Dumaan ang isang linggo na ganoon pa rin ang nangyayari, pagkatapos ng klase uwi agad. Wala rin naman akong kakilala sa mga classmates ko. Napag alaman ko rin na doon rin pala nag aaral 'yong kaklase ko nung high school na isa kong matalik na kaibigan na si Aaron. I.T sya, ako naman CS. Siguro kung nag I.T ako posibleng maging magkaklase kami. Eh di sana may kasama ako ngayon dito. Pag uwi ko sa bahay, nagbihis at dumiritso na agad ako sa personal computer namin para mag facebook. Mag iistalk ako ng mga kaklase ko, nung isang araw may nag add sa akin eh. Edgar Calyo, nang pinuntahan ko ang timeline niya, yung kaklase ko palang medyo mataba at pandak. 'Yung profile picture niya ay reflection niya sa salamin habang hinahawakan 'yung cellphone niya sa harapan. Pagkakataon ko na rin 'yon. I'm sure, friends na rin sila ng ibang kaklase namin kaya nag stalk nga ako.
Habang nag so-scroll ako sa profile niya, nakita kong may pictures sila nung mga kaklase namin. Sya, 'yung ibang lalakeng classmates namin at tsaka 'yung babaeng classmate namin na parang snob. Iniisa isa kong tiningnan 'yung mga names na naka tag sa picture. Rish Sanga, Nekky Manla, Paolo Rino, Loiue Anheta, Lexis Rotte at Jane Palan. Close na agad sila? tsaka Jane Palan huh, one of the boys? Ha! If I know baka trying hard to be one of the boys? I know i'm being too judgmental, who cares? We have different opinion right?
In the end, niisa sa kanila hindi ko in-add. Ewan ko rin, ako kong isipin nila na feeling close ako. Bakit ko naman gustong maging close sa kanila, sa tingin ko namay hindi ko makakasundo ang mga 'to.
Pangalawang linggo ko na rito sa STC pero wala pa ring progress when it comes to having a friend, even one. Kapag may meeting nga ang freshmen, wala akong kasabay kaya nga kay Aaron nalang ako sumasabay eh. One time nang paakyat kami ni Aaron sa second floor, nagkasalubong kami ni Seth, 'yung seatwork partner ko. Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Nakita niya si Aaron na kasama ko tapos tinuturo niya ito gamit ang nguso niya, 'yong parang nanunukso. Wow ha, malisyoso tsaka feeling niya close na kami para tuksuhin niya ako? Seriously? Close your ass.
Wednesday ngayon at may P.E kami. Heto na naman ang ayaw ko eh, may lunch break ngayon tapos wala akong kasabay kumain eh. Saan ako kakain nito? Wala akong kasama. Bwesit naman eh. Last period namin ngayon which is ComArt1, katabi ko si Seth ngayon sa kaliwa. Sa kanan naman ay isang babae na naka kulay dark salmon na blouse at jeans naman sa pangbaba. Katabi niya ay hindi ako sure kung straight na lalake, he's like gay. Naka checkered polo shirt sya tapos maroon na jeans. Hindi ko pa kilala silang dalawa eh.
"Computer Science ang course mo? Nagtanong kasi ako kanina sa iba't halos ACT sila. Ang konti lang siguro ng CS" tanong ko sa babaeng katabi ko, akala ko kasi mga CS students lang ang magiging classmates ko, pati rin pala Associate in Computer Technology. 'Yung kursong parang I.T at CS rin pero two years lang. May kaklase rin nga akong irregular eh.
Nilingon ako nung babae pagkatapos kong magtanong. May kabilugan ang mukha niyang walang kolorete at may nunal sya sa labi. Morena at hanggang baywang ang maitim at manipis niyang buhok na nasa kaliwang parte ng balikat niya.
"Oo, marami naman yatang CS hindi lang natin alam. Siya CS rin naman" sagot niya na hindi tumitingin sa akin sabay turo sa lalakeng katabi niya. Eh hindi ko naman kilala 'yong katabi niya, eh di lalake na nga.
"Ah, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya, 'yung atensyon niya nasa harapan.
"Trisha" sagot naman niya, hindi ko gusto ang pagsagot niya sa mga tanong ko kasi hindi siya tumitingin sa mukha ko. Parang ayaw akong kausap ah, feeling! Okay I know na may teacher sa harapan pero kailangan bang hindi tingnan sa mukha ang kumakausap sayo? Hello? Diba parang ang bastos naman. Maayos naman akong nagtatanong, dapat kung sasagot sya maayos din. Hindi 'yong sumasagot at nagsasalita nga pero ang mata naman nasa harapan. Kahit ilang minuto hindi pwede manatili ang tingin mo sa akin te? Humanda ka pag ako nakaganti sayo.

BINABASA MO ANG
RMBD
Teen FictionMay mga taong dadating sa buhay mo para maging parte nito. Maaaring patatawanin ka, paiiyakin ka, pasasayahin ka, sasaktan ka at kung ano pang mga emosyong posibleng maramdan mo. Katulad ng mga kantang napakikinggan mo sa isang radyo, telebisyon o t...