"Asuncion!" Tawag ni Ms. Esguerra sa unang nilalang na magrerecite ng periodic table.
Hindi umaangat ang tingin ko sa table na hawak ko. Nagre-recap nalang ako, para i-test ang sarili ko kung kabisado ko na ba talaga ito. Para na rin mawala ang iniisip ko at madistract ako. Effective naman sya...
...sana nga.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung pinagsasabi ni Nice saakin kanina. Kasama ako sa camping at ang presidente pa talaga ng SSG ang nagsabi nun? The high and mighty Catherine Bautista ng SSG? Sa totoo lang, ayoko pa ring maniwala. Anong nakita ng confident at napaka-galing na babae na yun saakin?
Hindi sana ako mag-iisip ng ganito kung pinaliwanag nya saakin kung bakit ako sasama. Si Catherine na rin daw kasi ang kakausap saakin kaya kinakabahan din ako. Basta, sasama daw ako at si Catherine na ang bahala sa iba pang mga tanong ko.
Bakit ba ako nahihila sa mga affairs ng SSG, hindi naman ako member? Ano bang gagawin sa camping na yun?
Biglang nag-pop-up sa utak ko yung ngiti ni Juno nang may biglang sumigaw
"Bundal!" Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang apelyido na yun. Susunod na ako dyan, Capistrano.
Tinago ko na ang table ko at nag-relax, salamat sa magandang memory ng pag-ngiti ni Juno. Lalo ko kasing nakakalimutan ang mga bagay-bagay kapag nagc-cram ako.
Natapos na si Bundal kaya tumayo na ako, pero nakita kong papunta si Nice sa pinto ng classroom namin. Hindi ko na napigilang mapa-poker face. Magrerecite nalang ako, may SSG na naman?
Lumapit sya kay Ms. Esguerra at kinausap ito. Umupo muna ako dahil ramdam ko na, ramdam ko na talaga na hindi ako makakapag-recite. Lalo na ngayon, at nasa labas na rin ng classroom ang buong partido nila Alexis at Juno.
Natapos nang mag-usap si Nice at si Miss, so I think alam ko na ang sasabihin nya.
"Okay class, bukas nalang natin ipagpatuloy ang recitation dahil may magc-campaign. Sino na nga pala ang magrerecite?" Sabi ni Miss.
Nagsilingunan saakin yung mga kaklase ko nang nagtaas ako ng kamay. Oo, walanghiya. Ako yung malas na naabutan ng campaign nila.
"Ah, si Alice pala. Dapat bukas, kabisado mo na yan." Tumalikod na sya para kunin yung mga gamit nya sa desk. "Sige, you guys can take over."
Kabisado ko na naman eh, tapos bukas pa pala ako. Asar naman.
Nabaling ang tingin ko kay Nice, and she flinched. Siguro kasi, ang sama na ng itsura ko. Naasar kasi talaga ako. Puyat pa naman ako.
Wrong timing ka, Nice. Anong klaseng campaign manager ka, nanggugulo ka ng klase. Bakit ba kasi sila pinapayagan ng teachers? Dun sila sa mga vacant at walang teacher.
"Sorry na, Alice." Sabi nya sa harap ng klase ko. Tinignan ko lang sya at bumaling na ng tingin sa labas. At yung mga mangangampanya lang din naman ang nasa labas, nakaharang sa view ng mga puno na gusto kong tignan para kumalma.
Parang gusto kong lumabas ng klase.
"Pwede ba naming mahiram ang oras nyo para makinig sa mga kandidato namin?" Tanong ni Nice sa klase.
Sumagot naman yung mga kaklase ko sa kanya. Pinapanuod ko lang yung mga kandidato mag-usap usap sa huddle nila. Sumigaw sila ng something like "Fight" at nag-disperse na sila. Yung ibang mga member ay nag-uusap, well except kina Alexis at Juno. Magkahiwalay sila na nagpapakalma sa sarili nila.
BINABASA MO ANG
Diary of You (Her Story)
القصة القصيرةGirls always want to vent, and Alice is no different from them. Kaya naman meron syang diary kung saan malaya nyang nailalabas ang nararamdaman nya sa isang tao- at yun ay si Juno. She was fine with only gazing at his back, pero dahil sa diary na it...