Chapter 1 - Dare or Dare

40 3 1
                                    

September 1, 2013

Sunday

*kringg kring*

Minulat ko ang mata ko at kinakapa ang cellphone kung napaka ingay, ng makuha ko na " Hello?"- nag crack pa ang boses kong maganda. =__=

"I love you jessica." seryosong sabi niya 

Agad akung natabalikwas at "WALANJO IKAW NA TALAGA BRYAN! NG GISING KA NG TAO PARA LANG SA DARE NA YAN?! NAKAKAINIS NA HA! "

"Sorry jess. na blackmail lang

Napabuntong hininga ako. " Bakit kailangan sakin ka tumawag? Argh kainis talaga! Hindi na ako makakatulog nito! Psh!"

"Sorry talaga jessica."

"Pag talaga na---*tootooot*" Arghhh! naibato ko ang cellphone ko. Babaan ba naman ako ? Kinakausap ko pa naman ang loko. Humanda saakin yung dalawang babaeng baliw na kaibigan ko. =___=

*knock knock*

Shokoy,chichiron,tinapay nagutom ako! =_____= Narinig ata nila mama at papa ang pagbato ko sa cellphone ko.

"Anak jessica, gising ka pa ba?"" Imbis na sumagot ako kinuha ko yung cellphone ko. shocks! Wala na akung cellphone! Warak na talaga! Kasalanan mo ito Bryan! 

"Arghhh!" 

"Anak ano ngyari???" Pumasok si mama at papa sa kwarto ko.

Nakalimutan kong may susi sila sa kwarto ko. Ang malas ko nga naman ngayon! sana bukas wala na ito. 

"Hmm. Ma may dumaan pong pusa dito eh nadali po yung cellphone ko sa may bintana kaya ayun! Boom! nahulog! Hahaha?" SInungaling ko naman =__= Kasalanan mo 'to bryan grrr!!! I'm Gonna Kill You Tomorrow! as in IGKYT!

"Ate! baka naman binato? Wala naman kasing pusa dito sa baranggay natin diba?"  Biglang sumingit ang bunso namin na si jessa. May hawak pang walis tambo =_= talaga naman ang malas.

"Ah wala sige na po matulog na po kayo meron pa po akung pasok bukas. Jessa dito ka na matulog sa kwarto ni ate sikip na ata kila mama alam mo namang ang taba mo na haha." sabay pisil sa pisngi ng kapatid ko. 

"Sge alis na kami" sabay alis nila papa at mama

"Ate naman! Anong akala mo ikaw sexy? Ang taba kaya ng pisngi mo *pouts*" haha ang cute cute ng kapatid ko kaya kiniliti ko siya.

"Hahahahahahahahah~!!  Ate tama na! maiihi ako dito!!" Tinigil ko na ang pag kiliti ko sakanya.

"Ikaw talaga bunso, dalaga na eh iihi pa sa higaan?" 

"Ate 6 years old na nga ako eh! Kaso hindi pa rin ako nakakapag-aral. " Sumimangot ang mukha ng bunso namin. Tumingin ako sa ibang direksyon pero agad na humarap kay jessa.

"Uy bunso tulog na tayo! maaga pa si ate. Gisingin mo ako ha." Ngumiti nalang ako ng pilit. 

Hindi sumagot si jessa humiga nalang siya sa kama kong kasya kaming dalawa dahil maliit naman kami. Humiga nalang din ako at tumingin sa ulap. Makalipas ang ilang sandali nararamdaman kung inaantok na ako kaya pumikit na ako.

September 2, 2013

Monday

"ATE!!!!!!!!! 5 NA NG UMAGA! " 

I love you MisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon