Chapter 1

27 4 1
                                    


Khrysea's Picture!

Khrysea's Pov

"Mommy! Si Jessica nangungulit nanaman oh! Yung Cellphone ko ayaw ibigay malalate nanaman ako nito eh!"

Pagsusumbong ko sa aking mommy, paano ba naman kasi yung phone ko kinuha nanaman ng magaling at mahadera kong kapatid. Ewan ko ba dyan kay Jessica namomongoloid nanaman at ito nangungulit napaka isip bata talaga,eh isang taon lang naman ang lamang ng edad ko sa kanya! Duh! Nakakabadtrip ang pagiging isip bata niya, first day of school pa naman ngayon tapos ginaganyan nya ako!

"Jessica! Where's your sister phone? Give it to her! NOW!"

Dumadagundong sa buong mansion ang boses ni mommy! Sabi ko na nga ba eh! 

Paano di dadagundong yung boses ni mommy eh dahil din naman yun sa mga technology and gadgets nya.

Meron kasi siyang nilagay na mga microchips sa iba't-ibang part ng mansion namin. Yung microochips na dinikit ni mommy ay mga nagsisilbi niyang  speakers kapag wala siya rito. Ewan ko ba dyan ang liliit na bagay pero ang iingay naman.

Lahat ng ikiniklos namin dito sa mansion, bawat galaaw namin alam ni mommy kahit wala siya. At dahil yun sa mga pesteng CCTV na nilagay ni mommy. Kakaiba nga yung CCTV namin eh, may audio kaya naririnig yung mga sinasabi namin, minsan na niyang ipinakita iyan sa amin ni Jessica, para daw kapag umalis siya alam niya pa rin yung nangyayari dito sa mansion especially sa aming magkakapatid. Wala na rin naman kasi si Dad, sabi ni mommy patay na siya simula nung ipinanganak si Jessica.

Pababa na ako ng hagdanan ng makasalubong ko si Jessica na nakasimangot sa akin habang iniaabot yung phone ko. Napangisi ako ng wala sa oras. Huh! Panalo nanaman ako! Nag belat nga ako sa kaniya! Duh. Poor Jessica. haha

"Oh! Ito na panget"


At aba! Sinabihan pa akong panget! Letsugas di hamak na mas maganda ako sa kanya! 99.9% ang lamang ng beauty ko sa kanya. If I know insecure lang siya sa akin. Tse!

Kinuha ko yung vase na nasa gilid ng hagdanan para sana ihambalos sa pagmumukha ng mahadera kong kapatid kaso CHARING LANG! Dahil narinig ko yung boses ni mommy na tiyak na nakita nanaman kami sa CCTV niya!

"Khrysea! Huwag mong sasaktan ang kapatid mo!"

Sigaw sa akin ni mama na nanggaling sa isa sa mga microchips niya!

"Mommyan syempre di ko po gagawin yun! Ang bait-bait kong kapatid eh, mahal na mahal ko yang si Jessica mommy kaya di ko kayang saktan yan! Diba Jessica?"

Puro kasinungalingan kong pagdedemand kay mommy! Mahirap na at baka tanggalan pa ako ng credit cards niyan! Baka di ko kayanin yun!

"Sus! Kunyari lang yan si Ate!" At nakita ko pang bumelat sa akin. At aba! bastusing bata di marunong gumalang sa mas nakakaganda sa kanya!

"Enough for that non-sense conversation! Jessica Go back to your room! NOW!"

Nakasimangot na sinunod ni Jessica si mommy at syempre nag belat muna ako sa kanya na mas lalo niyang ikina pikon.

"And you! Khrysea go to your room and open the T.V Projector! We need to talk!"

Baling sa akin ni mommy. Kaya agad ko na lang siyang sinunod. Mahirap na at baka magalit pa yan sa akin.

Pagkatapos kong buksan yung T.V Projector, bumungad na agad sa harapan ko si  Mommy na halatang nasa loob ng kotse niya. Gamit lang yung T.V Projector butto maaari ko ng makita si mama at makausap. isa lang naman sa mga gadgets nya yan na hindi ko alam kung saan binibili ni Mommy. Well I Don't Care, tiyak  naman sa yaman ng Alcantara Family pati mga imposibleng bagay nabibili niya rin.

Gold  Vs. Silver :The Battle Between The QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon