Jessica POV
Pag pasok ko sa kwarto ko. "Ate sino si kuya gian?"
Narinig niya yung usapan? "Ha gian? Anong sabi mo bunso?" =_=
"May narinig po kasi akung sinabi ni mama na Gian four po ba yun?" sabay parang nag-iisip
"Ikaw talagang bata ka wala yun haha! Crush lang ata yun ni mama." ginulo ko ang buhok niya at napangiti ako.
"Ate, si mama nag kaka crush din? Gwapo po ba si kuya gian?"
"Oo napaka gwapo niya... Maputi, matangos ang ilong, makinis,matangkad, basta gwapo!"
"Edi, crush mo ate?" napangiti nalang ako.
"Ang dami mong alam bunso! Tara punta tayong kusina." pumunta kaming kusina, tiningnan ko yung ref. namin at yung kaldero.
"Ate wala na tayong pagkain." biglang sumimangot yung mukha niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala sila mama at papa ngayon pagkatapos nila sabihin na ikakasal ako kay Gian ford . umalis sila, sa totoo lang crush ko si gian kaso hindi ako pumayag. Ayokong ipakakasal nila ako kay Gian dahil sa pera. Kasal kami kaso hindi niya naman ako mahal. Balewala rin
"Ate paano tayo makakakain?"
"Jessa dito ka lang ha? bibili lang si ate ng tinapay para maka kain tayo." tumango naman si jessa agad akung tumakbo papuntang tindahan. May natira pa naman akung 40 pesos, ibibili ko nalang ng limang skyflakes.
Pagdating ko sa tindahan agad sumalubong saakin si aling yena "Jessica! Kailan ba kayo magbabayad ng utang?! Aba kailangan ko na ng pera!"
"Hmm aling yena pasensya na po sasabihin ko nalang po kay mama"
"Aba dapat lang! oh eto na skyflakes!" sabay hagis ng skyflakes saakin.
Grabe naman =__= naglalakad ako papuntang bahay ng biglang "Jessica!" lumingon ako
"Manong bakit po?"
"Kailan kayo magbabayad ng bahay? kailangan na namin ng pera. Kung hindi niyo kayang magbayad kailangan nyo ng umalis."
"AH sige po sabihin ko nalang po kay mama." pagkatapos ko sabihin iyon naglakad na ako.
Pagkadating ko sa bahay.
"Ate! May nagpunta dito si manong sabi niya magbayad na daw tayo ng bahay." Sumimangot na naman ang mukha niya.
"Wag mong alalahann yan bunso tingnan mo ang tanda mo na sa kakasimangot mo! hahaha! Tara kain muna tayo." binigay ko ang skyflakes sakanya at sinimulan na naming kumain.
Pagkatapos naming kumain pinatulog ko na si jessa sa kwarto ko. Hay naku ang daming prolema.
"Anak! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ni papa
Agad naman akung tumakbo at binuksan ang pinto. Pagbukas ko, "Pa, bakit kayo umiiyak?"
"Anak..... Ang mama mo.... Nasa hospital"
Napaiyak ako ang malas malas talaga ng buhay ko kahit kailan! Wala na nga kaming pera bakit ganto pa ang ngyayari?!
Iniwan namin ang bahay pumunta kami sa hospital dinala ko ang kaunting naipon ko mga 500 ata.