061

546 29 2
                                    

Hyacinth

Unti-unti kong minulat ang mata ko.

" Sabi na wala si Nashino dito eh "- Mahinang bulong ko sa sarili ko at unti-unting umayos ng upo. Nagugutom na kasi ako.

Biglang may nalaglag na towel galing sa ulo ko.

Huh? Wala naman akong natatandaan na nag lagay ako ng towel sa ulo ko.

Napa tingin ako sa pinto ng bumukas ito.

" Gising ka na pala "- Naka ngiting sabi ni Nashino na may dalang tray na may pagkain.

" Okay ka na ba? "- Tanong nya at inilapag ang tray sa may lamesa at nilapitan ako.

" Mainit ka padin pero medyo bumaba na "- Naka ngiting sabi nya at kinuha ang mangkok sa may lamesa at hinalo ito ng kaunti.

So hindi ako nag iimagine? Hindi ako nanaginip na pinuntahan ako ni Nashino kahapon?

" Kahapon ka pa dito? "- Tanong ko sa kanya.

Huminto sya sa pag ihip ng lugaw at tinignan ako.

" Oo ako nag alaga sayo buong magdamag "- Simpleng sagot nya at tinuloy ang pag ihip ng lugaw.

Maya-maya lang itinapat na nya ito sakin.

" Kumain ka na para makainom ka na din ng gamot "- Wala naman na akong nagawa kundi ang ngumanga at kainin ang niluto nya.

Patuloy lang sya sa pagsubo sakin ng lugaw at nang maubos ko ito, pinainom nya ako ng gamot.

" Salamat ah "- Pasasalamat ko sa kanya.

" Wala yun. Pagaling ka "- Naka ngiting sabi nya at ginulo ang buhok ko.

Inakupa nya ang upuan sa tabi ko at humalumbaba.

" Bat ka ba nagkasakit? "- Tanong nya.

" Hindi ko din alam. Bigla nalang sumama pakiramdam ko kagabi "- Simpleng sagot ko. Tumango lang sya.

" Bakit walang nag aalaga sayo? Bat wala kang kasama? "- Tanong nya na nakapag pahinto sakin.

" Wa-wala akong magulang "- Malamig na sagot ko.

" Ha? Wala kang magulang? Pano? "- Sunud-sunod na tanong nya.

" Anak ako sa labas at hindi ko kilala ang magulang ko "- Simpleng sagot ko at humiga.

" Sorry "- Mahinang sabi nya.

" Tita ko talaga ang nag-alaga sakin. Kaso namatay na sya 3 years ago "- Pag kukwento ko.

" Ni-isang picture ng magulang ko wala ako kaya hindi ko alam ang itsura nila "- Pagpapatuloy ko.

" Nung namatay si Tita tsaka ko nalang nalaman na sakin pala tong bahay na to at yung mga magulang ko nag papadala pala sila ng pera "- Dagdag ko at bumuntong hininga tsaka sya tinignan.

" Matutulog na ulit ako ah? "- Sabi ko. Parang bigla naman syang napabalik sa realidad at tumayo.

" Si-sige "- Sagot nya at nilagayan ulit ng bimpo ang noo ko bago sya lumabas dala-dala yung tray.

Agad naman akong pumikit at naramdaman kong may mainit na tumulo galing sa mata ko. Agad ko itong pinunasan at natulog nalang.

endearmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon