*****
Ilang araw nang hindi nagpapansinan ang mag-ina na nasi nanay Anastasia at ang kanyang anak nasi Grace. Sapagkat may tampuhan silang mag-ina. Si Grace ay nag-iisang anak ni nanay Anastasia, para kay nanay Anastasia siya ay biyaya ng Dios kahit na ito'y isang pagkakamali. Grace ang ipangalan sakanya. Si Nanay Anastasia ang bumubuhay kay Grace sapakat walang ipinakilala si nanay Anastasia na ama ni Grace.Noong dalaga si nanay Anastasia ay namamasukan siyang katulong, dahil sa high school lamang ang kaniyang natapos. Halos tatlong taon siyang namasukan.Masaya ngunit nakahahalata siya sa amo niyang lalaki na panay ang tingin sakaniya, hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon. Ang kanilang maling pagmamahalan ay nagbunga. Pinaalis si Anastasia ng amo niyang babae nang mahuli silang nagtatalik ng kanayang amo.
Pinaghahampas ng amo niyang babae si Anastasia. "Lumayas kang malanding babae ka!" Habang pinagtatapon ng amo niyang babae ang kaniyang mga gamit sa labas.
Wala na siyang nagawa kundi ang umalis at palakihin si Grace na mag-isa. Kahit mahirap, nag paka tatag siya. Lumipas ang maraming taon at nasa kolehiyo na si Grace kumuha siya ng Education.Gusto niyang maging guro dahil yung ang pangarap ng kaniyang ina, at pangarap din niya. Dahil naaawa si Grace sa mga batang gustong mag-aral ngunit hindi makapag-aral dahil sa kakapusan sa pinansiyal. Pinalaki si Grace ng kaniyang ina na may takot sa Dios,may galang, at higit sa lahat ang pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit na sinong tao rito sa lupa. Masasabi ni Grace na napa suwerte niya. Kahit na minsan wala silang pag kakaintindihan ng kaniyang ina.
Sa paglipas ng panahon 2 buwan nalang at makatatapos na si grace ng pag-aaral. Napapansin ng kaniyang ina na gabi na iyo umuwi nung una ay alas sais palang ng gabi ay nandoon na siya ngunit ngayon ay alas otso na ng gabi ay wala parin siya. Lagi siyang hinihintay ng kaniyang ina. Nang nagkaharap silang dalawa ay tinanong na niya ang kaniyang anak. "Anak, mukang napapagabi ka sa pag-uwi mo nag-aalala ako sayo. Sa susunod huwag mo nang gawin iyon, pag uwian na, umuwi na" bahagyang napataas ang boses niya.
Napataas ang kilay ng kaniyang anak. "Ma. Hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko." Kumunot ang noo ng kaniyang ina. "Grace. Hindi naman ang pag-aaral mo ang tinatanong ko. Ang inaasal mo ano bang nangyayari sayo?" Pagtatanong ng kaniyang ina. "Ma. Pagod ako pwede po ba magpahinga na tayo?" Papaalis na si grace ng hinaakan ng kaniyang ina ang kaniyang braso. At iwinaksi ito ni grace, dahil sa pagkagulat ng kaniyang ina ay nasampal niya ito.
Nagulat si grace dahil ito ang unang pagkakaton sa sinampal siya ng kaniyang ina. "Bastos ka! Anak lang kita! Kaya wala kang karapatan na sagut-sagutin ako!" Sumagot si Grace. "Oo! Anak niyo lang ako, pero pinagkakait niyo sakin yung gusto kong maranasan sa buhay." At
tuluyan ng naglandas ang luha sa kaniyang mga mata. At umalis siya.*****
Sana magustuhan ninyo.
Vote!vote!vote!
BINABASA MO ANG
A Mothers Love (short story about mother and daughter)
Historia Corta***** A story about a mother and her daughter. Sa mundong walang perpekto. Ang pag-ibig ng Dios ang siyang perpekto sapag walang siyang pinipili mapa may itsura man o wala. Sa istoryang ito matutunghayan natin ang pagmamahal ng isang ina sa kany...