058

524 25 1
                                    

Nashino

Kanina pa ako doorbell ng doorbell at tawag ng tawag sa kanya pero walang sumasagot.

Umalis kaya sya?

Halos 15 minutes nadin ako dito.

Akmang aalis na ako nang biglang bumukas ang pinto at dun ko nakita si Hyacinth na namumutla.

Pagewang-gewang syang nag lakad papunta sa gate at pinag buksan ako.

" Okay ka lang ba? "- Agad ko syang nilapitan at hinawakan ang balikat.

" Ang init mo "- Sabi ko at hinawakan ang noo nya.

Nilalagnat sya.

" A-anong kailangan mo? "- Mahinang tanong nya.

" Active now ka pero hindi ka nag rereply sa messages ko, hindi ka din pumasok kaya pinuntahan na kita "- Sabi ko at inilagay ang kamay nya sa balikat ko at inalalayan sya hanggang makapasok kami sa bahay nila.

Inalalayan ko din syang umakyat hanggang sa kwarto nya at pinahiga.

" Teka bababa lang ako "- Paalam ko at agad na bumaba.

Kumuha ako ng basin at mabuti nalang may mainit na tubig sya, wala akong makitang towel nya kaya yung extra towel ko nalang sa bag ang kinuha ko at umakyat ulit sa taas.

Inilapag ko ang basin sa isang table at nilapitan yung bintana nya at binuksan.

Lumapit ulit ako sa kanya at pinunasan sya.

" Kumain ka na ba? "- Tanong ko sa kanya nang matapos akong punasan sya at nilagay ang towel sa may ulo nya.

Isang iling lang ang sagot nya.

" Ipagluluto kita "- Sabi ko at agad na bumaba at nag simula ng mag luto ng pagkain nya.

endearmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon