4. Gold Queen.

56 3 0
                                    


Khrysea's POV

Pagkapasok pa lang namin sa Lightning Academy halos lumuwa ang mga mata namin ni Kris dahil sa sobrang ganda at laki nito. Iba ang view nito sa labas dahil hindi mo talaga akalain na mas malaki pala ito kapag nasa mismong loob ka na.

Napapalibutan ng dagat ang Academy kaya mas lalong gumanda ito. Nandito kami ngayon sa tulay na nag-uugnay sa gate at duon mismo sa malaking pinto ng  academy. Nakasakay kami sa parang ewan na sasakyan. Wala syang gulong kaya lumulutang lang kami ni Kris. Pwede namin pabilisin yun kung gusto namin pero mas maganda kung pabagalan lang dahil gusto ko makita ang ganda ng academy. Hinahatid nga pala kami ng mga Guide namin sa Academy. Sila Jin at Jimin ang makakasama namin sa Academy sila ang naka assign para bantayan kami. Si Jin ay isang Lalaki at si Jimin naman ay babae. 

Laughtrip yung buhok nila kasi may kulay like you know not ordinary yung kulay ng kanilang mga buhok matitingkad ang pagkakulay ng mga ito. Ang kulay ng buhok ni Jin ay red at kay Jimin naman ay purple. Ang astig na nakakatawa lang.

Tinanong ko sila kung bakit ganun ang mga buhok nila pero isang matipid na ngiti lang ang laging sagot sa akin ni Jin at Jimin.  Nakakailan na akong tanong sa kanila pero wala pa rin silang response tungkol sa hairlalu nila. Pero kapag tungkol sa academy ang tinatanong ko sinasagot nila pero hinid naman buong explanation matipid na information lang ang nakukuha ko. Like nagtanong ako kung Eskwelahan ba talaga 'to o Palasyo. Sabi naman nila School daw talaga 'to. 

"Hey Jin and Jimin! Ano nga kasi ang meron diyan sa buhok nyo at bakit ganyan ang kulay?" Hindi ako nawawalan ng pag-asa na magtanong sa kanila kung ano ang meron sa buhok nila. Fighting pa rin talaga ako. 

"Khrysea babes for the ninth time na tanong mo na yan pero wala ka namang napapala eh."

Napairap ako ng wala sa oras dahil biglang nagsalit si Kris. Akalain mo yun buhay pa pala 'to akala ko kasi nalumpo na kanina. Pa'no ba naman kasi nilalandi nya si Jimin edi ayan nakatikim sya ng sipa sa akin. Nakkabwiset ang lakas ng loob na manlandi ng iba eh ako 'tong nililigawan nya. Wait teka? Nililigawan nya ba talaga ako? O baka naman Assumera lang ako? Tsk! ?Bahala na nga! Nakakainis!

Nakarating na kami sa harapan  ng mala mansion na academy kitang-kita ko yung symbol na lightning sa pinakataas at pinakagitna ng academy. Sa pagkakaalam ko kila Jin at Jimin yun daw ang sumisimbolo sa Academy.

Kusang bumukas yung malalaking pintuan upang tuluyan na kaming makapasok.

Alam nyo ba yung feeling na mapapa WOW HANEP ka na lang? Grabe school ba talaga 'tong pinasok ko ? Baka naman Palasyo 'to! Mas malaki pa nga 'to sa White House eh!

"Wow Khrysea babes ang ganda at ang laki naman dito!" 

Bulalas ni Kris ng makita rin nya ang magandang kalooban ng eskwelahan na ito. Natigil ako sa pag-puri sa lugar ng makita ko ang mga tao rito sa loob. Hindi ko maiwasang magtanong kay Kris.

"Wait lang Kris! Bakit ganyan mga buhok nila?!"

May halong pagtataka kong tanong kay Kris  dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga buhok ng mga tao na nandirito. Iba't-iba ang kulay ng kanilang mga buhok. May blue, red,green at marami pang iba! Bakit ganyan? Nakaka Out of place naman yung mga buhok nila! Dapat kasi sinabi nila sa akin na required sa school na ito na magpakulay ng buhok edi sana hindi kami na out of place ni Kris dito.

"Woah! Babes! Rainbow hairs!"  

Punyeta ang tanga ni Kris! Rainbow hair daw? Yan tuloy piangtitinginan kami ng mga tao ngayon dito.

"Tanga mo Kris! Hindi rainbow yan buhok yan na pinakulayan! " Singhal ko kay Kris dahil sa katangahan nya. Nakakahiya sya masyadong Attention Seeker ampota. Kahit kailan talaga bobito si Kris eh.

Gold  Vs. Silver :The Battle Between The QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon