Naglalakad ako palayo ng bahay at medyo malayo-layo pa ang pupuntahan ko kaya kumakagat ako ngayon ng mansanas.
Ako nga pala si Chionna Lu,labindalawang taong gulang,lolo ko lang ang kasama ko simula ng isinilang ako,dahil namatay daw ang mama ko sa panganganak sa akin at ang papa ko naman ay iniwan kami ni mama nung nasa sinapupunan pa niya ako..
5 hour later
Madilim na ng marating ko ang dulo ng ilog na tinatawag na Leus River..
Pumunta ako dito upang makakuha ng dahon ng bulaklak na dito lamang nabubuhay sa gitna ng ilog ang bulaklak na Frelles..
Habang papalapit na ako sa puno ng narra ay nagsimula ng umambon,mabilis akong lumusong sa tubig upang makuha ang dahon ng Frelles dahil kailangan ito ng lolo...
Nang sa may bandang leeg ko na ang tubig ay lumangoy ako papunta sa gitna kung saan ang kinalalagyan ng bulaklak na frelles,dahan-dahan akong lumangoy upang hindi mawala ang bulaklak..
Flashback
"Apo,kapag nakalapit kana sa bulaklak wag na wag mo itong sasagiin o hahawakan agad dahil dalawa lang ang maaaring mangyari maglslaho ito o pupulupot ito sayo at maaari mo itong ikamatay..tandaan mo yan"paalala ni lolo bago ako lumabas,ng bahay
"Opo lo,masusunod po.."magalang kung sagot bago isinara ang pinto
Meanwhile
Lumangoy ako ng dahan-dahan at kumuha ng maraming hangin papunta sa aking baga at bumwelo ako ng langoy papunta sa bulaklak,sa kabutihang palad nagtagumpay naman ako,nakakuha ako ng limang dahon ng bulaklak ng frelles bago ito naglaho..
Humiga ako sa bermuda upang makapagpahinga sandali dahil nangangalay ang aking hita at braso,inabot ako ng mga humigit kumulang 10 minuto na nakahiga sa damuhan..
Napagpasyahan ko ng umuwi pagkatapos kong magpahinga ng sa ganun mainom na ni lolo ang gamot sa sakit na dinaranas niya ngayon,
"Lo,andito na po ako!"sigaw ko mula sa labas
"Hmm,nakakapagtaka bakit nakapatay ang ilaw?di naman nakakatayo di lolo at ang ilaw naman ay nasa may kusina nakalagay,baka siguro naubos na ang gas nito..."kahit nagtataka ay di na ako nagdalawang isip na pumasok
"Lo-............."
Tumakbo ako sa labas ng bahay at sinuri ang paligid kung may tao ba ngunit wala naman akong maramdaman na kilos ng tao,hangin at mga hayop lamang ang naririnig ko..
"Lo!!!!!asan kana po??!!"ang lolo!! wala sa bahay imposibleng umalis siya,di siya nakakapaglakad dahil pilay na ang mga paa niya..
-------------
Inabot ako ng umaga kakalakad-takbo para lang mahanap ang lolo,naikyak akong napaupo sa sanga ng Terra Tree,isa itong mababang uri ng puno sa gumagabang sa lupa ang mga sanga at mayayabong ang mga dahon..Sumagi sa isip ko ang dahon ng frelles,dinukot ko sa bulsa ng aking maong na pantalon ang dahon ngunit nagtataka ako,imbis na dahon ang hinahawakan ko ay isang dyamante ito na kulay asul at kumikinang ito dahil sa sikat ng araw na tumatama dito..
"S-san naman galing toh?"takang tanong ko sa sarili ko..
Di ko lubos maisip na nawawala sng lolo at ang dahon naman ng frelles ay naging dyamanteng asul..sa isip-isip ko'y isa itong kalokohan,na isa itong bangungot at kailangan ko ng gumising,ngunit hindi! Hindi ito isang bangungot dahil totoong nangyayari ito,ngayon mismo!sa sarili ko.
---------
Naalimpungatan ako ng dahil sa lakas ng hangin na dumadampi sa katawan ko,nakaidlip pala ako at ngayon gabi na andito pa ako sa gubat na to,mukhang may bagyong paparating dahil malakas ang hangin at medyo malamig ito..Tumakbo ako pauwi sa bahay,ngunit dahil bumuhos na ang ulan napagpasyahan kong rumito muna sa ilalim ng Terra tree at sisimulan kong magmasid sa paligid baka makahanap ako ng kweba o mas malaking puno na malapit dito upang hindi ako mabasa ng ulan at ginawin sa lamig ng hangin..
May nakita akong kweba malapit sa puno ng saging,kaya sumuong na ako sa ulan upang mapuntahan ito tutal medyo basa na din naman ako,
Narating ko ang kweba ngunit basang-basa ako at dahan-dahan ko ng nararamdaman ang ginaw..
Nilabas ko ang itak na dala-dala ko at pinutol ko ang puno ng saging,kinuha ko ang hinog na bunga nito upang panghapunan at pumutol na rin ako ng tatlong tangkay ng malalapad na dahon nito upang pangtakip sa butas ng kweba..
Umaga na ng magising ako,may araw na ngunit halata sa psligid na dinaanan ng bagyo dahil naputol ang ibang puno ng saging at kung saan saang direksyon na nakahandusay ang mga sanga ng malalaking puno sa paligid...
Napagpasyahan kong umuwi na ng bahay,nagbabasakali kase akong naroon na ang lolo ko..
~~~~~~~~~~~~~~
Guys thanks sa Pagbabasa
Kindly Vote and leave commentsXoxo
SeductressAngel
BINABASA MO ANG
MONROE ISLAND
FantasyI was a normal girl before living in the small nipa hut with my grandfather Ellion Lu.. But my simple life ruined when the Green Moon came.. The Vuestellus of MONROE ISLAND!! It arrives! it means the mystery begans Can i deal with it and continue...