Meliza

10 3 2
                                    

"Huy mukhang good vibes tayo ha! Nakita ko yung tweets niyo ni ehem Mr. Twitter ikaw ha!" sabi ni Jes at inalog alog with matching hampas niya ako grabe. Take note, wag pakiligin si Jessica nakakamatay.

"He, sinundan ko lang payo mo" paliwanag ko, sabay kagat sa labi ko upang mapigilan ang pagngiti.

"Huyyy! Yang mga pigil ngiting yan ha! Kinikilig ka no?" napailing kaagad ako, totoo naman hindi pa ako kinikilig.

"Hindi pa promise! Natutuwa lang ako kasi nakakachallenge siya" ba syempre hindi kami magkakilala pero parang kilalang kilala niya ako.

"Oo na nga lang, basta kapag magkikita kayo dapat kasama ako ha! Sasama ko buong basketball team ni Gio para protektado tayo!" nag aja pose pa siya, hay baliw forever.

"O ayan na pala si Gio tsaka si Tristan eh" bigla akong nangilabot nung banggitin niya si Tristan waah! Yung nakakatakot na lalake!!!!

Oo nga pala nandito kami sa mall ngayon, may date kasi sina Jes at Gio kaso ayaw akong iwanan ni Jes kaya naisip niya akong pang hanap ng date.

PERO BAKIT SI TRISTAN MENDOZA PA?! pwede naman si Louie diba? ay joke

"Uy Jes, bakit si Tristan? Nakakatakot yan eh" pabulong kong sabi kay Jes habang abala ang mata ko sa papasok na si Tristan. Sinusuri ko kung harmless ba ang paglapit sakanya.

"Ano ka ba, mabait yang si Tristan no tsaka wag ka hot siya!" eh ano ngayon kung hot siya?! Geez

"Paano---"

"Hi girls" nakangiting bati ni Gio saamin, habang si Tristan eh tumango lang.

"So this is a double date ha?" mapanlokong anunsyo ni Jes at nagcling sa braso ni Gio.

"Haha kayo lang ang magdadate" sarcastic kong ganti, grabe ako? Pati si Tristan? No way!

"Eh Liz sasama kayo samin eh" aangal pa sana ako nung biglang magsalita si Tristan

"Kung ayaw mo odi wag" masungit niyang sabi at mukhang magwawalk out na pero pinigilan ko.

WTF MAY SARILI BANG UTAK ANG KATAWAN KO?

"Wala naman akong sinabing ayaw ko, ang sabi ko hindi lang to date" tumingala ako at nagkasalubong ang mata namin, para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig ng magtama ang tingin namin.

"Well then tara na guys!" nagulat nalang ako nung magsalita si Jes sa gilid namin at pumalakpak pa.

Umakbay si Gio sakanya at nanguna na sila sa paglalakad, samantala kaming dalawa ni Tristan eh tahimik na sumunod sakanya.

Ang tagal kong pinangarap ang first date ko ((well hindi to date pero pwede nang tawagin na date tutal sinabi naman na ni Jes kanina)) tapos ganito lang pala katahimik, sobrang awkward.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko, nakakatakot ang aura niya grabe.

"Tsk" nagulat ako nung biglang nahuli niya akong nakatingin sakanya, HALA BAKA KUNG ANONG ISIPIN NIYA. Hindi ko siya gusto uy!

"Anong ginagawa mo diyan ha?" nagpanic naman ako, may mali ba sa paglalakad ko?

"A-ah eh, ano n...aglalakad? hehe" grabe bakit kasi nakakatakot siya?

"Diba sabi ni Jessica date to? Bakit nasa likod kita? Ganito" tapos bigla niya akong inakbayan at hinatak palapit sakanya, halos sumabog yung mukha ko sa hiya. GRABE SIYA.

"Better" sabi niya at OMG nagside smile ba siya? Grabe may alam pala siyang ibang ekspresyon no?

"So Meliza, gusto mo bang sumamang manood ng movie sakanila? Or what?" nakita kong tumitingin ng movies sina Jes, parang gusto ko ring manood.

"Anong papanoorin niyo?" tanong ko kay Jes, kaagad naman siyang humarap na may ngiti sa labi

"Beauty and the Bestie wihiii!" muntik nang magnining yung mata ko, JAMES REID OF MY LIFEEEE.

"Kyaaaaah! Si Jameesss" sabi ko with matching talon talon pa

"Wow, you're weird"  tumingin ako kay Tristan na nakatitig lang saakin pero parang ang sungit niya pa rin hay.

"So bili na tayo?" pagyayaya ni Gio, lahat kami ay pumunta doon sa may counter. Kukuha palang sana ako ng pera ko pero naunahan na ako

"2 tickets please" nagulat pa yung babae sa cashier sa presence ni Tristan at aba nakuha pang magpacute.

Iaabot ko palang sana yung pera ko sakanya pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad, wow ano ako hangin?

"Meliza tara na" dali dali akong sumunod dahil sobrang taray niya grabe dinaig niya teacher ko sa history!

Dahil sa madilim at marami rami yung mga tao sa sinehan, hindi na namin makita sina Jes kaya no choice kundi humiwalay kami AT sa kasamaang palad natisod ako sa paa.

Napapikit na lang ako at hinintay akong mahulog pero naramdaman ko nalang ang kamay sa bewang ko at hininga sa mukha ko, napadilat ako bumungad saakin ang makinis na mukha ni Tristan Mendoza nakatingin lang siya sa mata ko, sobrang deep ng mata niya.

"Sa susunod huwag mong hintayin lang na mahulog ka, gumawa ka rin ng paraan para hindi ka masaktan sa paghulog" mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at nanguna sa paglalakad, hanggang sa makaupo kami ay nakatulala lang ako, bakit parang ang deep nung sinabi niya?

Nung magstart na ang movie nanatili lang akong tahimik, pero maya maya lang humahagalpak na ako sa tawa, solid si Coco Martin! HAHAHA.

"Tuwang tuwa ka sa movie na to no?" amused na tanong saakin ni Tristan, bakit kasi hindi siya tumatawa?

"HA? EH HAHAHAHA! Ikaw kasi hindi ka tumatawa diyan eh!" grabe hindi ako makamove on sa pagkanta ni Coco HAHA.

"Busy ako sa pagtitig eh" eh? Napatingin kaagad ako sakanya at halos magulat ako nung nakatingin siya saakin na may ngiti sa labi niya. Hindi smirk o kung ano pero totoong ngiti.

"S-saan?"

"Wala, pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" mas lalo akong nagulat sa naging tanong niya, ano raw?

"B..akit?" parang nanginig yung labi ko nung tinanong ko siya

"Nilalamig ako eh, pwede ba?" kahit medyo hesitant pumayag na rin ako, gusto kong masubukan kung paano hawakan ng isang lalake ang kamay ko.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito. Ang warm, ang sarap sa feeling.

Akala ko ba siya itong nilalamig? Bakit parang ako yung nakinabang sa init ng palad niya.

Buong movie hawak niya lang ang kamay ko, kaya medyo distracted na ako sa pinapanuod namin.

Nang matapos ang movie, naghiwalay na iyong kamay namin.

"Did you enjoy?" nanlaki mata ko, ano? yung holding hands?

"Did you enjoy the movie?" napatingin ako sakanya, at ngayon eh nakasmirk na siya. Namula ako doon sa sinabi niya, ang dumi kasi ng utak ko eh!

"Ano, oo" sabi ko nalang at napablink ng dalawang beses, grabe anong pinaggagawa ko!

Habang naglalakad lakad kami, meron akong biglang nasilayan.

OMG SI LOUIE ALVAREZ!

Nang makita niya si Tristan kaagad siyang tumakbo papalapit.

Juskolord! Eto na ba yung oras namin? Eto na ba?

Halos magshape heart na yung mata ko habang pinapanood ko siyang tumakbo at hindi ko napigilang mapangiti.

"Tsk" dinig kong sabi ni Tristan

Hala problema nito?

****

Mr. TwitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon