Chapter 1

14 0 0
                                    


"Shit naman bakit ngayon pa." Nakakadisappoint ang traffic na 'to. First day ko at I'm sure na late na ako. 8:00 am na at 7:30 am ang first subject ko. Nakakahiya 'to!


Dumating ako sa STC at nagmamadaling pumasok sa entrance. Habang nagmamadali akong naglalakad, kinuha ko ang schedule form ko sa bag. Student Technology College ang unang nabasa ko sa taas ng form. 


Day         Time                     Subject          Room

MWF        7:30-9:30 am       Algebra          201


Umakyat ako sa 2nd floor ng school building at hinanap ang magiging classroom ko. Nang nasa pintuan na ako ng room, sinilip ko pa ang loob kung ano na ang ginagawa nila. Shit naman! Nakaupo na ang lahat at sa tingin koy nasa gitna na sila ng klase. Huminga pa ako ng malalim bago binuksan ang pintuan. 

Pag pasok ko sa loob, ang tanging tiningnan ko lang ay ang sahig at ang mukha ng teacher. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin nila sa akin.

"Good Morning Sir." Bati ko sa teacher. Nag isip pa ako kung saan ako uupo ng biglang nagsalita 'yung babaeng nasa front row. Bago ako umupo ay ibinigay ko muna ang registration form at schedule ko sa teacher. 

"Uy dito ka Miss oh!" Sabi niya sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Dumiritso naman ako doon at umupo. Tumingin ako sa whiteboard sa harapan at nakitang may mga numbers at anak ng... quiz ba yan? Quiz na ba yan? Ang malas naman, first day ko at quiz agad. Tiningnan ko agad 'yung mga babaeng  katabi ko. Silang dalawa lang 'yung naka upo dito sa front row. Nahati kasi ang classroom sa dalawang group ng mga upuan, sa kabilang front row. Kumpleto, may nakaupo lahat. Dito sa kabila, kaming tatlo lang. Ako, 'yung babaeng inalok ako ng upuan at 'yung kausap niya ngayon.

Napansin kong sumasagot talaga sila eh. Napansin ako nung babaeng umalok sa akin na tumitingin sa papel nila.

"Lynn pala tapos sya si Yen. Ikaw? Anong name mo?" sabi niya ng nakangiti sabay turo 'dun sa katabi niya. Ngumiti rin 'yung si Yen.

"Jasey" maikling sagot ko

"Uh, yung nasa board pala seatwork natin. By pair tapos sa one half crosswise ilalagay." paliwanag ni Lynn

"Ah, paano yan?" tanong ko kasi hindi ko alam paano eh. Hello? First day pa tsaka I'm not smart when it comes to numbers. 

"Ah! Madali lang yan, parang complicated lang tingnan pero madali lang yan. Ganito-" Biglang naputol ang pagsasalita niya ng biglang may tumabi sa akin na isang lalake.

"May partner ka na? Partner tayo. Isulat mo nalang ang pangalan mo dito sa papel oh tapos ako na ang sasagot." Sabi niya sa aking habang tinuturo 'yung papel.

"Ah sige" sagot ko at kinuha ang papel sa kamay na. Bago ko isinulat ang pangalan ko sa papel, binasa ko muna ang pangalan niya. 

Seth Kinnaird Angeles  

Wala na akong magagawa kasi kailangan ko rin naman ng partner, no choice. Tsaka sa situation ko, hindi ako pwedeng magsinuplada agad. Kailangan ko ng mga kaibigan, ayaw ko rin namang maging mag-isa  sa whole sem na 'to no. In order to have some allies, you should go with the flow with them. Tsaka na ako magiging prangka pag marami na akong kaibigan. That's how real world works.


Pagkatapos kong isulat ang pangalan ko, tumingin ako sa kanya at binalik ang papel. He accepted the piece of paper without bothering to look at me. Umalis na agad siya at bumalik sa likod. Tiningnan ko kung saan siya umupo. Pagkakataon na rin 'yun para mapasadahan ko ng tingin ang mga kaklase ko. Nasa 30 lang siguro ang bilang namin. 

'Yung si Lynn naman, salita ng salita sa tabi ko. Parang lahat ng kaklase ko close na niya sa lakas ng boses niya. Honestly, naiirita ako sa kanya. 'Yung kilos niya, nagpapakita ng pagiging attention seeker. Sorry ha, pero 'yun talaga ang tingin ko. 

"Jasey Rae Reyes? Kaano ano mo si Slaine Reyes?" Tanong ng teacher namin. Nabigla ako kasi kilala niya nag kuya ko.

"Kapatid Sir" Sagot ko sa sa kanya. 

"Kapatid ni Slaine" sagot naman niya habang tumatango tango.


Maagang nag dismiss si Sir at hinayaan na kaming umalis. This is what I hate 'yung may natitira pang oras bago ang next subject. Hindi naman ako excited, naiilang lang talaga ako kasi syempre wala pa akong kilala dito eh. Si Danielle kasi, 2nd year irregular na 'yun kaya hindi kami magkaklase. First year pa ako eh. Ano na ngayon? may 30 minutes pa bago magsimula ang next subject. Wala akong kakilala, napapansin ko sa mga kaklase ko parang magkakilala na talaga sila ah. Two days pa ha. Two days! pero parang close na silang lahat! Nang nakalabas na kaming lahat sa room, halos lahat ng classmates  ko bumaba, canteen daw sila. 'Yun yung narinig ko. Ako naman nanatili sa labas ng room at tiningnan ang schedule ko. Okay, room 202 na naman so katabi lang ng room na 'to. Naghintay ako sa labas ng room 202 na parang timang walang kausap. I can't imagine my face right now. Siguro parang natatae ang mukha ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaba? Awkwardness? Alone!

Pa ulit ulit kong tinitingnan ang schedule ko or phone ko. Alam niyo 'yung technique na gagamitina ng cellphone pag masyadong awkward 'yung situation? 'Yung nagpapangggap na nagtetext when in reality it's for avoiding this kind of situation.

Nang nagsawa na ako ng kakayuko, luminga linga ako. Nahagip ng paningin ko na nakatingin sa akin 'yung lalakeng partner ko kanina sa seatwork kanina. Gumanti rin ako ng tingin tapos nag iwas kaagad siya ng tingin. Ngayon ko lang napansin, naghihintay din siguro siya sa next subject. Pero hindi katulad ko, may kasama siyang classmates namin. Ano? Ba't ka tumitingin kanina? Siguro iniisip nito na nakakaawa ako kasi wala akong kasama ni isa. Ano naman ngayon? Kaya ko ang sarili ko 'no. Nakakairita. Naiinis ako sa mga tingin niyang nagtatanong at naaawa. Ayaw ko talaga ng parang kina aawaan ako, Watch me! I can get through this. 



Ang last subject ko ngayon ay Communication Arts I na nasa room 204. Ito 'yung gusto ko sa school na 'to eh. Magkakatabi lang 'yung rooms ng gagamiting ng mga first years. Dumiritso na agad ako sa room 204 ng mag 12:30 na. Pagpasapok ko palang biglang ako natigil sa lakas ng aircon, grabe ganito ba kalamig ang magiging room namin every ComArt1?! Lamig ah! 

Naghanap agad ako ng mauupuan. Inisip ko pa ngang mabuti kung saana ng magandang pwesto. Sa harap kaya? Pero nakakahiya. Kung sa likod naman, masyadong malayo. So in the end nagpasya akong sa gitna nalang umupo nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Magaling ka sa English?" Humarap ako sa nagsalita at 'yung lalake na naman na naging partner ko, si Angeles. 

"Uh, hindi." Sabi ko, kumunot ang noo niya at nanatili ang tingin niya sa akin na parang may hinihintay pang sagot ko. "Hindi ako matalino sa English pero gusto ko, favorite ko." Dugtong ko sa sagot ko kanina. Actually sabi ng mga kaibigan ko, magaling naman talaga ako sa subject na ito pero nahihiya akong sabihin. 

"Ah okay na yan. Gusto mo ang Math?" Tanong niya. 

"Hindi. I hate Math" diritsong sagot ko. Biglang siyang tumabi sa upuan ko.

"Sige magtulungan tayo. Ikaw sa English at ako naman sa Math." sabi niya sa akin. Ah, so this guy's good in Math huh. Seriously medyo hambog sya, parang nag self-proclaimed na matalino sya sa Math. Bakit napatunayan mo na ba? 


Nagsimula ang klase at napuno ang room ng tawanan dahil sa teacher namin. Honestly gusto ko ang teacher namin, mapagbiro kasi tsaka nakakarelate sa amin. Nasa mid 20's pa siguro sya. Tawa rin ako ng tawa sa mga jokes ng mga classmates ko. Finally, i feel so good in here. It's like this is the right school for me. 

RMBDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon