Chapter 1

22 0 0
                                    


"The equivalent of the sin .7824 and the cosin of the 2.315 is..."

Kulang nalang ay humikab ang mga estudyante ngunit, syempre ay hindi nila pwedeng gawin iyon. Patuloy ang klase ng Algorithm. Most of the girls are pretending to be listening, kahit pa ang totoo ay inip na inip na sila sa kamay ng oras.

"Hindi naman kasi kailangan sa buhay ang Mathematics, nakakainis."

Mahinang bulong ni Lei sa kaibigang si Stella na nakatingin sa guro ngunit malayo ang lipad ng isip. Ang teacher nila ay nasa late fifties na at mukang kahit tulog ay saulado ang pasikot-sikot ng mga nakakahilong numero.

"Stella, stand-up." Lahat ay napasinghap sa biglang tawag ng teacher ng pangalan. Ang tinawag ay namutla at slow motion na tumayo.

"Mind to explain where did I get -.917?" tanong nito sabay ayos ng suot na makapal na salamin.

Napalunok si Stella at tila humihingi ng tulong na sumulyap sa katabing si Lei na napangiwi lang sa kanya.

"Stella, I'm asking you." Malamig sa susog ng guro.

"Ah...Ahm mam, kase po...hindi ko po talaga maintindihan ang rules ng sin at cosin."

Matagal na katahimikan. Napigil ng mga estudyante ang pag-hinga at hinintay ang parusa ng teacher na extended class. Muli nitong inayos ang suot na salamin.

"I'm going to extend your class with me for 20 mins, if no one can explain me how did I get -.917."

Mariing sabi ng teacher at saka muling iginala ang mata sa mga estudyanteng nakaupo.

"Mam."

Tila iisang tao na lumingon ang lahat ng ulo sa bandang hulihan ng klase. Sa nagtaas ng kamay. Agad na umaliwalas ang muka ng guro. Ang dalagita ay may payating pangangatawan, higit na maputla kesa maputing balat at may aura na nerd kahit wala itong suot na salamin. Nakapusod ang buhok nito sa likod at ang tanging suot na alahas ay ang maliit na hikaw sa kanyang tainga. Ang mga mata nitong bilugan ay lutang na lutang sa maliit na hugis ng muka at maninipis na labi.

"Of course, France. Mind going here in front?"

Tumayo ang tinawag na France at lumakad papuntang unahan.

"Mayabang!" Mariing bulong ng isa sa mga kaklaseng nadaanan nya. Ang iba ay nagsipag-ikot ng eyeballs.

Agad na nakapag-senyasan si Lei at Stella. Pagdaan ni France sa tapat nila ay pasimpleng tinabig ng paa ni Lei ang lunch box nya papunta sa daan na sya namang naapakan ni France. In one swift motion ay nadulas si France at nagsemplang sa sahig, kasama ng nagkalat na kanin at ulam mula sa lunch box.

Natahimik ang buong klase, bago ay umugong ang malakas na tawanan.

***

"Class, saang bansa galing ang mga taong may tama sa utak?"

"Sa France!!!" Sigaw iyon ni Lei sabay hagalpak ng tawa.

"E ano ang tawag sa kaklase mong may tama sa utak?"

Si Stella, nasa unahan at hawak ang stick ng guro at nagkukunyaring teacher.

"Stella, baka ano ang pangalan, hindi ano ang tawag!"

Pagtatama ng isa pa nilang kaklase sabay sulyap sa dako ni France na tila walang pakialam sa mga pang-aasar nila. Tahimik itong kumakain ng baon na sandwich dahil break time nila noon. Wala pang isang lingo mula noong maparusahan ang buong klase ng retention dahil sa ginawa ni Lei at Stella kay France ngunit heto na naman ang dalawa, ang masaklap pa ay nakiki-ride lang ang mga kaklase nila.

France Lee: Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon