Its a YES, Jungkookie:)

125 6 6
                                    

Your POV.

Linggo ngayon, ang saya ko lang dahil wala akong pasok.

College student na ko at FYI, graduating na akooo! Woooh! Goodluck to me! :--)

Naglalaba ako sa kasalukuyan nang tawagin ako ng mama ko.

"*YourName*!! May bisita ka." -mama

"Po? Sino po?" tanong ko.

"Eh sino pa nga ba?" sabi naman ni mama sabay ngiti. Hmp! Alam ko na kung sino.

Ewan ko pero may naisip akong trip hahaha!

Pumunta na ako sa sala at ayun, nakita ko ang gwapong mukha ni Jungkook.

Oo si jungkook, siya nga pala ang oops.. nagkakamali kayo! Hindi ko PA siya boyfriend, soon to be pa lang. Hehehe :-D

At alam niyo ba, 6 years na siyang nanliligaw. Lahat na ata ng magandang katangian nasa kanya na. Gwapo, malakas ang dating, mabait, seryoso, mapagmahal, sweet, gentleman, at kahit ano pa hehe.

At kung nagtataka kayo, kung bakit ganun siya katagal nanliligaw sakin, oy hindi ako pakipot ha haha! Alam naman niyang gusto ko din siya pero alam din niyang kailangan ko munang makatapos ng pag-aaral. Kaya ayun. Naghihintay siya para sa akin.

Nabalik ako sa ulirat nang kilitiin niya ako. Nasa harapan ko na pala siya ngayon.

"Bakit pawis na pawis ka?" tanong niya kaya naman pinunasan niya yung mukha ko.

Jungkook pls, wag kang ganyan kinikilig nanaman ako.

Nakatago pa din ang dalawa kong kamay sa likod ko. Hehehe >:D

Nakangiti lang ako kay Jungkook habang pinupunasan niya ang mukha ko.

"Hoy, ikaw ha grabe na 'yang titig mo sakin. May pagnanasa ka talaga sakin." sabi niya.

Bigla ko namang pinunasan ng bula yung mukha niya hahaha! Ang cute niyaaa! ^______^

"Hahahahahahahahahahahahahahahhahhahahhhahahhhhahahahaha!!!" tawa pa din ako ng tawa.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"I miss you, *YourName*" aw, namiss din kita jungkook hahahaha pero syempre pakipot muna ako lol.

Speechless ang lola niyo. :D

Niyakap ko nalang din siya.

"Ang baho mo na, amoy pawis ka." sabi niya.

"Pero mahal mo." sabi ko.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin. Nakangiti naman siya. Hay, nasa langit na ba ako? Para kasing anghel yung nasa harapan ko.

"Simba tayo."

Kaya pala pumunta si Jungkook dito, yayayain niya pala akong magsimba. Oo nga pala, sunday ngayon.

"Naglalaba pa ako eh. Pwedeng--"

"Sige na 'nak, ako na magtutuloy ng nilalabhan mo. Magsimba na kayo." sabi ni mama.

"Pero ma--"

"Sige na, if i know gusto mo namang makasama si Jungkook."

"Mama!!!" hay nako naman si mama. Hahahaha!

Nakita kong ngumiti si Jungkook.

Naligo ako ulit, nagbihis at nag-ayos. Pagkatapos ay umalis na kami ni Jungkook para magsimba.

BTS Imagines [Short Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon