3: Flashbacks

734 30 10
                                    

Third chapter ;)

- - - - - - - - - - xxxx

3: Flashbacks. //The reason behind

Duizhang’s POV. (KRIS)

“A-ano duizhang? Paki-ulit?”

Tanong ni Baekhyun sakin.

--

Back when kris is still a kid.

 

“M-mama… mama! Nasan si Wu? Bakit wala na si Wu sa tabi natin?”

Tanong ko kay mama…

 

Kanina pa umiiyak si mama, kanina nakita ko lang si Wu, pero nawala din siya tapos may nakita na lang akong abo.. Yakap yakap ko ngayon si mama, nakahiga siya dito sa may sahig ng aming bahay.

 

“Kris…  malapit ng mawala si mama… Kris, sasabihin ko na ito sayo… Sa paglipas ng panahon, hahanapin mo ang magiging kabiyak mo. Magiging kabilang ka sa EXO..”

Sabi ni mama sakin. Hindi ko maintindihan..

 

“Ang Exo ay… ang samahan ng mga wolves… na ipinapakasal sa isang mortal. Si mama isang mortal, si Wu ay isang wolf, ganun ang mga EXO. Ikaw ay pinanganak na isang wolf, Kris. Ang sabi ni Ama kay Wu, ikaw ang magbibigay direction sa mga magiging kasapi din ng EXO….. gusto ko, kapag naging EXO kana, mabutihin mo… gusto ko, mahanap mo agad ang iyong magiging kabiyak. Ang sabi ni Wu sakin, kapag hindi mo nahanap ang iyong kabiyak sa ibinigay na oras ni Ama, ay maglalaho ka nalang. Si Wu ay nawala ngayon, dahil oras na niya. Pero ang magiging mga EXO kung kailan mawawala ang kanilang kabiyak, doon lang rin sila maglalaho… Ako anak, mawawala na ako sa tabi mo, dahil faith ko to anak, nasaktan si mama anak.”

 

“Mama, pano ko mahahanap ang aking kabiyak?”

 

“Kapag bumilis ang tibok ng iyong puso, ganun din ang nangyari kay Wu ng Makita niya ako. Nakita niya ako at nalaman niyang ako ang kaniyang kabiyak dahil sa angking kagandahan ng aking ngiti. Sabi ni Wu, kapag hindi niya ako nilapitan makalipas ang labinlimang minuto, ay maglalaho na lang siya. Hawakan mo ang kanyang kamay, at damhin mo ang kaniyang prisensiya. Ganun daw ang mga wolf. Ikaw Kris, ayokong mawala ka kaagad dito sa mundong ito. Kahit na ipinanganak kang wolf, tao ka pa rin. Ang isang EXO ay nangangailangan ding pumatay ng isang tao, kapag hindi ka nakapatay, mawawala din sayo ang kabiyak mo.Kapag naka-patay ka, dapat tanggapin iyon ng magiging kabiyak, upang matanggap din siya ni Ama –ugh”

 

“M-mama! Anong nangyayari?”

Nakikita ko ang dugo sa bibig ni mama..

 

“Gusto ko lahat ng narinig mo sakin ngayon, dadalhin mo hanggang pagtanda mo. Hindi mo kakalimutan, kailanmay hindi mo aalisin sa iyong isipan…. Kris… kailangan ng umalis ni Mama, matutulog lang naman si Mama, okay lang ba?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's a wolf. (An EXO Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon