end

939 43 17
                                    

Hyacinth

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla-bigla nalang magiging ganun si Nashino sakin.

Base sa pagkakatanda ko, wala naman akong nagawa sa kanyang hindi maganda, actually ang saya pa nga namin nun tapos BOOM! Bigla nalang syang naging ganun.

Maaga akong pumasok ngayon at inaabangan ko sya dito sa may gate ng school at sa di kalayuan natanaw ko sya. Nang medyo malapit na sya hinarang ko sya at mukhang nagulat sya.

" Hoy Nashino Nakayama! Ano bang problema mong hinayupak ka ha!? "- Sigaw ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin at akmang aalis na nang harangan ko ulit sya.

" Sige! Isang iwas mo pa saking hinayupak ka sasapakin kita! "- Pag babanta ko sa kanya. May iilang mga estudyante na nanonood samin pero wala akong pake.

" Ano ba? "- Bored na tanong nya.

" Naiinis na ako sayo ah! Ilang linggo ka ng di nagpaparamdam sakin tapos may mga babae kang dinidate! Bigla bigla ka nalang magiging cold ng ganyan ano bang ginawa ko ha!? "- Galit na sigaw ko.

" Ano after mo kong landiin after mo kong pakiligin after kong mahulog sayo iiwan mo ko!? "- Mukhang nagulat sya sa sinabi ko, medyo lumapit sya at hinawakan ang braso ko.

" Ano? Paki ulit nga yung sinabi mo "- Sabi nya at mas lumapit sakin.

" Ang sabi ko after mo kong landiin- "- Pinutol nya ang sasabihin ko.

" Hindi. Yung last part "- Seryosong sabi nya.

" After kong mahulog sayo iiwan mo ko "- Mahinang sabi ko.

Ay shit. Ngayon lang na sink in sakin yung sinabi ko.

Nagulat ako ng bigla nya akong hilain at yakapin ng mahigpit.

" Kinikilig ako sweetie pie "- Bulong nya

" Nakakainis ka naman, hindi ako ready sa confession mo "- Dagdag nya at medyo humiwalay sakin.

" Wala, sinira mo na din yung plano ko "- Sabi nya habang naka-pout.

" Diba end na ng agreement natin next week? Tapos na yung 3 months natin at balak ko sanang mag confess nun kaso naunahan mo ko kainis ka "- Sabi nya habang kinakamot yung batok nya.

Medyo lumapit sya sakin at binangga ang balikat ko.

" So na-fall ka na sa ka-pogian ko ? "- Malokong sabi nya at tinaas baba ang kilay.

Tinignan ko sya ng masama at inirapan.

" So ano? Tayo na ba? "- Sabi nya at inakbayan ako.

" Anong tayo na ba? Tayo naman na talaga ah "- Naka ngiting sagot ko at nauna ng mag lakad.

endearmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon