Chapter 2

27 2 0
                                    

One week later

Isang linggo,pitong araw ko ng hinahanap si lolo at pitong araw ko na ding nararamdaman ang lungkot at pangamba baka napano na ang lolo...

Imposibleng may kumuha sa kanya,
O di kaya......

Hindi!! hindi pwede!

Di nila pwedeng gamitin ang lolo upang... upang..

Naku po!

Panginoong makapangyarihan sa lahat,protektahan niyo po ang lolo,bigyan niyo po ako ng senyales na nasa mabuting kalagayan si lolo...

Humangin ng malakas at ang naiisip ko ngayon ay marahil ito na ang senyales na hinihiling ko..

'Wag kang mag-alala lo,hahanapin kita magkamatayan man...'

Umuwi ako sa bahay at kumuha ng iilang damit at pagkain..wala akong pera dahil di naman uso dito sa amin kase kami lang ang naninirahan dito sa dulo ng gubat sa isla..

Iilang araw ko ng pinag-isipan na pumunta ng bayan,maaaring sila ang dumukot kay lolo dahil maaaring alam nila na ang lolo ay nagtataglay ng kakayahan sa pagkontrol ng hayop o pagpapaamo ng mga ito...

At alam ko gagamitin nila ito sa masamang paraan maaaring panakot ng mga tao o taga patay ng mga inosenteng mamamayan...

Nalaman ko ang tungkol sa bayan dahil nakwento ni lolo sa akin noong sampung taong gulang pa lamang ako...

Flashback
10 years ago

"yona,ang bayan ay isang napakadelikadong lugar na kailanman wag mong pupuntahan kahit anong mangyari,"seryosong sabi ni lolo habang naghihiwa ng mga gulay

"Bakit po lolo?"inosenteng tanong ko

"Dahil karamihan sa mga tao ng bayan ay alipin,dahil mali ang pamumuno ng mga sumasakop nito..karamihan sa kanila gagamitin ang mga kakayahang taglay ng ibang tao,"sagot niya sabay buntong hininga

"Kagaya ko,maaaring kunin nila ako at gagamitin sa kasamaan pero tandaan mo ang bagay nato apo,
'Kahit sino man ang gumamit sayo kung magtitiwala ka sa sarili mo at sa kakayahan mo hindi ka nila mapapasunod ng ganoon lamang kadali' tandaan mo yan.."pagtatapos niya sa usapan

"Opo lolo,tatandaan ko po"nakangiting sagot ko

End of flashback

Day 1

'Bahala na!'

Yan ang nasa isip ko kanina pa,
Naglalakbay ako ngayon patungo sa bayan..

Mga 5 araw ang kailangan para makarating ako sa bayan kaya tuwing hihinto at magpapahinga ako ay naghahanap din ako ng makakain sa daan...

Maghapon akong nagpatuloy sa paglalakad hindi muna ako nagpahinga dahil ang nadadaann ko ay mapuno wala pa akong nakikitang kweba o masisilungan mamayang gabi..

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad ngunit napahinto ako ng.biglaan mga ilang minuto din bago ako nakagalaw

Naririnig ko sila,mga ibon ngunit hindi sila pangkaraniwang ibon lamang,sils ang mga kinatatakutang ibon sa lugar na ito ang mga Crucus..

Maliliksi silang kumilos,daig pa nila ang mga taong may kakayahang kumilos ng mabilis ngunit di ako nagpatinag mabilis kong hinablot ang dalawa kong double sided knife,

Pinakiramdaman ko ang bawat kilos nila,ang tulin ng lipad at bilis ng galaw masyado silang mabilis kaya madaplisan ako ng isa sa mukha,

Nagngit-ngit ang mga ngipin ko sa hapdi ng sugat kaya mabilis akong kumilos at dahan-dahan naman silang sumugod sa akin,marami-rami na rin ang napatay ko kaya kunti na lang ang natitira,

Nagpatuloy sila sa pagsugod at marami-rami din akong sugat dahil sa matutulis na tuka at mahahabang kuko nito..

Pinunit ko ang aking suot na shoul at itinali sa sugatan kong braso napansin ko ring pati ang aking sando na itim ay napunit ng kaunti kaya kita ng kunti ang kalahati ng dibdib ko..

'Ang dyamanteng asul!'saisip ko

Natatandaan ko na nilagay ko pala ito sa sirang kwentas,na naiwan ng aking ina para sa akin,

Flash Back

Napansin ko ang butas ng kwentas na mukhang may kulang na kung ano kaya sinubukan kong ipasok sa butas ang dyamante at sakto namang pumasok ito,atleast safe ito at hindi mawawala dahil ang kwentas na ito ay di ko kailanman hinuhubad..

END OF FlashBack

Pinakikiramdaman ko ang paligid ngunit nagtataka ako..

'bakit nakatutok silang lahat sa kwentas ko?' Tanong ko sa sarili

Nagtataka man ay nagpapasalamat narin ako dahil dahan-dahang nagsialisan ang mga ito...

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at kung sinuswerte ka nga naman may nakita akong lumang bahay sa di kalayuan,medyo bulok na itong tingnan dahil butas na ang atip at ang ding-ding nito na yari sa kahoy..

Pumasok sko sa loob,wala itong niisang gamit na naiwan at mukhang sobrang tagal na nitong iniwan ng may-ari dahil madami ng bulok na dahon at mga cabwebs sa loob,
Naisipan kong dito nalang magpalipas,ng gabi tutal malapit nang dumilim ang paligid,Inaantok akong napasandal sa may sulok dahil medyo madilim dito at di ako kita kung sakaling may tao man..

~~~~~~~~~~~~~~~~
Guys,pampagood vibes naman jan oh...hehe

Malungkot si otor
Haha Enjoy Reading!

Love

SeductressAngel

MONROE ISLANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon