Finally, I found you.

109 3 8
                                    

Your POV.

"Nanananana nanananana, wow fantastic baby danceeeeee!!!!!! Woooohhhh!!!"

"Punyemas naman *YN*, tigilan mo nga yang kaka-kpop mo!" hay nako ito nanaman si ate, pustahan tayo lalaitin nanaman niya yung K-pop!

Ang saya kaya magsoundtrip! Tapos lalo na kpop pa 'tong tugtugan ko shems ang gwapo ni GD!!!

"Agshjwqokchikjbebjolmqppljheklaaknjejebalwkkwjjjawppkajakaa!!"

"Putek na yan, ang panget naman walang maintindihan sa kinakanta mo!"

"Bakit ka ba ate? Ang ganda ganda eh."

"Maganda? Eh wala ngang maintindihan."

Hay nako, pumasok nalang ako sa kwarto ko. Maasar pa ko kay ate.

Yes! Monday na bukas.

Nagtataka ba kayo? Iniisip niyo siguro na ang weird ko dahil ako lang ang natutuwa sa MONDAY.

Eh kasi naman, makikita ko nanaman yung crush ko, si Jimin.

Alam niyo bang 4 years ko na siyang crush? Simula 1st year highschool pa.

Lahat na ata ng babae dun sa school namin, may gusto sa kanya. Kahit nga ako, hindi nakaligtas hehe.

Eh paano ba naman, ang gwapo gwapo gwapo gwapo naman kasi niya. Ang lakas ng appeal niya tapos may abs daw yon! HAHAHA! Kaso suplado nga lang. Pero mabait naman siya.

Sikat siya sa school namin. Koreano siya pero dito sila sa Philippines nakatira.

Ugh, ang cute niya talaga!

Ayun nga lang, may apat na salita ang nag-exist sa mundo.

MAY GIRLFRIEND NA SIYA.

Masakit? Masakit.

HAHAHAHAHAHAHHAHA!!!

Pero masaya naman ako para sa kanya.

Masaya? Pero masakit?

Ganun talaga. Minsan yung taong nagiging dahilan ng kasiyahan mo, siya din ang dahilan kung bakit ka nasasaktan.

OKAY ANG DRAMA KO HEHEHE.

Makatulog na nga lang dahil 8PM na at inaantok na ako at maaga pa bukas.

****************************

Kasalukuyan kaming naglelesson ng El Filibusterismo sa classroom nang biglang dumating ang class adviser namin.

"Ma'am, excuse po pwede ko bang mahiram saglit ang oras niyo? Kailangan ko kasi ng volunteer for Mass and Grand cotillion. Kailangan na daw kasi ng principal ngayon para makagawa na ng permits for practices." paliwanag ng adviser namin sa Filipino teacher namin.

Oo nga pala, malapit na JS prom, 2 months to go.

"Ah okay po ma'am, sige po." at agad munang tumabi ang Filipino teacher namin.

Ayun, may mga magvolunteer. Yung iba nga excited na daw sa magiging kapartner nila. Sus!

"Class, kulang pa pala ng isa sa girls."

"Ma'am, gusto daw po ni *YN*. Nahihiya lang daw po siyang magvolunteer." huh??

Nako ito nanaman ang magagaling kong kaklase, pinagtripan nanaman ako.

Nagtawanan naman yung iba kong kaklase. Alam niyo kung bakit?

I'm a nerd, shy and study conscious. Wala akong paki sa popularity. One friend is enough sakin. What am I physically? I'm a girl with glasses and braces. Hindi ko trip ang mag-ayos ng sarili. Hindi uso sakin ang suklay, salamin at kahit pulbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BTS Imagines [Short Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon