Inatid ako ni Jerico hanggang sa room namin, sa kabilang room lang din naman siya. Nung pagpasok ko sa room nagtinginan sakin lahat ng mga kaklase ko, na awkward tuloy ako. Haler, bat kaya sila nakatingin sakin. Hay nako.
Pagupo ko, nakita ko pang nasa harapan ng pintuhan si Jerico at nag bye siya sakin at nginitian ako. Omg, biglang namula yung pisngi ko. Kinilig ako bigla. Ang gwapo kasi niya ^„^
"Hoy Joanna! Buti kasama mo si Jerico ha? Ikaw ha sis. May sinisikreto kana yata sakin. Nakakatampo naman :(" sabi sakin ni Chandria sabay hampas sa kamay ko.
"Wala no sis! Nagkita lang kami dun sa likod ng school nung napalabas ako kanina ni Mam." Sagot ko naman sakanya.
"Asus, bat ka niya hinatid pa dito at may pa bye pa siyang nalalaman. Ikaw ha!" kantyaw niya sakin.
"Okay class! Maguumpisa na tayo, magayos na kayo." Sigaw ni Mr. Cruz next subject namin.
"Yan maguumpisa na tayo sis, tigilan mo na yan baka mapalabas nanaman ako." Sabi ko sakanya
"Oo na, basta mamayang paglabas magkwento ka ha? Haba ng hair mo siszum!" Pangungulit parin ni chandria.
"Ewan ko sayo! Hahah" sagot ko.
"Ms. Joanna and Ms. Chandria, please keep quiet!" sigaw samin ni Mr. Cruz, napalakas yata usapan namin. ang kulit kasi ni chandria eh.
Hays, sawakas labasan na. Ginutom ako sa puro discussion na yun. Uwing uwi nako, kaso maglalakad pa kami ni Anne neto. Hay naku, puntahan ko na nga siya.
Habang naglalakad ako, may biglang tumawag sakin.
"Hi Joanna!"
Ay peste! Sino kaya yung tumawag sakin, ako ba tinatawag niya? Paglingon ko, nakita ko si Jerico at nakangiti. Omg, ako ba talaga tinatawag niya. Baka pag lumapit ako tapos di naman pala ako tinatawag niya. Kaya di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Hey, joanna! Wait!" Tumakbo siya palapit saakin.
Omg, ako nga talaga tinatawag niya.
"Oh, nandyan ka pala Jerico." Sabi ko sakanya.
"Kanina pa nga kita tinatawag eh, di mo man ako pinapansin." Sagot niya at bigla siyang nag pout.
Tao ba to? Nasa langit na ba ako? Oh gosh, ang cute niya. That smile though! (^^,)
"Sorry ha? Akala ko kasi di ako tinatawag mo, kaya di kita pinansin. Baka kasi iba pala tinatawag mo, tapos lalapit ako mapapahiya lang ako." Paliwanag ko.
"No, ikaw tinatawag ko. But anw, san ka niyan pupunta? Pauwi kana ba?" Tanong niya.
"Ahh, pupuntahan ko pa yung kapatid ko sa kabilang school. Sabay kasi kami." Sagot ko.
"Oh i see." Sagot niya.
"Oh, ayan na pala kapatid. Sige, Jerico mauna na kami ha." Paalam mo sakanya at lumapit na ko kay Anne.
"Oh wait, joanna. Tara, sabay na kayo." Tumakbo siya papunta samin.
"Ay, wag na. Nakakahiya naman. Maglalakad na lang kami, sanay naman kaming maglakad pauwi." Sagot ko.
"No, okay lang. Tara, nandun yung sasakyan namin at yung driver." Sagot niya.
"Sige na nga, pero nakakahiya." Sabi ko sakanya.
"Wag ka na mahiya." At nagsmile nnaman siya.
Oh no, yung smile nanaman niya. Nakakatunaw, di ko mapigilan ang kilig.
"Oy ate! Ayun na daw yung sasakyan oh, bilisan na natin maglakad. Natunganga ka dyan bigla." Pagyugyog sakin ni Anne, at nagising naman ako bigla.
"Ay letse! Oo na, kailangan pa talagang iyugyog. Tss" sabi ko sakanya habang padabog na naglakad.
"Oh, eto na yung car. Pasok na kayo." Sabi ni Jerico, at pinagbuksan pa kami ng pinto ng sasakyan. At pumasok na din siya.
Nagulat ako ng biglang nakita ko yung driver niya. Omg, si tatay, kina Jerico pala siya nag ttrabaho. Ngayon ko lang nalaman.
"Oh tay, ikaw pala yan. Kina Jerico ka pala nagtatrabaho?" Sabi ko, At nagmano ako sakanya.
"Oh mga anak, kilala niyo si Sir?" Sagot ni tatay.
"Opo tay, schoolmate ko siya." Sagot ko naman.
"Anak niyo po pala si Joanna manong?" Tanong ni Jerico.
"Oo sir. Anak ko silang dalawa, si Joanna ang panganay ko, at si Anne nga pala." Sagot ng tatay ko.
"Ahh i see. Tara na po manong, atid napo natin sila sainyo." Sabi naman ni Jerico.
"Sir eto na po bahay namin, gusto niyo po ba pumasok muna?" Tanong ng tatay ni Joanna.
"Sige po manong. Bago tayo umuwi." Sagot naman ni Jerico.
"Joanna, pagtimpla mo muna ng juice si Sir at sabihin mo sa nanay mo na maglabas din siya ng kalamay para naman matikman ni Sir mga gawa niyo. :)" utos ni tatay sakin.
"Opo tay, sabihan ko nalang si nanay." Sagot ko at dali dali akong pumasok ng bahay.
"Tara na po Sir pasok na tayo, pag pasensyahan niyo na bahay namin. Maliit lang." paganayaya ng tatay ko.
"Ok lang yun Manong, ang linis nga ng bahay niyo eh. At makulay pa." Sagot naman ni Jerico habang tinignan ang paligid ng bahay namin.
Tinitignan niya mga litrato namin na nakadisplay sa sala, at yung mga litrato namin na nakasabit sa pader. Nahiya tuloy ako bigla, dahil may mga litrato ako doon nung maliit pa ko. Hays kakahiya tuloy. Pero infairness cute naman ako noon chaaar!! Nakita ko siya na nakangiti habang tinitignan ang mga ito. Kaya nung nakita ko siya, bigla ko na siyang inanyayahan na kumain para wag niya na tignan mga litrato hahaha.
"Jerico uminom ka muna ng juice." Sabi ko sakanya, at nilapag na din ni nanay yung mga kalamay.
"Salamat po." Sabi ni Jerico.
"Kayo po pala yung amo ng asawa ko, buti at nakapasyal po kayo sa munti naming bahay." Sabi ni nanay kay jerico.
"Opo, kaskwela ko din po si Joanna. Di ko naman po alam na si Manong pala yung tatay niya. Nagulat nga po ako hahaha." Sagot ni jerico, habang baagyang tumawa.
"Ay ganun po ba. Sige tikman niyo po mga gawa naming kalamay." Sabi ni nanay.
"Hmmm.. totoo nga po pala yung sinabi ni Joanna na masarap po mga kalamay na gawa niyo." Sabi ni Jerico habang panay kagat niya sa kalamay.
"Ay salamat po Sir. Sige po kain lang po kayo ng kain. Bigyan na din kita ng maiuuwi mo Sir." Sabi ni nanay at pumunta sa kusina para kumuha pa ng mga kalamay at ibinalot.
"Ay wag na po,nakakahiya naman po. Bibilhin ko nalang po ito nay." sagot ni jericona halatang nahihiya.
"Hindi Jerico, tanggapin mo na yan. Pasasalamat namin dahil inatid mo kami pauwi." Sabi ko naman at inabot yung balot ng kalamay.
"Ay sige po maraming salamat po ha? Sige po, mauna na po ako baka gabihin pa po ako. Salamat po dito sa pagkain." Pagpapaalam ni Jerico.
"Sige po, magiingat po kayo sa paguwi ha? hahatid ka din pala ng asawa ko." Sabi ni nanay sakanya.
At hinatid na namin si Jerico sa labas. di ako makapaniwala na siya pala amo niya. Liit talaga ng mundo hayss. Di din ako makapaniwala na pumunta din sa bahay si Jerico, omg! Hahaha close na ba kame? Kinuha niya pa # ko. Sana magtext na siya hahhah. Chosss!! Stop Joanna! Stop, ano nanaman pInagiisio mo eh. Wag ka nga mag assume!! Hay nako. Di mo siya kalevel ano ka ba!!
-----
Sorry for super late upload guys, busy kasi eh. Ngayon lang ako sinipag ng magupdate. Sorry medyo nakalimutan ko na mga ibang ganap, kaya pagpasensyahan niyo nalang po tong chapter na to. Hehe thanks for rea
![](https://img.wattpad.com/cover/32187241-288-k87290.jpg)
BINABASA MO ANG
Classmate slash Sexmate
RandomHello readers! Try to read my stories! :) Im trying to make stories just to entertain you. Hope you like it! :) Sorry kung may mali man sa grammar o sa magulo mga scenes. Bago palang ako eh. Hahaha Sorry sa ibang nga scenes ha? Medyo RSPG. Thank yo...