Kuwan, Anung Grade mo?

28 0 0
                                    

Kuwan, Anung Grade mo?
ika-12 ng Abril, 2016
09:48Pm. - 10:14Pm.

Masayang-masayang umuwi si Kuwan sa kanilang bahay matapos niyang kunin ang Report Card niya sa nagtapos na School Year at sa pagpasok niya sa kanilang bahay bumungad agad sa kanya ang naglilinis niyang taklesang ina.

"Nay, nakuha ko na po yung card ko." pag-uumpisa niya at agad kinuha ang kanang kamay ng ina at nagmano.

"Mabuti naman at nakuha mo na. Anu kamusta naman mga grado mo. Malamang bagsak na naman yan tulad na lang nung mga nagdaang taon kung 'di mga pasang-awa puro palakol na lang nakukuha mo. Abay kung laging ganyan Kuwan magsibak ka na lang nang kahoy ng may silbi ka naman kahit papanu, hindi puro sakit sa ulo."

"Si Mama naman, kahit kailan walang tiwala sakin. 'Di na mga line of 7 mga grado ko Ma."

"Abay himala naman kung ganun. Aber, anung grado mo Kuwan?" paghahamon neto sating kwelang bida na pangiti-ngiti pa sa kanyang ina habang hawak-hawak ang report card niya.

"Hulaan mo muna." magiliw netong sagot.

"Line of 8?" unang subok. Napailing lang si Kuwan habang nakapaskil pa rin ang mga ngiti sa kanyang labi. Animo't nagliwanag ang muka ng kanyang ina ng itanggi niyang nasa line of 8 ang grado niya.

"Huwag mong sabihing nagkaron na rin ng laman yang kokote mo Kuwan at nakakuha ka ng line of 9 na mga marka. Naku sinasabi ko na, Edgardo! Edgardo! Yari ka sakin. Sinasabi ko na, sakin nagmana 'tong si Kuwan akalain mo for the first time nakakuha ka ng matataas na marka." napabungisngis na lang si Kuwan sa pagmamalaki ng ina sa kanya.

"Ma hindi po line of 9 mga grades ko." sagot niya na nagpatigil sa kasiyahan ng ina at napakunot ang noo.

"Eh kung hindi anu?" masungit na tanung neto.

"Edi line of 6."

In A Different PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon