AML-2

347 5 0
                                    


*****

Dahil sa nangyare, ilang araw din na halos walang tulog, walang gana sa pagkain si nanay anastasia dahil sa kaiisip sa kaniyang anak. Alam niyang nagkamali siya na pagbuhatan ang kamay ng kaniyang anak.



Hindi niya iyon ginustong gawin, ngunit sa inasal ni grace ay talagang nagpoot ang kaniyang puso at siya'y nagalit. Kaya lang naman siya naging mahigpit sa kaniyang anak dahil ayaw niyang matulad ang anak sa kaniya.




Ayaw niyang dumating ang araw na iwan siya ng tao niyang mahal. Sa tamang oras,panahon ay may mag mamahal naman sa kaniya kusa namang dadating ang pag-ibig.


Ayaw niyang pagmadaliin ang kaniyang anak na matulad sa kaniya na namadali ang pag-ibig na nag simula sa tawag ng laman.

Kung kani-kanino pumunta si nanay anastasia sa bahay ng mga kaibigan niya, at ang sagot Kung hindi "Wala po", "hindi ko po alam".



Nang kinagabihan nang kumakain si nanay anastasia ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone.


Naalala niya bigla na "bat hindi ko manlang naisip na tumawag?" Sabi niya sa kaniyang sarili, siguro kaya hindi na rin niya naisip na tumawag dahil sa kaaalala sa kaniyang anak.


Dali-daling tumayo si nanay anastasia, at ng makita niya ang cellphone ay bigla siyang nalungkot dahil akala niya si Grace na ang tumatawag ngunit nagkamali siya dahil hindi nakarehistro ang numero na tumatawag sa kaniya.




"Hello? Sino po ito?"
Sagot niya.

"Anastasia!!!" Sigaw sa kabilang linya.

"Oo ako nga ho. Sino ito?" Pagtatanong niya.

"Hallah! ate si Sandra ito ang kapatid mo" biglang rumehistro ang kaniyang kapatid sa ama.


Dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina ay nakapagasawang muli ang kaniyang ama mabait naman ito, lalong lalo na si Sandra.

"Sandra kamusta na? Bat ka nga pala napatawag?" Pagtatanong niya sa kaniyang kapatid.

"Ate nandito si Grace" hindi siya makapagsalita sa WAKAS!!! Makikita niya ang kaniyang anak.


Si Sandra ang nakaalam sa pagdadalang tao niya, dahil sa pumanaw na rin naman ang kaniyang ama pati ang ina ni sandra. Ipinaman ng ina ni sandra sakanya ang bahay at lupa na pinamamahayan nila ngayon dahil may pamilya narin si sandra.

"T-talaga? Sandalilang hinayin mo ako riyan" sabik na sabik na siya.

"Ate wag na, uuwi na rin siya bukas sa inyo dahil nakuwento ko na sakanya kung bakit mo pinagbabawalan, naintindihan naman niya kaya sana wag kanang mahigpit sakanya dahil uuwi na siya riyan bukas mahal ka niya kaya siya umalis, dahil gusto niya muna magpag-isa"

pagpapaliwanang ng kaniyang kapatid lubos na natanggalan ng tinik sa dib-dib si nanay anastasia.


"Sige na sandra, miss na miss ko na ang anak ko"

At pinatay niya ang cellphone at dali-daling pumunta sa kalsada para sumakay ng jeep nang biglang may malakas na tumama sa kaniyang katawan at nawalan ng malay.

*****
Dali-daling bumangon at sumakay ng jeep si Grace ng makatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang cellphone ng malaman niya ay para siyang binuhusan ng malamig na konsiyensiya.

Nang makarating siya sa ospital kasama ng kaniyang tiya ay hinanap agad niya ang kuwarto ng kaniyang ina.

Nang makarating siya sa loob ng kuwarto ng kaniyang ina at saktong may doktor tinanong niya agad ito.

"Dok. Kamusta na po ang mama ko?" Tanong niya.

"Hindi maganda ang pagkakabunggo sa kaniya napakalakas ng impact nito sa kaniyang ulo, sad to say may Amnesia ang mama mo dahil sa sobrang stressed niya hopufully sana makilala ka niya, pero ite-test pa namen ang mama mo"

Nakaramdam siya ng pagkasisi kung hindi dahil sa kaniya malamang walang amnesia ang nanay niya.


"Sige mauna na ako" pagpapaalam ng doktor.

Pumunta siya sa gilid ng kaniyang mama at hinawakan ang kamay nito.

"Ma, sorry po. Alam ko na po kung bakit niyo ako pinagagalitan dahil mahal niyo ako. At ayaw niyo na matulad ako sainyo. Ma sorry po"

Lumandas sa kaniyang mga mata ang luha. Gumising na ang kaniyang ina, at tumingin sa direksyon niya.

"S-sino ka?"

Bungad ng kaniyang ina. At ngumiti ng mapait si grace.

"Ma ako po ito ang anak niyo, si Grace"
*****

Sa mundong ibabaw na ating ginagalawan sana matuto tayo sa istoryang ito. Na ang pagmamahal hindi lamang sa karelasyon umiikot kundi sa mga magulang at sa DIYOS.

Wakas

*****

A Mothers Love (short story about mother and daughter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon