Prologue

19 1 0
                                    



"Ano ba! Umuwi ka na at bukas pupunta diyan ang Papa mo para kausapin ang dean ng eskwelahan na 'yan. Wag ka ngang magpadalos dalos sa pagdedesisyon, itatapon mo lang ang perang ibinayad natin diyan." Naiinis na sabi sa akin ni Mama nang tumawag siya. Nandito kasi ako ngayon sa Stringshire College para asikasuhin ang documents ko para makaalis sa school na 'to. 


"Ano? Anong sabi? Napagalitan ka ba? Itutuloy mo rin ang pag alis dito kahit na hindi na mababalik 'yung down payment mo?" Tanong sa akin Danielle na kapwa ko rin student dito. Nakilala ko sya dahil kapatid siya ng classmate ng kapatid ko at sabi ng kapatid ko, nalaman niya raw na dito rin mag-aaral si Danielle kaya mas mabuti daw kung sumabay nalang kami sa isa't isa, hindi rin naman naging mahirap sa akin kasi mabait sya at palasalita. Katulad ko rin siyang gustong umalis sa school na ito. Sabi niya gusto niya raw bumalik sa dating school niya. Hindi niya raw kasi gusto ang mga tao dito, hindi raw approachable at naimpluwensyahan lang daw sya sa favorite author niya na si Paulo Coelho na kumuha ng course na Bachelor of Science in Psychology na mismong course ko rin. 


"Oo eh pero bahala na, ayaw ko na rito. Hindi na ako babalik dito." sabi ko na desido na. Sa totoo lang, ayaw ko talaga dito kasi hindi ako makasabay sa mga classmates ko. Alam mo 'yung pakiramdam na hindi ka komportable like you're not belong in this place, na kahit anong gawin mo hindi mo talaga gustong manatili dito. Napilitan lang naman kasi ako dahil sa syudad na 'to, itong skwelahan lang na 'to ang may kursong Psychology na kaya sa budget ng pag-aaral ko. Pero ngayon kakalimutan ko nalang ang kursong ito dahil sa totoo lang ayaw ko sa eskwelahang 'to. Kapag ayaw ko kasi, gagawa talaga ako ng paraan para makawala.


"Anong plano mo? San mo gustong mag transfer? Kasi babalik ako ng STC! Babalik talaga ako doon. Doon ka nalang din! Sige na! Kasi diba 'yon naman ang second option mo? Tsaka doon rin naman nag-aral 'yong mga kapatid mo diba?" sabi ni Danielle habang niyuyugyog ang kamay ko. 


"Oo nga pero paano ko sasabihin kay Mama? Sabi pa naman niya wag daw muna akong mag desisyon kasi pupunta nalang daw dito si Papa bukas." sabi ko kay Danielle na biglang naging malungkot 'yung ekspresyon sa mukha. Sa totoo lang, gusto ko na talagang umalis dito. Gustong gusto!Bahala na kung pagalitan ako ng buong araw basta maka alis ako dito!


"Yun nga rin ang problema ko eh kasi sabi ni Papa, hindi na raw niya ako bibigyan ng pera pang enroll sa lilipatan kong school. Pero may mahihirman na kasi ako eh tsaka sa susunod ko nalang iisipan paano ako makakabayad dun." 

"Eh kasi naman. Bahala na kasi! Halika ka na! Bawiin na natin 'yung documents natin para makaalis dito!" sabi ko kay Danielle sabay higit sa braso niya papuntang registrar.


Pagkatapos ng isang oras na paghihintay, sa wakas nakuha rin namin 'yung documents na kailangan para maka enroll sa ibang school. Nagpaalam na ako kay Danielle na uuwi at ganoon din naman ang ginawa niya. 

Habang nasa byahe ako, iniisip ko ano kaya ang matatanggap ko na sermon nila Mama? Sigurado akong pagagalitan talaga ako 'nun kasi naman nasayang lang 'yung perang ibinayad namin. Ang sama ko talaga, ang tigas tigas ng ulo.



Pagdating ko sa bahay, galit din ang Kuya ko kasi nga raw parang tinapon ko lang daw 'yung perang ginamit pambayad. Kinakabahan pa ako nun kasi baka hindi na ako pag aaralin. Laking gulat ko nalang ng sabihin ng Kuya ko na sasamahan niya daw ako bukas sa STC para makapag enroll. Sinabi ko kasing sa STC ko gustong lumipat at kumuha ng Information Technology. Isa kasi ang kursong 'yun sa mga gusto ko. 


Kinabukasan maaga kaming pumunta ni Kuya Slaine sa STC para makapag enroll ako. Habang nagsusulat ako sa enrollment form, dumating si Danielle kasama ang Papa niya. 

"Uyyy Jase! Ano na? enrolled? Congrats! School mate tayo!" sabi niya habang pinipigilan ang ngiti, naiilang siguro siya kasi nandito 'yung Kuya ko at Papa niya. 

"Oh may kilala ka na dito. Business nalang kaya ang kunin mo? Or Accountancy?" Tanong ni kuya habang nakayuko sa cellphone niya.

"I.T lang akin ya" Mahinang sagot ko


"Jase! CS ka nalang para parehas tayo!" biglang sabi ni Danielle na masyadong malakas para marinig ko.

"CS? Computer Science?" Paninigurado kong tanong sa kanya

"Oo kasi naman computer field rin naman tsaka mas okay 'yun. Mas mataas pa nga 'yun sa I.T eh. Diba Kuya CS graduate ka rin naman?" tanong ni Danielle sa kapatid ko.

"Oo mahirap lang kasi pero kung kaya mo. Nasa sa'yo 'yan" sabi naman sa akin ni Kuya. Marami pang sinabi sa akin si Danielle tungkol sa pagiging I.T at CS hanggang sa nakumbinsi niya akong kunin ang kursong Bachelor of Science in Computer Science.

Natapos na namin lahat maliban ang pinakahuling gagawin, ang pagbabayad ng tuition fee. Pumunta kami ni Kuya Slaine sa may cashier para magbayad. Nasa mga upuan lang ako, sa may tapat ng cashier window at hinayaan si Kuya na magbayad. Pagkatapos niyang magbigay ng pera inutusan niya akong hintayin ang resibo at schedule ko. May pupuntahan lang daw kasi siya sandali.

Habang tumatayo ako at naghihintay, nadako ang paningin ko sa katabi kong naghihintay rin ata ng schedule niya. Nang humarap sya natahimik ako kasi ang gwapo niya! 'Yung mga singkit niyang mga mata na bumagay sa maputing kulay ng balat niya. 'Yung hugis ng mukha niyang parang isang bida sa koreanovela. Hindi sya katangkaran pero 'yung mukha niya sapat na sapat na para mapansin siya. Biglang siyang ngumiti sa akin at bigla rin akong ngumiti sa kanya! Ang ganda niyang ngumiti! Bakit siya ngumiti sa akin?! Iniwas ko agad ang tingin ko ng biglang tinawag ako ng cashier para ibigay ang schedule at resibo ko. Biglang dumating si kuya at tumingin sa lalakeng katabi ko.

"Uyyy Kent! Kamusta na? Kaya pa?" Tanong ni kuya sa lalakeng ngumiti sa akin kanina. Magkakilala sila? Small world! Bumalik na agad ako sa upuan kasi nahihiya rin naman akong makinig sa usapan nila. Ano kayang pangalan ng lalakeng 'yun? Di bale sigurado namang friends sila ni kuya sa facebook kaya I'm sure malalaman ko rin ang pangalan niya. 


Natapos ang araw na enrolled na ako sa STC at bukas na ako papasok. Sa wakas! Okay na! Sana magustuhan ko 'tung pinasukan ko. Nagpaalam na ako kay kuya na uuwi kasi naman magpapaiwan pa daw sya. Magkikita siguro sila ng girlfriend niya. Nagpaalam na rin ako at umuwing nakangiting aso. Syempre naman! Enrolled na ako't may crush na naman ako! Natatawa nalang ako sa sarili ko.

Kinakabahan ako para bukas kasi naman nagsimula na 'yung pasukan sa STC nung Monday at Wednesday na bukas so ibig sabihin nun magkakakilala na siguro ang mga magiging classmates ko. Ano kayang mangyayari sa first day of class ko?

RMBDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon