PROLOUGE
Mahirap maging mataba...
Ikaw yung laging inaasar...
Magmimistulang breakfast, lunch, dinner na sa'yo ang mga salitang 'baboy', 'taba', 'piglet', 'çhubs', atbp kasi yun yung nilulunok mong mga pang-aasar mula umaga hanggang gabi...
Mahirap maging matakaw...
Kasi kahit anong pigil mo, hindi mo maiwasang hindi kumain kaya sira agad ang 'diet' kuno mo...
Mahirap maging tabain...
Kasi kahit gaano mo tiisin ang gutom para lang pumayat, ayaw na talagang makisama ng katawan mo at patuloy siyang lumalaki...
Mahirap magkaroon ng malaking katawan...
Kasi kahit itaob mo na yung mall baka wala ka paring makitang kasya sa'yong damit...
Mahirap mapuno ng fats...
Minsan nagmamantika ka na, na nagiging cause ng body odor kaya dagdag pang-asar nanaman yan sa'yo na dagdag bawas confidence...
In short...
Mahirap maging ako...
Mahirap maging isang Tricia Perez...
O kung tawagin niya ay Ms. Oinky oink oink...
BINABASA MO ANG
Oinky oink oink
Teen FictionYou're just a freakin' shoutin' talkin' human pig fo' me.