"Uy Tan!" kagad sabi ni Louie then nakipag-apir kay Tristan.
Eto namang si Mr. Sungit no reaction jusko. Kung ako yan kinilig nako ng bonggang bongga.
"Meliza right? Friend ni Jessica?" napalunok ako, geez he's talking to me
"Y-yes" i answered then he smiled brightly at me oh gosh!
"You and Tristan huh?" nanlaki ang mata ko at napatingin kay Tristan pagkatapos umiling iling.
Sana maisipan niya akong tulungan sa pagiling no? Asar. Mukhang wala lang sakanya.
"What do you think Alvarez?" napangisi si Louie nang itanong iyon ni Tristan sakanya. Ano bang iniisip netong Tristan na ito?
"Hm, I think she and I are more suitable haha kidding! Sige Tan una nako, see you around Meliza" gosh halos lumabas na ang puso ko, grabe si Louie! Grabe siya! Pinanood ko siya habang lumalakad siya palayo saamin, grabe i'm already inlove with him ata! Char.
"You like Alvarez huh?" naging dreamy ang face ko after itanong iyon ni Tristan sakin.
"Silence means yes I guess? Lemme' tell him" akmang susundan na ni Tristan si Louie pero nagninja moves ako para pigilan siya.
"Siraulo ka ba? Baliw? Bakit mo sasabihin?" tinitigan niya lang ako with his famous poker face na kinababaliwan lahat ng mga kababaihan at kabaklaan.
"So that he'll be aware" i looked at him with disgrace, nagkagusto na kaya to?
"Ikaw nagkagusto ka na ba? Malamang kung oo, dapat alam mo na hindi pa dapat sabihin agad no! Siguro di ka pa nagkagustoo!" nagulat ako nung hinigit niya ang bewang ko palapit sakanya at tinitigan ako sa mata. Napalunok ako sa tension na nararamdaman ko.
"U-uy joke lang hehe""Yes maybe you're right I don't like anyone" tapos lalong lumalim ang titig niya at lumapit saakin as in super lapit
"Because i already fell" naramdaman kong nanaas ang balahibo ko sa batok noong maramdaman ko ang hininga niya kaya kaagad akong lumayo.
At dahil wala pa ako sa sarili ko naout of balance ako at handa ng madurog ang buto sa pwet ko kaso naramdaman kong may humawak sa kamay ko. At hinigit ako palapit sakanya kaya napayakap ako
"T-tristan"
"Can you atleast be careful next time? What if i'm not here huh? Paano kung magisa ka lang? Ts" nakatulala lang ako at nakatitig sa mukha niya. At kusa nalang na bumukas ang bibig ko at lumabas ang mga salita galing doon.
"Andiyan ka naman eh" he was taken aback bout' what I've said at kaagad niya akong binitawan at nagsimula ng maglakad.
"Let's go puntahan na natin sina Gio" habang naglalakad napaisip ako, posible bang...
"Tristan may twitter ka ba?"
"Yes, @mendoza.tristan why?" biglang bumagsak balikat ko, malamang imposibleng magkagusto yan sakin? Bakit ko ba naisip na baka siya si Mr. Twitter?
"Wala lang"
"Are you planning to stalk me? Ha, you won't see a thing" and one more thing it seems like Mr. Twitter is friendly unlike this guy.
"Asa" pero bakit parang disappointed ako? Ha! Kalokohan.
"Liz! Tan! Here" tawag ni Jess samin kaya kagad akong lumapit at tumabi sakanya
"Bakit bigla kayong nawala?"
"Marami kasing tao, so di namin kayo nakita kaya humiwalay na kami" pagsagot ni Tristan sa naging tanong ni Jes
"Pre, nakasalubong pa namin si Alvarez" bigla akong napahawak ng mahigpit kay Jes dahil nabanggit yung Alvarez.
"Talaga? Baka naghahanap ng chicababes"
"Sira! Dapat nagbar nalang siya!" At nagtawanan sila ng wagas, posible bang naghahanap nga ng babae si Louie?
Napatingin ako kay Tristan at nagulat ako dahil tinititigan niya rin ako pero instead na iiwas ang tingin niya sakin mas lalo pa siyang tumitig at dahil hindi ko kinaya ang pagtitig niya ako na ang unang umiwas.
Habang nakatambay kami biglang may kumalabit saakin pagtingin ko isang batang lalake.
Waaah! Ang cute cute niya!!!! Kung pwede ko lang siyang ibulsa ginawa ko na! Hihi
"Ate here" at inabutan niya ako ng isang rosas tsaka tumakbo paalis.
Ang ganda ng rosas, sa dulo nito may nakasabit na note.
Kaagad ko itong binasa.
'Lunch with me? Tomorrow i'll pick you up at 12 noon --LA'
Could it be?
"Kyaaaaah! Si Louie ba yan?" LA as in Louie Alvarez? No way omg!!!!!
"Tsk I need to go home" then bigla nalang tumayo si Tristan at umalis nang hindi man lang pinapakinggan ang opinyon namin.
"Anong problema niya?" nagulat naman kami nung ilang segundo palang ang lumipas bumalik ulit siya.
"And you!" nagulat ako nung tinuro niya ako
"Take care, sumabay ka sakanila" halos atakihin ako sa puso noong sinabi niya yon full of authority and concern.
"Hey babe! Si Tristan ba talaga yon?"
"Yes babe, so it's you huh" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Gio.
Anong nangyayare sa mundo?
Oh well, so excited for tomorrow!
*******