Entry #2

3 0 0
                                    

Puyat. At nasayang na effort dahil sa simpleng kababuyan at madaling pagkalimot.

Bigo ako sa paghahanap ng diary ko. Oo, naghanap ako sa wala. At ngayon, naghahanda nalang ako sa magagandang tingin ng mga kaklase at schoolmate ko pagdating ko sa school. Parang nakikita ko na nga yung scenario sa utak ko.

Alam ko, kumalat na ang laman nyan sa eskwelahan. Mahilig kasi talagang magbasa nang kung anu-ano ang mga babae sa school namin. Mapa-wattpad, fanfiction, manga, o diary na naiwan lang sa school at hindi naman sa kanila.

"Nagkakabisado ka ba o ano?" Natigil yung skit sa utak ko kung saan kino-corner ako ng 3 babae na may gusto rin kay Juno nang magsalita si Alexis sa tabi ko. "Alam kong kasuko-kasuko yang periodic table pero alam kong kaya mo yan kahit na nasa jeep tayo. Kung naka-focus ka. Kaso hindi."

Lutang. Alam ko na kung anong nararamdaman ng mga astronaut pag nasa outer space sila. Palutang-lutang. Lutang.

"Okay, nakakaasar ka na." Naramdaman kong inikot ni Alexis ang ulo ko paharap sa kanya. "May problema. Alam kong may problema. Sabihin mo na. Ano yon?"

Nakatitig lang ako sa kanya. "Ang gwapo mo pala talaga no, kaso naging bakla ka. Masungit pa. Sayang ka kamo." Tinanggal ko na ang tingin ko sa kanya at mahinang nagrecite ng periodic table.

"L-loka-loka!" Nagngingit-ngit sya nung tinignan ko sya. "Pag hindi mo pa sinabi kung anong dahilan at nagkakaganyan ka ngayon, itatapon kita. Seryoso ako."

At dahil sa sinabi nya, nasira na ang concentration ko. Concentration na wag nang isipin ang tragedy na yun. "Nawawala yung diary ko. Nawala sa school at pakiramdam ko, may iba nang nakabasa noon."

Hindi ko agad nasalo, pero nakita kong nalaglag ang panga nya. "Nawawala?"

Tumango lang ako. Sayang talaga. Dapat sinalo ko yung panga nya.

Pinitik nya ako sa noo. "Ano ka ba?! Bakit ngayon ko mo lang sinabi?!"

Bumaba yung tingin ko sa sahig. "Wala ka namang magagawa na. Kahit na ipagtanggol mo pa ako, hindi naman noon mababago yung fact na, ako nga yung nagsulat nun. Saakin galing lahat ng nakasulat doon."

"Anong kulay nung notebook na yun? Pastel pink diba?" Tanong nya. For some reason, bigla nyang kinuha yung phone nya at nag-text kung kanino man.

"Ah, yeah. Mga 2 inches ang kapal noon." Nag-gesture ako sa kamay ko ng estimated na kapal noon. "Bakit, may idea ka ba?"

"I think I know kung nasa kaninong kamay yun." Tumingin sya sa labas ng jeep. "Nandun na sya. Tara na."

Hindi agad ako nakapag-isip dahil sa sinabi nya. Alam nya na kung nasaan? Agad-agad. Wait, masyadong weird yun ah.

Magtatanong na sana ako pero hinila nya na ako papababa ng jeep. Papasok na rin sana kami sa school pero biglang tumigil si Alexis sa paglalakad. "Shit."

"Oy, bakit? Okay ka lang ba? Sa totoo lang, kanina pa ako nawi-weirduhan sayo." Bigla akong natawa sa naisip ko. "Parang nagiging lalaki ka na ata?"

"Pinagsasasabi mo?" Lumingon sya saakin nang nakataas ang kilay. "Anyway, hindi nga pala kita masasamahan kunin yung diary mo. Pinapatawag ako ni Gabriel." Seryosong-seryoso yung pagkakasabi nya at walang bahid ng kabadingan. Ang weird talaga, sorry.

"Dumaan ka na rin kaya sa clinic, parang may sakit ka ngayon eh. Kanina ka pa---" Tsaka lang nag-register sa utak ko yung sinabi nya. "H-ha? Ako lang kukuha?"

"Wag ka ngang parang shunga dyan, namumutla ka pa!" Nagsimula na syang maglakad ulit. Pakiramdam ko, ang lamig na ng mukha ko sa kaba. "Nasa SSG office lang, sa lost and found."

Diary of You (Her Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon