may itsura talaga sya. Kaya marami pa rin ang naatract sa kanya kahit na malamya sya.
BINABASA MO ANG
Diary of You (Her Story)
Short StoryGirls always want to vent, and Alice is no different from them. Kaya naman meron syang diary kung saan malaya nyang nailalabas ang nararamdaman nya sa isang tao- at yun ay si Juno. She was fine with only gazing at his back, pero dahil sa diary na it...