CHAPTER 10- Bakit nga ba?

90 4 0
                                    

Samantha's POV

"Dalian mo naman jan!! Ang tagal-tagal mo maglakad!"

"Dalawang cart kaya tong ginuguyod ko sinong hindi mahihirapan niyan? tsk. Lahat na lang kasi gusto mong bilhin." pagrereklamo niya. Tumingin naman ako sa kanya na nasa likod ko. nahihirapan nga siya. aww.

"Pangdesign pa lang kaya yang mga yan." sabi ko.

"What?!!" shocked niyang tanong.

"Oo. kaya bilisan mo na jan."

"tsk. Mahirap talaga maging lalaki. gagawin kang kargador ng mga babae. tss. -,-" pagpaparinig niya. Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na sa linens station. Bumibili kasi kami ngayon ng gamit sa mga kwarto namin.

"Itong may bunny akin!!! Whaaaaaa! Ang cute!!" sabi ko at kinuha yung isang set ng bed cover na color pink at may print na bunny. ^^

"Ang tanda mo na tapos yan bibilhin mo? May bunny?" pagrereklamo niya naman.

"wala kang pake! atsaka ang cute kaya ng bunny." nagustuhan ko ang bunny dahil kay lola ng looney tunes (yung yellow na bunny dun).

"Tss. Isip bata." sabi niya at kumuha nalang din ng sarili niyang bed cover. color blue na may halong white and black yung kanya. nung nakakuha na siya, hinila ko naman siya sa mga unan. kumuha ako ng eight. halo-halo. may maliliit at malalaki.

"ilulunod mo ba sarili mo sa unan? sobra ka na kung makaunan ha." pagrereklamo nanaman niya.

"duuh~!! kung magpapalunod ako didiretso na aq sa dagat noh. ayaw kong makita ng mga tao sa dyaryo: 'Samantha Montes nalunod sa unan, namatay!'. Muntanga lang?. Para mo na ring sinabi na 'kalbo, nagsuklay'. Common sense naman! Naku! *sarcasm*" pagbabara ko sa knya. napakamot na lang siya ng batok at kumuha na rin ng unan niya.

Tapos na kami magshopping ng mga gamit para sa mga kwarto namin. Tapos na rin kami sa pagg-grocery. Bumabyahe na kami ngayon pauwi ng bahay. Si Gian ang nagd-drive dahil yung sasakyan niya naman yung gamit namin. nagtataka siguro kayo kung bakit siya or should I say "kami" pwedeng magdrive eh high school pa lang kami. Answer is CONNECTION. Yeah, connection ng mga parents nmin. hindi kasi nila kami iniwanan ng driver at pati ang mga maid minsan lang pumupunta sa bahay. we should be INDEPENDENT daw kasi. Good thing is binigyan nila kami ng tig-iisang sasakyan atleast di kami mag-aagawan.

"Grabe Sam! Look at the receipts! naka 50k tayo sa department store at 5k sa grocery." pag-sesermon niya. grabe ha! para siyang babae, ang kuripot dinaig pa ako eh. >,<

"Sorry naman. Naexcite lang ako. Andami ko kasing gusto kainin. *pout*"

"Alam mo ba lutuin?"

"A-ah... E-eh... mapag-aaralan naman yan diba?" sagot ko. napa-facepalm naman siya at nagmaneho na lang.

-----------------------------

"Full- tank. Gas." sabi niya as soon as nakarating kmi sa gasoline station at tinulungan na akong maghanap ng cellphone niyang nahulog sa sahig. tss. call-call pa kasi alam ng nagddrive. tsk.

"Asan na ba kasi yun?! ang sakit na ng leeg ko kakayuko ha! feeling ko magkakastiff-neck na ako." pagrereklamo ko.

"Edi sana kung alam ko kanina ko pa sinabi diba?! wag ka na lang nga magreklamo jan. tulungan mo na lang ako." utos niya naman

"Maka-utos toh! tsk." sagot ko naman at yumuko na ulit. asan na ba kasi yun! nakasilent pa naman! urggh!

"Sir, 2734 pesos po ang bill nyo. Payment via cash or card?" singit nung gasoline boy.

"Cash" sagot niya sabay kuha ng pera sa wallet at lingon sa lalaki.

"Ayaw k---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong tinulak payuko ulit ni Gino. aray! ang sakit ha!

"Oh! ikaw pala yan Gino! May lisensya ka na pala? cool!" narinig kong sabi nung lalaki. wait. parang familiar yung boses niya.

"A-ah! Sige Bert. Ito na yung bayad oh. Aalis na kami. nagmamadali kasi kami eh." sabi niya at akmang isasarado na sana yung bintana nang magsalita nanaman si Bert. hala! patay! classmate namin yun! di niya ako pwedeng makita dito. baka maghinala pa. lagot na.

"Wait! sino yang kasama mo? uhmm. parang familiar yung shape niya." hala! lagot na talaga!!

"W-wala! k-katulong lang namin to! ang sexy noh? sige bye!" sabi ni Gino at tuluyan na ngang sinirado yung bintana.

"Hoy!!!!!!!!!! katulong ka jan!!!!!!!!!!!!! Swerte mo naman kung ako katulong mo!" bulyaw ko sa kanya. walanghiya to! ang ganda ko lang para maging katulong ng isang katulad niya.

"wag ka na ngang magreklamo jan. may pambawi naman eh. kahit labag sa kalooban ko sinabi kong sexy ka." sabi niya na may halong pang-aasar. bigla naman uminit yung mga tenga ko. urrrgh! ano ba naman Sam!!

"Che!" ako sabay iwas ng tingin. 

"Che-che ka jan! pumapalakpak na nga mga tenga mo oh! hahaha. wag mo naman masyadong ifeel yung joke ko Sam. Jan tayo nagkakaproblema eh. hahaha" sabi niya.

"LOKO!!! PANGIT MO!!!! BAKULAW!!!!!!" -ako. capslock syempre para intense. Kainis kasi tong lalaking to. Yun na yun eh! kilig vibes na sana. moment ko ng kiligin panira lang toh. wait. bakit ako kinikilig? O.O

(TANONG PARA SA MGA MAGIGITING NA READERS: Bakit nga ba? Kayo? kinilig na ba ulit kayo sa taong nanakit sa inyo?)

comment? 

vote?

A/N: sorry po sa matagal na update. busy kasi nung nakaraan. btw, thank you sa pagbasa. God bless. ^___^

Maybe This Time {OnHiatus}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon